Chapter 2

28 15 2
                                    

Kalliah

Napabalikwas ako ng bangon at napapunas ng pawis. Hingal na hingal din ako na parang tumakbo ako ng ilang milya.

'Napanaginipan ko na naman iyon tsk!' Ewan ko ba nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ko nang napapanaginipan ang nangyari noon.

Napapailing na lang akong bumalik sa pagkakahiga at tumingin sa kisame.

Ilang minuto ko na yata itong tinitingnan ng bumalik na naman sa balintataw ko ang nangyari isang linggo na ang nakakaraan  kung saan nakaharap ko sila. At ang pagpapakita muli ni Severus saakin at ang binigay niyang misyon.

Nang maisarado ko ang pintuan pag dating ko ay kaagad akong napasandal dito. Napahawak din ako sa dibdib ko. At hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa din ang lakas ng pagtibok nito na tila lalabas na sa may dibdib ko.

Ilang beses akong huminga nang malalim bago ko muling naramdaman ang normal nitong tibok. Napailing ako sa sarili ko ng mapagtanto kung hindi ko pala nadala ang napatay kung usa. Gustuhin ko mang balikan iyon pero nang maalala na baka nandun pa siya ay tila umurong ang lakas ko. Mas pipiliin ko pa ang magutom keysa ang makita siyang muli.

Buong araw na iyon ay siya lamang ang laman ng isipan ko at hanggang sa mga sumunod na araw ay hindi parin siya nawawala sa sistema ko. Lahat ng mga alaala ng nakaraan ay bumalik lahat. Hindi ko man gustong balikan ang nakaraan pero ng dahil sa muli naming pagtatagpo ay tila parang sirang plakang nagpapaulit ito sa utak ko. At kahit anong liwaliw ko sa aking sarili ay wala akong magawa. Pati ang alaalang matagal ko na ding kinalimutan ay nagbalik muli.

Hindi ko maiwasan ang hindi makaramdam ng pagkamuwi. Galit na galit ako sakanila dahil nang dahil sakanila naging ganito ako. Naging miserable..

Malakas na suntok ang pinakawalan ko sa punching bag ng muling bumalik ang masalimuot na pangyayaring yun sa utak ko. Halos matanggal na ito sa pagkakasabit ng bigyan ko ito ng magkakasunod na suntok. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit hindi parin ako makalimot kahit sa tagal ng panahon ang nakakalipas, parang kahapon lamang ito nangyari na grabe kung makasugat sa puso ko.

Napayuko ako ng makitang nabuwal ang punching bag sa lupa. Napasabunot ako sa buhok ng muling nagsabay-sabay ang bugso ng mga alaala sa utak ko.

Napasigaw na din ako sa nararamdamang sakit at pighati sa puso ko. Tila parang kunting-kunti na lang ay mababaliw na ako. Ramdam ko na din ang pagpatak ng pinaghalong pawis at luha sa mukha ko.

At sa kamiserablehan ko ay pati yata langit ay nakikidalamhati sa nararamdaman ko. Bumuhos ang malakas na ulan na siyang nagpabasa sa buo kung katawan. Pero wala akong pakialam at patuloy lamang na lumuha habang dinadamdam ang matinding sakit na nanunuot sa kaibuturan ng aking puso.

Pero agad ding napatigil ng maramdaman ang pamilyar na presensyang papalapit.

"You're still weak."  Napatingin ako sa nagsalita at doon ko nakita ang isang bampirang nakasuot ng engrandeng itim na cloak. Nakataklob ang mahaba nitong cloak sa mukha na siyang nagtatago sa itsura ng taong yun. Pero kahit na natatakpan ang mukha niya ng mahabang kasuotan ay ramdam ko pa din ang napakamakapangyarihan niyang aura na siyang nagpapanginig ng kalamnan ng mga nilalang na nakakasalamuha niya gayundin ako.

Si Severus Darkhova III , ang kasalukuyang Hari ng mga bampira.

"Kagaya ka pa din ng dati. Mahina." Mapang-uyam niyang sabi.

Hindi ako sumagot at nanatili lamang nakatingin sa'kanya. Hindi ko alam kung anong nakita niya sa'kin kung bakit pinagtatiyagaan niya parin ako hanggang ngayon.

The Half Blooded Vampire (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon