Chapter 3: Asking

203 6 0
                                    

Time skip at cafeteria~~~

"Uy! Ako nauna sayo eh! Singit ka talaga!" Sambit ni Gia sa kambal niya dahil siningitan ito sa pila sa cafeteria habang ako naman ay nasa likod ni Gab, mapupunta si Gia sa dulo kasi may nakasunod na agad sakin sa likod. "Gabriel Antonio Valdez! Umalis ka diyan sa pila ko or isusumbong kita kay mommy na nakikipag flirt ka na ka agad sa mga girls dito sa school" habang ako naman ay natawa sa mukha ni Gab kasi ayaw na ayaw niya na binabanggit ang buong pangalan niya. "Eto na nga! Aalis na! Sumbong din kita kay dad kasi ang kupad mo tumakbo kanina kaya nalate tayo!" Sigaw ni Gab habang naglalakad papunta sa dulong dulo. Natatawa ako sa kanilang dalawa kasi since elementary palagi na silang nag babardagulan hahahaha. Pag katapos namin kunin ni Gia yung food namin is naghanap na agad kami ng vacant sit para maka upo na habang sinabihan ko naman si Gab na sumunod nalang. Tumango lang siya habang naiinis parin dahil sa inaasar siya ng kapatid niya. "Tapos na ko, kayo?" Pagtatanong ko and yes, hindi pa sila tapos pareho. Ang kukupad talaga kumain, pano ba naman kasi puro cellphone habang kumakain kaya ang natatagalan. "Hoy! Bilisan niyo diyan kasi malapit na mag time. Puro kasi cellphone." Pag sesermon ko sa kanila at agad naman nilang binitawan ang cellphone at binilisang kumain.

Tumunog na yung bell and sakto kakapasok lang din namin ng room, at  may pumasok na rin na teacher, nag greet yung teacher and nag greet din kami at nag start na kami sa lesson.....

Time skippppp~~~~

"Okay, class dismissed." Sabi ng last teacher namin at sabay sabay naman kaming naka hinga ng malalim dahil ang last subject namin is Math. Ang hirap. "Naubos braincells ko sa last sub HAHHAHA" sabi ni Gia habang nilalagay ang mga libro niya sa locker niya. Ako naman at si Gab ay hinihintay siya matapos at maka uwi na kaming tatlo. "Same lang tayo teh HAHAHAHAHHA sumakit yung ulo ko sa question ni sir kanina, pero at least nasagot ko HAHAHHA" sabi ko naman at tuluyan na kaming umuwi. Pagdating ko sa bahay nakita ko si Lola nag luluto para sa gabihan namin. At si Lolo naman ay nakahiga sa sofa natutulog habang bukas ang TV. Haystt si Lolo talaga natutulog habang nakabukas ang TV. Napa sapo nalang ako sa ulo ko habang tinitignan si Lolo. "La, nandito na po ako" sabi ko at pumunta ng kusina para mag mano kay Lola. "Oh, Apo nandito ka na pala. Oh siya, Sige magbihis ka na at malapit na ko matapos sa niluluto ko" sabi ni Lola.
"Mano po La, sige po magbibihis na po ako" sabi ko at agad na pumunta sa kwarto ko at nagbihis.

Pagkatapos ko magbihis ay nahiga muna ako sa higaan ko at tinignan ang phone ko at nakita na may chat sa gc naming tatlo

                 
                       Basta GC to

Giang rupok

Ria nakauwi ka na?

                                                    Ria Ganda
                                               
                                              Oo, kanina pa

Gab landi

Gagi, kala ko madali lang
First day of school HAHAHA

                                                 Ria Ganda

                          Kala mo lang yun HAHA

Giang rupok

hoy! Gab tawag ka ni mama!
Bumaba ka daw diyan!

Gab landi

Oo na! Wait lang!

   
                                                  Ria Ganda

                          Bat pa kayo nagchachat  
                       eh, nasa iisang bahay lang
                                                naman kayo

Giang rupok

Ihhhh nakakatamad umakyat
Sa room ni Gab para tawagin lang
Siya tapos siya pa galit

Gab landi

Hoy! Di naman daw ako tawag ni mama!

Giang rupok

Ay, hindi ba? Sorry HAHAHA

Gab landi

Bwiset ka Giana Aries!

                                   
Bigla naman akong tinawag ni Lola habang nagbabasa ako ng chat nila at panay tawa. "Kay, anak! Baba na kakain na tayo!" Sigaw ni Lola at agad naman akong sumagot "Opo la, baba na po!" Nagchat naman ako sa gc namin

Gab landi

Bwiset ka Giana Aries!

                                                  Ria Ganda

                               Guys mamaya nalang
                     ulit kakain na kami. Bye!

At hindi ko na inintay ang reply nila at agad na bumaba para kumain. Nakita ko si Lolo nakaupo na sa hapag kainan kaya nagtungo ako sa kaniya upang mag mano "Lo, mano po" sabi ko at inabot ang kamay niya at inilagay sa noo ko sabi naman ni Lolo "God bless you apo, sige na umupo ka na para makakain na tayo" agad naman akong umupo at kumain kasama sila. Biglang pumasok sa isip ko yung itatanong ko kay Lola at tinanong siya "La? Ano pong pangalan ng mama at papa ko?" Sagot naman ni Lola "Apo, bat bigla mo naman natanong iyan?" Sabi ko "kanina po kasi sa School tinanong kung ano pong pangalan ng mga magulang ko at ilan ako sa magkakapatid, naalala ko po yung sinabi niyo po sakin dati na bunso po ako sa aming magkakapatid kaya yun lang po sinabi ko at hindi ko po nasabi ang pangalan ng mama at papa ko kasi po hindi ko po sila kilala" sagot naman ni Lola "Gusto mo ba talaga malaman?" Sabi ko naman "Opo La, gusto ko po sila makilala" sagot ni lola "Oh siya sige, malaki ka naman na kaya dapat lang siguro na malaman mo kung sino ang mama at papa mo at kung ano ang dahilan kung bakit ka nila iniwan samin ng lolo mo. Ang pangalan ng mama mo ay Stella habang ang Papa mo naman ay Kenjie, dahilan kung bakit ka nila iniwan samin kasi hindi nila kaya na mag alaga pa ng isa pang anak, pero natutuwa sila non nung nalaman nila na babae ang anak nila, aksidente kang nabuo sa sinapupunan ng nanay mo, apo. Dahil nung araw na yon ay lasing ang papa mo at nabuo ka. Hindi ka nila inaasahan na dadating ka sa buhay nila, kaya pagkatapos mong ipanganak, lumipas lang ang isang buwan ay binigay ka na ng mama mo samin at kinuha ang mga kuya mo para lumipad sila papuntang ibang bansa. At—" hindi na natapos ni lola ang mga sinabi niya dahil bigla akong tumakbo papasok ng kwarto ko at doon iniyak lahat. Paano nila nagawa sakin yon? Aksidente? Ako? Pero bakit? Yan ang mga katanungan na bumabagabag sa isipan ko habang ako ay umiiyak sa kama ko pagkatapos marinig lahat ng yon galing kay Lola...
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako........

To be continued.....

Hi loviesssss another update! Medyo na pahaba tong chapter na to HAHAHHA so ayun! I hope you enjoy this chapter! Next time ulit! Bye loviesssss!!!

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now