Chapter 4

43 10 1
                                    

Kalliah

Hindi pa ako nakakaget over mula sa maliit na babae kanina ay may lumapit naman saaking isang pixie. Pinapalapit ako sa harapan kung saan ang stage dahil magsisimula na ang pag-che-check ng form. Nang tingnan ko ang direksyon ng stage ay nakita ko ang anim na taong nakatayo doon. Apat na lalaki at dalawang babae. Ang mga lalaki ay nakasuot ng itim na tuxedo at bow tie, itim din ang suot na trousers sa pang-ibaba, ganun din ang sa mga babae ang kaibahan lang ay pencil skirt ang pang-ibaba nila. Mga staff yata ng SA.

Hindi na ako naghintay na pagsabihan ulit at agad ko nang kinuha ang mga gamit ko at naglakad na pauna kasabay ang mga kapwa ko studyante.

Dahil sa naging usapan namin kanina ng babae ay hindi ko na napansin ang pagdami ng mga tao.

Ilang metro ang layo ko sa stage nang tumigil ako sa paglalakad.

"Good morning everyone! We will check now the form na binigay sainyo ng academy para mapatunayan namin na totoo ang mga hawak niyong form bago kayo dalhin sa SA. Kung totoo ang hawak niyong form at hindi repleka ay wala kayong dapat ikatakot." Sabi ng babaeng nakatayo sa stage na may kulot na buhok. Madami pa siyang sinabi pero hindi ko na napakinggan dahil namangha ako sa mga lumilipad na pixies.

This is not my first time seeing those tiny creatures but it is my first time seeing them this close. Every time they fly, the shimmering silver and gold dust leaves its trail, which never fails to amuse me.

"The pixies will guide you." Dagdag niya at inutusan ang mga pixies para iguide kami sa dapat gawin.

Hinati kami sa dalawang linya ng mga pixies para mapabilis ang proseso bago kami iginiya sa dalawang table. Sa harapan, sa likod ng table nakaupo ang isang babaeng may mahabang buhok at gaya ng babaeng nagsalita kanina ay nakasuot din ito ng isang tuxedo style na pang babae.

Halos nasa panghuli ako nakalinya kaya nagmasid muli ako sa paligid. Mataas pa kasi ang linya.

Ilang minuto na siguro ang nakakalipas ng maagaw ang atensyon ko sa isang sigaw sa kabilang linya.

"Please! Hindi akin 'yan. Pinalitan 'yong akin! Maniwala kayo!"

Nang tingnan ko ang direksyon no'n ay nakita ko ang isang lalaking kinakaladkad palayo ng mga minotaur.

"Peke 'yong form niya." Narinig kong sabi ng babae sa unahan ko.

Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba nang marinig 'yon. Hindi ko maiwasan ang hindi tingnan ang hawak na form. Kitang-kita ko ang kulay brown nitong kulay at ang malalaking letra ng academy.

Hindi naman siguro ako ipapahamak ni Severus hindi ba? Hindi ko alam kung saan niya ito nakuha pero hindi naman siguro 'to isang repleka?

"Next!" Sigaw no'ng babaeng may mahabang buhok. Nang tingnan ko ang unahan ay nakita kong dalawa nalang ang nakapila sa unahan ko kaya mas domuble pa ang kaba ko. Habang papalapit at paunti-unting nawawala ang mga naunang pumila sa'kin ay nanlalamig na ang mga kamay ko.

"Next." Naglakad ako palapit sa babae nang mapansin kong nawala na ang babaeng nauna sa'kin. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko kaya ibinigay ko ang hawak kong form.

Tiningnan niya pa muna ako mula ulo hanggang paa. Bago niya tiningnan ang form ko. Ilang segundo ang lumipas nang mapansin kong kumunot ang noo ng babae.

Ayan na! Baka peke nga ang binigay ni Severus!

"Evans. Kalliah Evans." She stares at me intently. Hindi ko mapigilan ang mapalunok. I unconsciously fix the clothes in my face dahil baka nalihis ito at nakita niya ang mata ko kaya ganyan siya kung makatingin. O baka nagtataka siya dahil may nakatabong damit sa mukha't mata ko? But this is not the first time na may ma encounter silang gaya ko, some witches also wear clothes in their face to hide their aging face kaya hindi na dapat kataka-taka 'to. Or maybe there's another reason?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Half Blooded Vampire (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon