"Mae, pupunta ka sa birthday ni Thena?" Tanong sa akin ni Hulia; ang aking matalik na kaibigan.
"Ikaw? Pupunta ka ba? Nahihiya kasi ako kapag wala akong kasama at for sure na invited ang mga kaklase ni Thena."
Hindi na kasi kami magkaklase ni Thena simula itong nag Grade 11 kami kahit same lang naman ang strand (ABM) na kinuha namin dahil sa first section siya at ako naman ay sa last section.
"Pupunta rin naman ako if pupunta ka kaya pumunta ka na para may kasama rin ako." Aniya
"Oo na. Doon na lang tayo magkita sa labas ng venue ah? May pupuntahan pa kasi ako bukas saka bibili ng regalo para kay Thena."
"Sige, pumunta ka ah."
"Oo,"
Kinabukasan~
"Mae, papunta na kayo ni Hulia?" Basa ko sa chat ni Thena.
"Papunta pa lang ako, Thena, may dinaanan pa kasi ako." Reply ko sa kanya.
Sumakay na kaagad ako ng tricycle papunta sa Resort kung saan ginaganap ang birthday celebration ni Thena. Ilang minuto lang ang tinagal nang byahe kaya nakarating din ako kaagad sa Resort. Pagkababa ko pa nga lang ay kaagad akong nilapitan ni Hulia.
"Anong regalo ang binili mo?" Tanong niya.
"Kumot nga lang 'to eh,"
"Wow! Saktong-sakto 'yan kapag nabasa si Thena mamaya may kumot kaagad siya." Wika ni Hulia habang tumatawa pa.
Tumawa na lang din ako at pagkapasok namin ng Resort ay kaagad naming hinanap ang cottage nila Thena at makalipas ang ilang minutong paghahanap ay nakita na rin namin siya kaso nga lang ang dami niya palang bisita.
"What if umuwi na lang tayo, Hul?"
"Gaga! Nandito na tayo tapos uuwi pa? Gutom na ako noh! Kumain na lang tayo tapos umuwi na."
"Edi, eat and run lang ginawa natin." Wika ko at ako'y tumawa.
Maya-maya lang ay nakarating na kami sa cottage at tama nga ako ang mga bisita ni Thena ay mga kaklase niya at dahil mahiyain kaming dalawa ni Hulia si Thena na lang ang lumapit ang nagpakilala sa amin sa mga kaklase niya.
Marami nang pinakilala sa amin si Thena pero may nakakuha sa atensyon ko sa mga kaklase niya. Nakalimutan ko ang pangalan niya dahil mabilis ko talagang nakakalimutan ang mga pangalan ng tao lalo pa't bago ko pa lang nakilala pero natandaan ko naman ang mukha niya. Pinagmasdan ko siya simula pag-ahon niya sa pool, pagsuot ng damit at paglapit sa amin para makipaglaro ng cards. Masasabi kong introvert na medyo extrovert siyang tao dahil nakikipagtawanan at kwentuhan lang siya sa mga kaklase nila at feeling ko mga kaibigan niya rin. Tiningnan niya lang kasi kami saka tumahimik siya nung nakita niya akong nakatingin ako sa kaniya. Nahiya naman ako kaya umiwas na lang ako nang tingin pero aaminin ko sa inyo na medyo gwapo siya, matangkad, payat pero for sure ako na matalino 'to dahil sa first section ba naman kaya mas lalo akong nagkaroon nang interest sa kaniya ngunit muntik ko nang makalimutan na may girlfriend pala ako.
Iwinaski ko sa aking isipan ang itsura niya dahil ayoko namang saktan ang girlfriend ko. Oo, babae ako pero babae rin ang kasintahan ko kaya minabuti kong huwag siyang tingnan at nakipag-usap na lang kila Hulia at Thena.
Makalipas ang ilang araw
"Hays! Late na naman ako!" Mahina kong saad at dali-daling tumakbo papasok ng campus ngunit pagkapasok ko ng gate ay nakita ko kaagad ang ngiti ng kaklase na iyon ni Thena; ang nakakuha ng atensyon ko. Hindi ko alam kung ako ba ang nginitian niya ngunit ngumiti na lamang ako pabalik dahil late na talaga ako kaya tumakbo na ulit ako papunta sa classroom namin.
"Oh my gosh! Ako ba talaga ang nginitian niya o assumera lang talaga ako?" Tanong ko sa isipan ko pagka-upo ko.
Iwinaski ko na lang sa isipan ko ang pag-ngiti niya ngunit kahit anong gawin kong pakikinig sa teacher namin ay hindi ko magawa dahil siya at siya lang ang tumatakbo sa isipan ko lalo na't ang maganda niyang ngiti ang sumalubong sa akin.
Hindi ko alam kung crush ko na ba siya or ano pero alam kong mali ito dahil may girlfriend ako. Am I cheating? Naguilty tuloy ako kaya sinubukan kong i-focus ang sarili ko sa klase namin.
Pagkatapos nang aming klase ay kaagad na akong lumabas ng room kasi magbabayad na ako para sa upcoming exams namin ngunit habang pumipila ako ay bigla ko siyang napansin na mag-isang nakaupo sa bench at nagbabasa ng libro which is Accounting na libro. Mas lalong siyang naging attractive sa mga mata ko.
"Shit!" Mahina kong mura dahil napatingin siya bigla sa akin at ngumiti na naman.
To tell you the truth, may anxiety ako kaya nahiya ako at hindi na mapakali dahil ramdam ko na tinitingnan niya pa rin ako kaya hindi ko na rin alam kung anong nangyari pero umalis na lang ako nang hindi pa nakakabayad ng tuition fee ko.
He looks perfect for me. I like his eyes, perfect nose, thick eyebrows, lips, and everything about him parang naging babae ulit ako kapag nakikita ko siya at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kakaiba na ang tibok ng puso ko. Naguguluhan na ako kung mahal ko pa ang girlfriend ko o ako'y nagkasala na dahil iba na ang tinitibok ng puso ko. I don't want to hurt my girlfriend lalo pa't LDR kami saka ayokong isipin niya na malayo siya kaya nagkaroon siya nang pagkukulang. Ganito kasi halos ang iniisip niya kapag nag-aaway kami saka may sakit siya. I almost lost her because I hurt her and ayokong mangyari ulit 'yon.
Biglang tumunog ang phone ko at pagkakita ko kung sino ang tumatawag ay mas lalo akong nakaramdam nang guilt at pain.
"Hi!" Pagbati ko ngunit alam kong hindi maganda ang pagbati ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon.
"How are you, love?" Sweet niyang pagtanong sa akin. I don't want to lost her and I really don't want to hurt her pero lintik na puso 'to biglang tumibok nang kakaiba sa kaklase ni Thena.
I want to answer her na "I'm sorry," but I can't. Hindi ko masabi sa kanya na may pagtingin na ako sa iba. Hindi ko masabi sa kanya na niloloko na siya ng puso ko. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha sa mga mata ko.
"F--uck!" Mahina kong mura habang pinupunasan ang mga luha.
"Love? Okay ka lang ba? What happened?" Inosente niyang tanong sa akin.
Mas lalo akong napaiyak dahil sobrang bait niya sa akin. 1 years and 3 months na kami eh at never niya akong inaway at minahal niya talaga ako kaya natatakot ako na masaktan siya dahil binigay niya sa akin ang pagmamahal na meron siya sa sarili niya at higit pa sa pagmamahal niya sa pamilya niya.
"I love you so much, love! Nandito lang ako if may problema ka. Let's solve your problem together." Pagpatuloy na wika niya.
Hindi ako makasagot dahil umiiyak lang ako. Ilang araw ko na kasing naiisip ang kaklase na iyon ni Thena pero kahit anong gawin kong tanggalin siya sa isip ko ay hindi ko magawa.
Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at huminga nang malalim bago nagsalita. "I'm feeling unwell today, so sorry. Can we talk tomorrow?"
"Ah ganun ba? Please, take care of yourself ah. I'm here and always here for you. Mahal kita, love." Malaming at puno nang pagmamahal niyang saad.
Kumirot ang puso ko sa narinig mula sa kanya at magsasalita pa sana ako ngunit pinatay ko na lamang ang tawag dahil hindi ko na kaya siyang kausapin. Mas naguguilty ako kaya hinayaan ko na lamang ang sarili kong umiyak at ako'y nakatulog.
BINABASA MO ANG
I Ruined His Life
Non-FictionAng isturyang ito ay hango sa totoong buhay. Disclaimer: Lahat ng klase ng mga emosyon ay iyong mararamdaman sa isturyang ito kaya ihanda ang iyong sarili sa sakit, galit, kasiyahan at sa kilig at kapag handa ka nang basahin ang isturya kong ito; ma...