2016 - Star Scout

7 0 0
                                    

Paano nga ba nag simula itong pag s-scouting ko?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Paano nga ba nag simula itong pag s-scouting ko?

Grade 3, last year para sa isang Star Scout, sa Lipa City Council. Oo, hindi ko naabutan ang pagiging twinkler kasi di din naman ako na inform na may pa ganon kaya ayon nagsisi ako noon HAHAHAH. 

Nagsimula kasi ito noong ang school namin ay naghahanap ng new members para sa mga willing sumama sa scouting. Mayroon kasing investiture na magaganap noong time na yan. Pinayagan naman ako ng Mama kasi bihira lang daw magkaroon ng Scouting sa isang school. 

Noong winelcome kami ng aming Troop Leader *hi Tr. Lerma*, nag grupo grupo kami sa 5 ata o 4 sunod ang tawag daw sa group na yan ay "patrol". Bulaklak daw ang ip-pangalan sa patrol sabi nila kaya "Patrol Daisy" kami noon. Hanggang sa, sumombra daw ang aming patrol ng mga members kaya ayon pinatabi kami gumawa uli ng bagong patrol hanggang sa kami naman ay naging "Patrol Santan" at ako pa yung ginawang Patrol Leader. Akalain mo yon, wala pa nga akong isang taon sa scouting eh bigla nila akong nilagay sa pagiging Patrol Leader hays. 

Matapos yung mga kaganapan na iyon, pinalaro kami noon ng "pak ganern" na shempre di ko makakalimutan yon kasi pinaaliw lang kami para kami'y makapagpractice na agad sa investiture. Hanggang sa kami'y nag practice na sunod sabi ang lahat ng leaders ay tatalon talon dun sa "Magic Carpet" sunod may kulay pa daw yon basta orange daw ako HAHAHA. "Habang natalon, kakanta kayo sunod ang tono ay London Bridge is falling down", sabi ni Tita. Naayos na yung practice, bukas na kasi yung investiture. 

Ito na nga ang investiture, maraming kaganapan nangyari

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ito na nga ang investiture, maraming kaganapan nangyari. Unang sumalang ang mga Boy Scouts na hindi naman namin naabutan. Sumunod naman ay ang mga Junior Girl Scouts na grabe nagandahan ako sa Scarf kasi Golden Orange yung kulay. Sumunod naman ay yung mga KID Scouts at Twinkler Girl Scouts na sobrang cutee! Cute nilang mag salita, gumalaw, lahatt!! Ito na, nag simula na kaming mga Star Scouts, nakakakaba kasi yung magic carpet ata ang inuna. Sunod non ay parang recital ng Promise and Law: 

"I Promise to do my best to love God and my country to help other people every day especially those at home" 

"A Star Scout is truthful, A Star Scout is obedient"

Pagkatapos non, pinapila kami kasi maglalagay daw ng pin sa Pin Holder. Sunod, pinapunta kami sa stage kada patrol kasi parang dun na is-suot yung Yellow Scarf na galing sa iyong Ninong or Ninang. Gusto ko lang naman sa Investiture ay yung may pera kasi akalain mo 500 yung ibinibigay sa iyo ng iyong Ninong or Ninang sa investiture HAHAHAHA. 

Natapos na ang investiture, lahat daw ng Junior, Star, at Twinkler ay pumunta daw sa umahan at sasayawin daw yung "It's a Small World". Sobrang saya non grabee memorable sya dahil first year ko lang sa pags-scouting sunod investiture na agad yung first event.

Green GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon