Crush

8 0 0
                                    



Papasok na ako ngayon sa kwarto ko at napalaki ang mata ko nung makitang nandito yung Crush kong si Owen.




T-teka? Pano siya napunta dito sa kwarto ko?!



Nakahiga pa siya sa higaan ko na parang sakanya 'yon.




Tinignan ko naman ang paligid nung kwarto ko.





Ankalat! Hindi kasi ako naglinis eh.
Humarap naman ako sakanya.





"Anong ginagawa mo dito?! How come na nakapasok ka sa kwarto ko?!"





Nakita kong dumilat naman siya at napatingin saakin pero ang letche inarapan lang ako.




Agad naman akong lumapit sakanya at hinila papalabas pero anlakas niya.




"Bitawan mo nga ako, dito muna ako. Ang init saamin eh", sabi niya at humiga ulit sa higaan ko.


"Seryoso ka?! Eh mas mainit nga dito eh, wala kaming aircon dito! Kayo nga yung meron eh! Lumayas ka nga dito!"



Agad ko naman uli siyang hinila pero napakalakas talaga niya.



"Eh dito nga muna ako!", sigaw niya




"Btw, pahingi nga ng pagkain bigla akong nagutom" bigla naman akong napanganga sa sinabi niya.



T-teka si Owen ba to?! Hindi naman siya saakin ganyan eh.




Ang alam kong Owen ay walang pakialam saakin at medyo mahiyain siya h-how come na naging ganito siya?!




"S-seryoso ka?! Lumayas ka nga dito!"



"Eh! Lalayas lang ako kung bibigyan mo ko ng pagkain! Gusto ko ng pagkain!"




Napanganga na lang ako.





Bat ang cute niya sa side na yan?
Para siyang batang hindi pinakain.

Well, mukhang hindi nga siya pinakain.




"Sabi mo ah!"





Agad na lang akong kumuha ng pagkain sa lamesa at dinala iyon sa kwarto ko.





"Oh! Kumain ka diyan! Pagkatapos mo lumayas ka na dito ah?!"




Napatigil naman ako nung kinindatan niya ako. Feeling ko pumunta yung dugo papunta sa mukha ko, angwapo niya kasi nung kinindatan niya ako.



Tinignan ko na lang siya habang kumakain siya. Napataas naman yung kilay ko nung tumingin siya saakin.




"Alam moh, mhay ich-confess akho shayo,"




Bigla namang napakunot ang noo ko.
B-bat naging ganito siya?




Hindi naman niya ugaling nagsasalita habang kumakain eh.




"A-ano?"




"I rheally admhire yhou shince we're in fhirst yhear highsschool"




Bigla naman akong nabato sa kinatatayuan ko. T-totoo ba to?!




Si Owen?! Yung crush ko! He admires me too?!



"H-huh? P-paano?"



"Whala lang, chanda moh yhung shumayaw chayo nun? Ongoling moh nhun shumayaw chaka ontolinoh moh", sabi niya habang kumakain pa rin.



Napaigtad naman ako nung may tumalsik na kanin galing sa bibig niya




Seryoso ba talaga to?!




Ewan ko kung nababaliw na ba ako pero bigla naman ulit akong namula sa mga sinasabi niya kahit na talsik yung kinakain niya saakin.




Letche seryoso ba talaga to?!





"LETCHE KHAIRA! GUMISING KA NA!"




Bigla naman akong napabalikwas ng gising nung may naramdaman akong malamig na tubig sa mukha ko.



"Anlamig! Anlamig!"



"Letche ka! Buti naman nagising ka! Late ka ng bwesit ka! Gumalaw ka na! Hindi na kita hihintayin pag hindi ka pa gumalaw diyan!" sigaw ng Kuya ko at agad naman siyang umalis sa kwarto ko.





Bigla naman akong napatulala.




W-wait, so meaning panaginip lang 'yon?!






"WAAAAHHHH!!!!!"














Panandalian Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon