SIMULA

2 0 0
                                    

Pagod akong nag lalakad papasok ng bahay. Nang makarating ako sa pinto ay agad akong napatigil. Isang malakas na sampal ang aking natanggap.

"Wala kang kwentang anak! Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin sayo ng papa mo para lang makapag aral kayo ng kapatid mo ito ang isusukli mo?!" huminto ito saglit para habulin ang kaniyang pag hinga. "Umalis ka na rin katulad ng kapatid mo! Mas mabuti pang hindi kita ipinanganak. Malaking pag kakamali na binuhay pa kita. What a disgrace!" Sigaw nito bago umalis sa eksena.

Agad naman lumapit si Papa sa akin, "Anak, pag pasensiyahan mo na ang Mama mo alam mo naman 'yan pag dating sa grades niyo" paumanhin ng ama ko.

"Mag palit ka na at kumain, may handang pagkain na d'yan sa lamesa hayaan mo at kakausapin ko ang Mama mo. Happy birthday, nak" ani ni Papa bago niya tanggalin ang kamay sa aking ulo na kanina lang ay humahaplos dito. Tumango lamang ako.

Pag katapos ay lumabas na rin agad siya para siguro sundan si Mama.

Grate. What a beautiful welcome. What a nice birthday gift. Ni hindi manlang ako nakapagsalita, nakapagpaliwanag. Kaunti na lang talaga at wala na akong mararamdaman.

Siguro nalaman na ni mama na hindi na ako kasali sa top two. Bumaba ang rank ko sa top three. Naiintindihan ko naman kung bakit siya galit na galit hindi kase siya sanay na hindi ako top one ganoon din kay Ate noon. On top of that nawala rin 'yong scholarship ko dahil bumaba mga grades ko and worst sa major subjects ko pa.

Naiintindihan ko siya. Naiintindihan ko siya palagi pero ni-isang beses hindi niya manlang ako tinanong kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit nagiging miserable ang buhay ko. Ang lagi niya lang iniisip ay dapat maging top one ako kahit anong mangyari dahil ang sabi niya iyon lamang daw ang maipagmamalaki niya.

Hindi si mama nakatapos ng pag aaral dahil maaga siyang nabuntis ni Papa. May kaya naman ang pamilya ni Mama pero mas pinili nila ni Papa na mamuhay ng sila lang. Pinanindigan ni Papa si Mama, nag hanap siya ng mga posibleng trabaho hanggang sa nakapagpundar siya ng sariling studio niya at hanggang sa nagkaroon sila ng sariling bahay.

Yes, musician ang tatay ko na hindi pabor kay Mama dahil para sa kaniya walang kita sa musika pero mali siya dahil ito na ang naging hanap buhay ni Papa kaya wala na rin nagawa si Mama.

Masaya naman noong mga bata pa kami ramdam ko pa 'yong pag mamahal nila sa amin not until bumagsak si Ate sa top two.

Nang gagalaiti sa galit si Mama noon habang iyak ng iyak naman si Ate. Matalino si Mama at galing sa marangyang pamilya kaya lang hindi siya nakapagtapos, kaya para sa kaniya kailangan galingan namin academically kase iyon lang daw ang maipagmamalaki niya sa kaniyang pamilya.

Kailangan galingan namin dahil hindi siya nakatapos ng pag aaral. Kahit hindi niya sabihin ramdam ko na kailangan namin galingan para sa kaniya.

Ginagalingan ko naman. Best ko na nga 'yong 4 hrs na tulog para lang makapag aral. Buong buhay ko umiikot lang sa pag aaral. Walang araw na hindi ako nag rereview. Kahit dumudugo na 'yong ilong ko kada madaling araw tuloy lang sa pag aaral kase ayaw ko ma disappoint si Papa and most especially si Mama. Ayaw ko rin na ikumpara niya ako kay ate dahil mali ang akala niya.

Naging rebelde ang kapatid ko dahil na rin sa patakaran ni Mama sa bahay at sa buhay niya. Umalis siya sa bahay at hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon.

Hanggang sa nakaroon na siya ng trabaho. Ang dinig ko ay successful business woman na siya at wala pang asawa. Dalawang taon lang naman ang agwat namin kaya parang besty ang treatment namin sa isa't isa nung na sa bahay pa siya.

Mataas ang tingin ko kay Ate kase nakaya niya ipagtanggol ang sarili niya kay Mama, nakaya niya mag voice-out na hindi ko kayang gawin. Nakapagtapos siya ng kolehiyo nang walang tulong ng pamilya. In short, napag aral niya ang sarili niya. Kaya saludo ako sa kaniya.

Ayaw ko maging pabigat sa pamilya namin kaya hanggat kaya ko mag aral binibigay ko lahat pero na realized ko rin na hindi ko na na-eenjoy 'yong buhay ko, 'yong pagiging dalaga ko katulad na lang ni Ate. I bet tatanda na akong dalaga nito.

Pumunta muna akong kusina para silipin ang aking handa. Dahan dahan kong inusisa ang mga naka hayin. May stake, carbonara, salad, lumpiang sariwa, at marami pang iba. Kaunting napangiti naman ako nang makita ko ang paborito kong butter shrimp na panigurado niluto ni Papa.

Agad naman akong naguilty dahil ang daming binili ni Mama na pagkain tapos ganoon ang naging result ng grades ko. Hindi naman totally masama ang ugali niya kaso nag iiba talaga siya pag dating sa grades ko tapos bigla na naman niya ako ikukumpara kay Ate na walang utang na loob daw. Hay buhay.

Pagkatapos kong mapagmasdan ang aking mga handa ay umakyat na ako upang pumunta sa aking kwarto. Bago pa man ako tuluyan makapasok ay napatingin ako sa katabing kwarto ko.

"Kailan ka ba uuwi samin, Ate?" wika ko sa aking sarili.

Saglit lamang akong nag shower bago bumaba sa sala. Napatingin ako sa wall clock, alas siete na ng gabi pero hanggang ngayon ay wala pa sina Mama at Papa kaya naman napag desisyunan ko muna mag bukas ng t.v. Nakararamdam na ako ng antok habang nanonood ng teleseryeng ito.

Habang nanonood ay hindi ko mawaglit sa aking isipan ang nangyari kanina.

Dahil sa akin nasira ko ang kaarawan ko. Dahil sa akin nagalit si Mama. Dapat mas ginalingan ko pa. Dapat mas binigay ko pa ang lahat para lang hindi bumagsak ang grades ko at mawala ang scholarship ko. Nahihiya rin ako sa sarili ko dahil sabi nga ng professor ko 'outstanding student' lang ang binibigyan nila ng scholarship na iyon tapos sinayang ko lang. Pero napapagod na rin naman ako pero sana mas nag tiis pa 'ko. Edi sana hindi nagalit si Mama, sana hindi ako nag sisisi ngayon.

Nang nabored ako sa pinapanood ay napagdesisyunan kong ilipat ang channel.
Isa itong news. Good news.

Napatitig ako sa screen ng television namin. Parang nag niningning ang aking mata sa aking nakikita ngayon. Kilala ko ang babae na 'to familiar ito sa aking mga mata.

"Ate" pag tawag ko sa kawalan.

Na sa aking harapan ngayon ang isang matangkad, fair skin, maganda, edukada, at successful woman. Ang kapatid ko.

Agad kong inabot ang aking cellphone upang kunan ng litrato ang aking kapatid. I feel so proud.

Ipapakita ko ito kay Papa at sasabihin ko kay Mama na mali ang tingin niya kay ate. Hindi disgrace sa pamilya ang kapatid ko, ang anak niya. At kaya ko rin maging katulad niya.

Ngunit nawala lahat ang aking lakas ng loob nang lumipat na ang balitang aking pinapanood.

Unti-unti napawi ang aking mga ngiti. Unti-unti rin bumagsak sa aking hita ang aking kamay na may hawak na cellphone kung saan naroon ang litrato ng kapatid kong nakangiti. At parang unti-unti rin gumuguho ang mundo ko.

"BREAKING NEWS! Isang babae ang di umano papatawid na sana ng kalsada ng mahagip ito ng isang pampasaherong jeep. Na pag-alaman na ito ay si Mrs. Gazenia, 42 years old na may dalawang anak. Ngayon ay na nanatili ang pasyente sa San Lorenso Hospital para sa agarang pag galing nito. Nag babalita--"

Ang mga sumunod na mga sinabi ng newscaster ay hindi ko na maintindihan.

Nag simulang lumabo ang aking mga mata dahil sa nag babadiyang mga luha. Maging ang aking kamay ay nanginginig. Ang buong katawan ko ay nanlalamig.

"Mama" ang akin na lamang nasabi.

Nang tumulo ang aking luha na kanina pang gusto kumawala ay nakita ko mula sa t.v. kung paano humingi ng tulong si Papa. Kita ko ang pag sakloklo at pag iyak niya sa kaniyang asawa. At kita ko rin kung papaano gumuho ang munting mundo niya.

"Papa..."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Is The Antonym For Love?Where stories live. Discover now