Gusto kona umuwi dahil may pasok pako bukas sa trabaho pero yung mga kasama ko sige pa rin ang inom.
Ako yung naaawa sa atay nila kakainom eh!
Gabi-gabi na lang kung mag aya sila mag inom,grabeng torture naman toh!.hindi ko naman matanggihan at baka mag tampo sila sa akin mahirap na noh.
Hindi pa ba tayo uuwi?.ungot ko sa kanila kase kanina pako kating kati umuwi.
Jusko!sabog na naman akong papasok neto bukas.buti na lang at wala kaming pasok sa school bukas kaya makakapasok ako sa trabaho ko.
Chill ka lang Ali nagkakasiyahan pa tayo dito eh tsaka minsan lang ito sulitin na natin.sabi ni drake
Anong minsan lang!eh halos gabi gabi nga siya kung mag aya samin mag bar.ibang klase naman talaga ang atay ng isang ito eh.
Napatingin naman ako sa katabi ko na kanina pa nilalaro yung kamay ko.
Shet!bat ganon ang gwapo pa rin niya kahit madilim.
I mean medyo maliwanag naman dahil sa mga iba't ibang kulay ng ilaw dito sa bar,disco ball ata ang tawag don pero sapat na iyon para makita ko yung kagwapuhan ng katabi ko.
Alam kong gwapo ako cerise,sabihin mo lang kung gusto moko tignan magdamag pagbibigyan kita.sabi niya sabay tingin sa mata ko.
Bat ba ang hilig neto makipagtitigan ang awkward tuloy!.tapos nakita ko na naman yung tsokolate niyang mga mata na masarap tignan buong araw.
Ang gago mo!.sigaw ko sa kanya at umiwas ng tingin,pakiramdam ko umakyat yung mga dugo ko papunta sa pisngi ko dahil ang init ng pisngi ko ngayon.
Binabaliw ako na katabi ko!
Narinig ko naman yung pagtawa niya at hinila niya ako para mas mapalapit sa kanya.nakalupot na ngayon ang kamay niya sa bewang ko,ipinatong niya naman yung ulo niya sa balikat ko.
Nag iwas naman ako ng tingin kasi baka mamaya makita niya yung pamumula ng nukha ko kahit madalim dilim dito mabuti na yung sigurado.gago pa naman ito asarin pako.
Inanetoh pafall ampotek! Eto namang bida bida kong katawan bumigay rin sa pahila niya.ang hirap maging hindi marupok pag dating sa isang River Laurence Lee.
Sino ba namang hindi rurupok sa gwapo niya idagdag mo pang ang bango bango niya kahit ata buong araw ko siyang katabi ay okay lang,hindi nakakasawa.
Napapagod kana ba?.bulong niya sa tainga ko dahilan para makiliti ako.
Oo kanina pa at may pasok pa ako sa trabaho bukas.reklamo ko sa kanya napatango tango naman siya at kinuha yung susi ng motor niya at tumayo.
Nilahad niya yung kamay niya sa tapat ko kaya ipinatong ko doon yung kamay ko at tumayo napatingin naman sa amin yung apat na kanina pa busy sa pag inom.
Uuwi na kayo?maaga pa mamaya na.tanong ni Clifford isa sa mga kaibigan namin.
Hindi pwede maaga pa pasok ni cerise sa trabaho bukas kaya ihahatid kona siya babalik ako.sabi niya tumango tango naman sila.
Nagpaalam nako sa kanila at magkahawak kamay kaming lumabas ng bar.pwede bang ganito na lang forever iyong hawak hawak niya lang yung kamay ko.
Hays Alliynna Cerise Perez mukhang malabo mangyari ang gusto mo dahil unang una kaibigan lang ang tingin niya sayo at panggalawa busy siya masyadong sa pag aaral niya kaya wala kang pag asa sa kanya.
Pagkadating namin sa parking lot sinuot niya agad sa akin yung spare helmet,hays pafall talaga ampotah!
Sinuot niya naman yung sa kanya at sumakay na sa motor niya kaya sumakay na rin ako.humawak agad ako doon sa likod whew!mahirap na baka malaglag ako.nagtaka ako nung hindi niya pa ini start yung motor parang may hinihintay siya na ewan.
YOU ARE READING
Bright Of The Sun
RomanceShe destined to bright alone just like the Sun that burn her skin