///Third Person's Point of View:
Alas siyete na at hinahanap na ni Deanna si Ivy. Hindi pa rin kasi ito umuuwi mula nang mahuli siya nitong may minumukbang na babae sa kitchen.
Nag-aalala na siya rito dahil hindi naman marunong magpunta sa kung saan saan yon unless naka grab.
What if umuwi na ng pampanga?
Char lang, D.
Tinatawagan niya ito pero hindi sumasagot. "Saan na kaya nagpunta yon?"
At dahil hindi na siya mapakali ay kinuha niya ang jacket niya at jacket ni Ivy dahil malamig sa labas. Idagdag mo pa na hindi pa naman naghiheal ang sugat non sa ulo kaya baka biglang magdugo yon.
Nilibot niya ang buong Ateneo pero hindi niya nakita si Ivy. Paulit ulit niya pa rin itong tinatawagan pero ayaw talagang sumagot.
"Baka na kay Carly lang siya." Bulong ni Deanna sa sarili niya kaya umakyat na lang siya sa rooftop para mag yosi. Yung babae niya? Pinalayas na niya. Mas mahalaga si Ivy kesa sa babaeng yon para sa kaniya.
Pagdating niya sa rooftop ay madilim na, siyempre. Malawak ang rooftop kaya naman tumungtong siya sa baka malapit sa gilid at nagsindi ng sigarilyo. Hithit, buga, yan lang ang ginagawa niya. Nakakailang hithit buga na siya nang makarinig siya ng mahihinang ubo.
"Tangina naman, who's smoking here?"
Napalingon siya sa umuubo at halos tumalon na ang puso niya nang makita niya si Ivy na nakaupo sa nilatag nitong kumot. Agad niyang naitapon ang yosi niya at tumakbo para yumakap. "Aiiii!"
"Op!" Halos masungalngal na siya ni Ivy dahil iniharang nito ang kaniyang kamay para hindi makalapit nang husto si Deanna. "Amoy yosi ka at.. that's still dirty."
Tinuro ni Ivy ang bibig ni Deanna kaya napaurong naman si Deanna at tinakpan ang bibig niya. "Grabe ka naman maka dirty. Kumain ba ko ng tae?"
"Hello? You can almost eat shit doing that. Sisid kung sisid—diver ka ba?" Halos malaglag na ang mata ni Deanna sa panlalaki nang irapan siya ni Ivy. Ngayon lang kasi niya nakitang nagtaray ito. Lumapit bahagya sa kaniya si Ivy at umatras din agad. "You smell like kiffy."
"Hoy! Hindi ah! Nag toothbrush, mouthwash pa ko. Grabe ka na talaga!" Reklamo ni Deanna sa kaniyang kaibigan. "Ano? Edi naramdaman mo na naramdaman kong inis nung nakita ko kayo ni Gel sa kwarto mo?"
Tumaas naman ang kilay ni Ivy. "Is that why you're avoiding me?"
"Ye—no, of course not." Mahinang sagot ni Deanna at umiwas pa ng tingin.
"For your information, Mister. Gel and I aren't fucking. Hinihipan niya yung mata ko kasi napuwing ako. Ang dumi kasi ng utak mo kaya nagcoconclude ka agad diyan." Umirap nanaman si Ivy sa kaniya. Gusto niyang pisilin ang pisngi nito dahil sa kakyutan pero pinaninindigan niya ang tampo niya. "Nag effort pa kong pumunta ng Marikina para bilhan ka ng favorite mong pares tapos maaabutan kitang mukhang busog na busog sa kiffy non? Sana pala di na ko nagpakahirap nag commute, may iba ka naman palang kakainin."
"Nagpunta ka pang Marikina para lang sa pares? Ang dami naman dun sa labas na nagtitinda?" Gulat na tanong no Deanna.
Umirap nanaman si Ivy, strike three na. "Hindi ko naman alam, okay? Nagtanong tanong ako ang sabi nila sa Marikina daw pinaka masarap na pares kaya doon ako nagpunta. Alam mo namang wala akong alam sa lugar na to."
"Thank you naman sa paeffort mo, darling." Malambing na sambit ni Deanna na dahilan para manigas si Ivy sa kinauupuan niya. Sabi sa inyo, marupok nga yan. Isang endearment lang, bibigay yang ante niyo. "Balik na tayo sa dorm, initin natin tong pares para makapag dinner tayo."
BINABASA MO ANG
marahuyo. (dv)
FanfictionWhere Ivy, who is a "study first" person, met her roommate who is the total opposite of her- Deanna, who happens to be the notorious f*ck boy of Ateneo De Manila University.