Chapter 1

5 0 0
                                    

Napabalikwas ako nung narinig ko yung alarm ko sa cellphone.pinatay ko agad iyon at bumangon na para mag asikaso at makapagtrabaho na.

Ganito ang buhay ko trabaho don trabaho dito at paraket raket.basta kahit anong pwedeng pagkakitaan ay go ako may pang gastos lang sa pangangailangan ko sa school at makapagbigay rin kayla mama at papa kahit papano.

Ayoko naman iaasa lahat sa magulang ko dahil hindi naman kami mayaman.simple lang ang buhay namin nakakain kami tatlong beses sa isang araw.

Nagtatrabaho bilang driver si papa sa daddy ni river at katulong naman si mama sa mansyon nila.in short malaki ang utang na loob namin sa mga lee sa  magulang ni river dahil kung hindi dahil sa kanila. saan na kami pupulutin ng pamilya ko.

Kababata ko river dahil madalas ako magpunta sa bahay nila nung mga bata pa kami nung una ay ayaw niya sa akin kasi ang sadista ko daw witch is totoo naman sadista talaga ako,mahilig ako makipag away lalo na kung yung mga magulang ko ang involve.na bully ako noon dahil mahirap lang kami kaya napapaaway ako.alam iyon ni river kaya ayaw niya sa akin hanggang isang araw ay tinanong niya ko kung bakit ako nakikipag away sinabi ko naman na pinagtatanggol ko lang ang mga magulang ko.simula non naging magkaibigan na kami naging taga pag tanggol ko na rin siya pag nabubully ako sa school.

Kaya nga ganon na lang ang pagkagusto ko sa lalaki.hindi niya alam na gusto ko siya dahil ayoko rin ipaalam baka masira kung anong meron sa amin ngayon at ayokong mangyari iyon.

Okay nako sa bestfriend niya ko at nakakasama ko siya.ayokong magbago ang pagtingin niya sa akin pag nalaman niyang gusto ko siya.

Hindi ko alam kung kailan ko siya nagustuhan pero alam kong matagal na at ayoko na mas lumalala pa ito dahil pag mas lumalala pa ang pagkagusto ko sa kanya mas sasakit kaya hanggat maaari pipigilan ko ang sarili ko na mahulog sa kanya.

Itatatak ko sa kokote ko na bestfriend niya lang ako wala ng iba dahil iyon naman talaga ang role ko sa buhay niya.

Napabalik ako sa katinuan ko nung may kumatok sa pinto ng kwarto ko lumapit ako doon at pinagbuksan kung sino iyon si allison lang pala.

Bakit?.tanong ko sa kanya ang aga aga nang bubulabog ito.

Si kuya river nasa baba inaantay ka.sabi niya at saka umalis.

Naiwan akong nakanganga at gulat.sino daw yung nasa baba?si river?anong ginagawa niya dito?.

Bigla naman ng flashback sakin yung nangyari kagabi.

Yung halik!

Anong gagawin ko?!

Sinara ko ulit yung pinto ng kwarto ko at bumalik sa kama at nagpagulong gulong. hindi ko siya pwedeng iwasan dahil baka isipin niyang may meaning sakin yung halik witch is totoo naman may meaning talaga sa akin yun.aba first kiss ko yon ah! At sa kanya pa talaga napunta.

Kailangan ko siyang harapin tama magpapatay malisya na lang ako na parang wala lang sa akin yon baka ganun din siya wala lang sa kanya yung halik dahil lasing siya kagabi.

Inipon ko lahat ng kapal ng mukha ko bago bumababa.bahala na si batman.

Naabutan ko siya sa sala na nagkakape habang kausap si mama.hindi pa nila ako napapansin dahil busy sila mag usap. napa ehem naman ako kaya naagaw ko yung atensyon nila.nilingon ako ni mama at nginitian kaya ngitian ko na rin siya at naglakad papunta sa kanila.

Tumingin naman ako kay river na nakatingin rin pala sa akin.tinaasan ko siya ng kilay bago umupo sa tabi niya napangisi naman siya.

Anong ginagawa mo dito sa bahay namin ang aga aga nanggugulo ka.wala ba kayong kape sa bahay nyo at dito kapa talaga nakikape sa bahay namin.pagtataray ko sa kanya sinaway naman ako ni mama pero nginitian ko lang siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bright Of The SunWhere stories live. Discover now