Prologue

4 1 0
                                    

"Maghiwalay na tayo!" Galit kong sigaw kay Deo habang busy siya sa pagreview dahil may quiz siya kinabukasan.

"Tsk! Hiwalay? Ilang beses mo na 'yang sinasabi sa akin sa tuwing may quizzes at exams pa talaga ako! Wala na bang bago, Mae?!"

"Pakialam mo ba? Gusto ko na ngang maghiwalay tayo, Deo!"

Mas lalo akong nagalit dahil hindi niya na naman ako pinansin at na sa reviewer niya lang ang atensyon niya.

"Ah! Pumapayag ka na, diba? Silence means yes eh. Buburahin ko na ang mga pictures natin tapos convo sa mga social media."

Buburahin ko na sana ang mga pictures ngunit bigla niyang kinuha ang phone ko.

"Ginugulo mo talaga isip ko! Alam mong may quiz ako bukas! Kahit konsiderasyon naman, byy! Gusto kong magreview pero anong ginagawa mo?! Ginugulo mo lang ako pero sana naisip mo naman na para sa future natin 'to kaya utang na loob hayaan mo akong magreview." Aniya at bakas sa kanyang mukha na frustrated na talaga siya.

Masyado kasing mahirap ang program na kinuha niya eh kaya ayan tuloy nahihirapan siya. Gusto ko naman siyang hayaan muna na magreview kaso nga lang hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako ganito.

"Nahihirapan ka na noh? Simula kasi nung pag-iwas mo kay Prixie mas lalo kang nahirapan. Sabagay, natutulungan ka niya kasi eh tapos ito lang ako na hindi kita matulungan jan. Business Administration LANG kasi ako at ikaw naman ay Accountancy."

"Siya na naman ba?! Ilang beses ko namang sinabi sa'yo na kaibigan ko lang siya at iniwasan ko na nga diba?!"

Mas lalo akong nagalit dahil sa pananalita niya sa akin. Hindi ko kasi matanggap na kaya siyang tulungan ng iba samantalang ako ang girlfriend niya na dapat ako ang tutulong sa kanya.

"Edi pansinin mo ulit para matulungan ka niya."

"Bullshit! Sobra ka na, Mae!" Galit niyang saad at nabigla ako dahil pinunit niya ang reviewer na ginawa niya.

"Wow! Sasabihin mo na naman ba na kasalanan ko kung bakit mo pinunit 'yang reviewer mo?!"

"TUMAHIMIK KA NA!"

Bigla akong napaiyak dahil sa galit at inis. Nagagalit ako sa sarili ko at hindi sa kanya dahil hindi ko talaga makontrol ang emosyon ko kapag nakikita ko siyang nahihirapan dahil sa akin pero mas lalo ko lang dinadagdagan sa pangungulit ko sa kanya. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang tulungan siya at kahit naiintindihan ko naman ang iba ay hindi ko pa rin alam kung tama ba.

Tatlong taon na kami ni Deo at ganito ang takbo ng relasyon naming dalawa kapag quizzes at exams niya. Hindi ko napipigilan ang sarili kong guluhin siya at nahahayaan ko lang na masira ang future niya. Alam kong mali ang ginagawa ko pero hindi ko kayang itama dahil hindi ko rin alam kung paano. Gusto ko siyang maging successful pero nasisira ko na siya at makalipas nga ang ilang buwan nalaman ko na lang na bumagsak siya sa major subjects niya at hindi lang isa kundi lima pa. Ang boyfriend kong may mga academic awards biglang bumagsak ng dahil sa akin at bigla na lamang siyang nagbago.

"Magpahinga na lang muna tayo." Mahinahong saad niya sa akin at kitang-kita ng aking mga mata ang mga luhang kanyang pinipigilan.

"Ahhhh! Hiwalay? Sige, pagod ka na sa akin kaya pagbibigyan kita. Mas mabuting magfocus ka na lang sa studies mo at future mo kesa sa akin."

"Pahinga lang, Mae, at hindi hiwalay."

"Doon din naman papunta, diba? Edi habang maaga pa maghiwalay na tayong dalawa."

"Okay," Isang salita ngunit grabe ang naging epekto nito sa sarili ko.

"Ingatan mo sarili mo. Huwag mong pababayaan." Aniya

Wala na akong sinabi pa sa kanya dahil hindi ko na kayang pigilan pa ang mga luhang kanina pa gustong pumatak at ang tanging ginawa ko na lamang ay niyakap siya hanggang sa huling pagkakataon at ibinulong ang mga salitang kinakatakutan kong sabihin noon pa sa kanya.

"Mahal kita pero tama na."

Iniwan ko siya na durog na durog habang may mga laban siyang hinaharap lalo pa't may summer classes pa siya at binalikan ang dalawang major subjects niya na kung saan ako ang dahilan kung bakit siya bumagsak. Iniwan ko siya sa panahong mas kailangan niya ako dahil sa pagiging makasarili ko. I ruined his life because of my selfishness at nagsisisi ako dahil sa pagiging makasarili ko pagdating sa kanya.

"I wish I could go back to the day I met you and walk away."

Mahina kong saad at umalis habang umiiyak.

I Ruined His LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon