n a r r a t i v e
Ini-silent mode ko ang cellphone ko nang sabay-sabay ang chats ng mga kaibigan ko, nila dad at ni Mark. Tinatanong kung nasaan ako, pero wala ni isa sa kanila ang sinagot ko.
Isinubsob ko ang mukha sa mga tuhod ko at hinayaang lumabas iyong mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong ma-attach sa isang tao. Kahit alam kong malabo ay sumugal pa rin ako kahit walang kasiguraduhan kung totoo ang lahat ng ipinaramdam niya sa akin.
“You’re here. S-Soul...”
“You found me, ha?” Hindi ko binalingan ng tingin si Mate at nanatili ang tingin sa nagkikislapang mga tala na hilam pa rin ng luha ang mga mata.
“I’m sorry...” Akmang hahakbang siya papalapit sa akin ay inilingan ko siya.
I couldn’t take another blow. Tama na iyong habang nililigawan niya ako ay sila na pala ulit ng ex niya.
“Don’t come near me, Matenne. I hate you.”
“I know. Come back home, please?”
Tumayo ako at hindi pinansin ang buhok na nililipad ng malakas na hangin.
Tiningnan ko siya ng diretso sa mata, and I found myself lost in its depth. Iwinaksi ko ang mga iniisip ko at hinarap siya na puno ng pagkadismaya at poot.
“Why are you here, ha? Kulang pa ba iyong pinagmukha mo akong tanga? Kulang pa ba iyong ginago mo? Kulang pa ba lahat, Matenne? Tangina. Hindi mo ba maintindihan? Nasasaktan ako, Mate. Nasasaktan ako ng sobra!”
Tiningnan niya lang ako at pinanatili ang distansya sa aming dalawa kahit nababanaag ko sa ekspresyon niya na gusto niya akong lapitan at natatakot lang siyang baka umatras ako.
“I’m sorry. I promised you, I will never hurt you, but I just did. I am sorry for everything, Soul.” Huminga ito ng malalim at nakita ko ang paglandas ng luha sa pisngi nito.
“When I told you that I will court you, it’s true. When I told you that I like you, I do, Soul. I do.”
Unti-unti itong lumalapit sa akin at hindi na napigilan ang sariling yakapin ako.
Naramdaman ko ang pagkabasa ng leeg ko dahil sa luha ni Matenne. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maibuka ang bibig ko para magsalita.
Nang yakapin niya ako ay tumigil ang pag-ikot ng mundo.
“Let me hug you tonight. Let me free myself by hugging you, Soul.”
Hinalikan niya ang noo ko at mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.
“Just trust me, Soul. I know it’s hard because of our situation right now, but please, trust me. Kahit kaonti lang. I’m so fucking tired, tangi.”
“I love you...” he whispered that night and left me when Mark and Ranie found me.