ikatlo.

330 19 8
                                    


///

"Ai.." Napalingon kami ni Gel, na kakatapos lang maghugas, sa nagsalita. Si Deanna, at mukhang lasing na nga siya.

Namumula na kasi ang mukha niya at gumegewang na din sa paglakad. Nang akmang lalapit siya sa akin ay agad akong lumapit at sinalo siya dahil muntik na siyang matumba. "Lasing ka na, D."

"Shinong lasheng? Di ako lasheng, Ayyy." Kunut noong sagot niya kaya natawa ako. Hindi ka nga lasing, bulol lang. "Shaka baket mo ko niyayakap? Kras mo ko no?"

"Huy, Wong. Lasing ka na. Halika dadalhin na kita sa kwarto mo." Saway ni Gel sa kaniya at kinuha niya si Deanna sa akin. Halos ayaw pang bumitaw ni Deanna sa leeg ko kaya ako na mismo ang nagtanggal sa kamay niya.

"Ayaw ko kay Cayuna! Ayaw ko shayo, Cayuna. Dun ka ngah!" Pagmamaktol pa ni Deanna pagkatulak niya kay Gel at nang makawala siya ay agad siyang lumapit na parang bata at yumakap sa leeg ko. "Dito ko gushto! Kay Ayyyy. Wag mo ko bibigay kay Cayuna, pangit sha!"

Natawa na lang ako at pinigilan na si Gel na kunin ulit si Deanna. Mukhang hindi talaga mapipigilan to eh. "Ako na, Gel. Paki ayos na lang sila Ate Bea, lagapak na oh."

"Sure ka? Mabigat yan eh." Pag aalinlangan pa ni Gel. Nag thumbs up naman ako sa kaniya at ngumiti.

"D? Tara na po, punta na tayo sa room mo para makasleep ka na." Sambit ko dito. Mabilis naman itong kumilos pero nakayakap pa rin sa akin kaya pati ako napakilos din. Dinala ko siya sa room niya at hiniga doon. Bago siya humiga ay nagtanggal siya ng shirt niya at tinapon sa tabi. Ako naman tong si pulot at lagay ng mga hinahagis niyang damit sa laundry basket niya. Pagharap ko ay agad akong napatalikod dahil hinubad niya pala ang pants niya, naka brief lang siya ngayon at sports bra! "Fuck ka, D! Why did you remove your pants?! You're just wearing your underwear!"

"What? It's not like you don't have what I have. We're both girls. Difference is that I wear briefs." Nagulat ako dahil biglang deretso na ang pagsasalita ni Deanna. Nagpapanggap lang bang lasing to? "Come here."

Wala naman sa sariling sumunod ako sa kaniya at tumayo sa gilid ng higaan niya. Naka taklob naman na ang kumot sa lower body niya kaya hindi na awkward. "What now? Nagpapanggap ka lang bang lasing?"

"And if I am?" Napairap ako nang wala sa oras dahil akala ko naman lasing siya. Gusto lang pala niyang ako ang magdala sa kaniya sa room niya. "I am drunk, but not too drunk to forget this."

"What—" Natigilan ako nang higitin niya ako sa braso at biglang hinalikan. Halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

This. Is. My. First. Kiss.

"H-Hey.." Bulong ko dahil bumababa na sa leeg ko ang mga halik niya. Why is she so rough? I don't like this. Pinilit kong pumiglas pero matigas ang pagkakahawak niya sa akin to the point na ang sakit na niya. "D, come on. Let go of me, it hurts—"

Hindi pa rin siya tumitigil at naiiyak na ako. I don't like this. I feel so violated.

"We've done this before, Mich. You don't have to play hard to get again."

That's it. I gathered all my strength and pushed her as hard as I could. Halos tumalsik naman siya sa higaan kaya't nagulat siya. Para bang natauhan siya nang makita niyang lumuluha ako. "Ai, I-I'm sorry. I didn't mean to— I thought you were—"

"I am not one of your pleasure toys, Tharia." and with that, I stormed out of her room and went straight into mine. Nagpunas lang ako ng mata ko dahil kailangan ko pang tulungan si Gel sa labas. Nakakahiya naman sa kaniya, nandon pa ang mga kaibigan ko. Lumabas na din ako at nakitang  inaayos na rin ni Gel ang mga kaibigan ko. "Gel, hey. It's fine. Gigisingin ko na lang sila."

marahuyo. (dv)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon