Chapter 8: missing our bunso

155 6 0
                                    

Stell's POV
Nasa living room ako ngayon while watching TV. Palipat lipat lang ako ng channel kasi walang magandang palabas. Nauurat na ko kanina pa. "Ano bayan! Wala man lang akong mapanood na maganda!" Sabi ko sa sarili ko habang palipat lipat ng channel. Naisipan ko nalang patayin ito at umakyat sa kwarto namin ni pau, pero bago ako mapunta sa kwarto nakita ko yung kwarto ni kuya josh nakabukas yung door then may na aninag akong ilaw.

Napaisip ako, kasi umalis na si kuya josh kanina before mag dinner kasi may emergency daw sa hospital, kaya pinasok ko yung kwarto ni kuya, and yeah, nakita ko si ken.

Nakatayo dun sa tabi ng night stand habang hawak yung picture frame na palaging iniiyakan ni kuya josh.

Yes, iniiyakan niya. Since magkatabi lang kami ng room palagi ko talaga siya naririnig na umiiyak at kinakausap yung picture frame.

Kinakamusta niya pa nga to eh like hello baby, kamusta ka na, ganurn. Kaya minsan napapag-kamalan ko siyang may jowa na HAHAHA, pano ba naman kasi kada uuwi siya galing shift niya, may hello baby yung picture frame.

"Cute ng baby ko no?" Sabi ko habang nasa likod ni ken.

"Ay kabayo! Kuya naman eh! May pinto oh, di marunong kumatok? Kailangan pa mang-gulat?" Galit na sabi ni ken sakin.

"Malay ko bang magugulat ka, OA nito. Galit agad? Sensya tao lang" sabi ko habang nginingitian si ken.

"Bat nandito ka, kuya? May kailangan ka ba?"

"Wow ha, kwarto mo beh? Wala akong kailangan, na curious lang ako kung sino yung tao sa loob kasi ang pagkaka-alam ko, umalis na si kuya kanina pa kasi may emergency daw sa hospital, so bakit ka nandito?"

"Na curious lang ako, kanina kasi si kuya josh nakita ko umiiyak. Kaya ayon, pumasok ako. Wala naman akong pinaki-alaman na ibang bagay except sa picture frame na hawak niya kanina. Kuya ano palang panagalan ni baby?"

"Di ko alam eh, walang sinabi sakin sila kuya even si mom and dad."

"Ahhh ganun?"

"Opo, kaya halika na matulog ka na. Labas na dali, pauwi na yon si kuya."

"Ito na lalabas na"

Sinara ko na yung pintuan ng kwarto ni kuya josh at pumasok na si ken sa kwarto nila at ako din.

Pagpasok ko, bumungad sakin si kuya sungit, well si kuya pau may nickname kila kuya josh, ken, and jah,
Wanna know why? Kasi pwet mo kumakaway HAHAHAH Char lang. Nickname niya is ate chona for being masungit HAHAHA pero may nickname din naman ako para sa kanya. Kuya sungit. Ako lang nakaka alam niyan. Astig ako eh.

"San ka galing? Bat ngayon ka lang? Anong ginawa mo sa baba?"

"Si kuya sungit, sunod sunod ang tanong, well to answer your questions
San ako galing? Diyan sa living room, bat ngayon lang ako? May tiningnan pa kasi ako, and lastly anong ginagawa ko sa baba? Nanonood ng ano...."

"Ng ano? Ikaw ahhh"

"Ng TV! Si kuya, baka ikaw nanonood ng ano char HAHAHAHHA"

Tumawa nalang siya at nagpatuloy na sa ginagawa niya. Ako naman nandito na sa higaan ko.....

"Kuya, miss ko na si bunso, Ang tagal na natin siyang hindi nakikita simula nung umalis tayo sa Pilipinas, di pa ba natin sasabihin kila Lolo at Lola na nandito na tayo para makita na natin si bunso?"

"Kung pwede lang, ako na agad tatawag kay Lola na matagal na tayo dito, for sure namiss din tayo nila Lolo at Lola"

"Kuya, do you think she knows us?"

"She doesn't know us, I think. Because it's been fcking 18 years since kinuha tayo nila mama"

May pagdiin na yung pagka-sabi ni kuya ng 18 years at nagmura pa. Kaya di na ko ulit nagtanong at nag phone nalang....

Nang biglang...........

To be continued.......

Hi loviesssss!!! Sorry ngayon lang nag update, been busy for a while.
But I hope you enjoy this chapter! Yun lang see ya on another chapter!💙💙💙

My Lost Five Brothers (SB19)Where stories live. Discover now