"Pwede ho bang mang harana?"
Sabi ng boses ng isang binata.
Nanigas si Sarah.
Kilala niya ang boses na yun.
"Nag-ring ang telepono alas kwatro ng umaga
ang sabi ko hello sino ito, di ka nag salita
tinanong ko baby girl, ikaw ba yan
sumagot ka oo
ikaw ay umiiyak di ako kumibo"
Hindi makagalaw si Sarah...
Pinakikinggan niya lang ang kanta nang marahan siyang hinila ni Aling Sarai papunta sa bintana.
Lumiwanag ang mukha ng lalakeng kumakanta ng makita si Sarah.
Habang ang mukha ng dalaga ay walang emosyon.
Nakatitig lang sa mga mata niya.
"matagal tayong tahimik tapos bigla kang umimik
iyong kinuwento na nanggaling ka sa clinic
tinanong kita kung bakit at sinabi mong
meron tayong problema"
May kumaway sa kanya sa isang gilid...
Si Lloyd.
Kinawayan niya rin ito.
Saka niya napansin sila Cristine, Rayver at Anne na nasa likod ni Lloyd.
Saglit niyang kinawayan ang mga kaibigan at binaling uli ang tingin kay Gerald na nanginginig ang boses.
Nangiti siya nang makita na unti-unting sumisimangot ang mukha nito at tila nagpipigil ng iyak.
"dahil sa pregnancy test mo kay doktora
ikaw ay pumasa, wala akong nasabi
ay teka muna meron pala naitnaong ko
sa iyo kung sigurado ka ba talaga
sigurado ka ba na ako"
patuloy ng binata..
Napatango si Sarah.
Tungkol pala sa kanila ang kanta.
Dalawang bata na nagkamali at ngayon ay may malaking problema..
"sagot mo sakin oo gago di ko alam
ang gagawin hindi ko alam so bigla
kong hinang kunyari bigla nalang naputol
masyado pang maaga baka hindi ko kaya
di ko alam ang gagawin hindi ko alam ang gagawin
hindi ko alam "
Naalala na naman ni Sarah ang dapat niyang harapin na problema na sinusubukan niyang taguan.
Hinaplos naman siya ni Aling Sarai.
Dahan-dahang umakyat si Gerald sa hagdanan ng bahay habang kumakanta at nag gigitara.
"sinagot ko ang telepono alas singko ng umaga
ang sabi ko o bat mo binaba
di ka nagsalita tinanong ko so ano ngayon
ang plano mo, sumagot ka ikaw sumagot ako
bakit ako ikaw, sumagot ka bakit ako lang..."