"I was a dreamer before you went and let me down,
Now it's too late for you and your white horse to catch me now"
Relate na relate talaga ako sa kantang iyon ni Taylor Swift. Ang sabi ko hinding-hindi ko na tatanggapin uli si Ken, pero mukhang kinain ko lang ang mga sinabi ko. Bago kasi ako mag-serve ng mission, sinabi sa akin ni Ken na mahal pa rin niya ako, sabay hawak sa aking mga kamay. Gusto raw niya na ako ang maging asawa niya. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko nang sinabi niya yon, kaya naman... hindi ko napigilan ang sarili ko na mahulog muli sa kanya.
Hindi ko sinunod ang sinabi sa kanta ni Taylor Swift, dahil para sa akin parating may second chance. Hindi pa too late para mahabol ako ng aking prinsipe.
Nagpasya ako na magtiwala at muling sumakay sa kanyang puting kabayo.
Prologue
"Anong dahilan, bakit gusto mong mag-mission?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Dee.
Ganito ang naging sagot ko. "Gusto ko dahil ito ang nagbibigay sa akin ng kaligayahan. Sobrang masaya kapag naibahagi mo sa iba ang gospel ni Jesus Christ."
"Tama, maganda yan... pero yung sinasabi mo... effect lang yan. Iyong tunay na purpose ng pagmi-mission ay dahil sa pagmamahal natin sa mga tao. Iimbitahan natin sila na lumapit kay Jesukristo."
Nagpalago sa desire ko na mag-serve ang sinabing iyon ni Dee. Kinalaunan, natanggap ni Dee ang mission call niya. He was called to served in Manila Mission. Ako naman sa Quezon City Mission. Dahil lalaki siya, two years siya magse-serve. Ako —-dahil babae, sa loob lamang ng 18 months.
Though mapapalayo ako sa family ko nang matagal, sobrang excited pa rin ako na mag-mission. Pagkatapos kasi nito, nangunguna sa plan ko ang magpakasal sa boyfriend ko .
Bago ako umalis, iyong sulat ni Ken ang huli kong binasa.
"Alam kong matagal mong hinintay ang pagkakaton na ito, to be called as a full-time missionary. It is a great opportunity to share the gospel, to discover ourselves, to share our talents and knowledge to others... I hope and pray that you will find your happiness while serving the Lord... Someday kapag okey na ang lahat... ikaw yung gusto kong maging kasama habang buhay..."
Napangiti ako habang binabasa ang huling bahagi ng sulat niya. Ako rin kasi... wala akong ibang gustong makasama kundi siya.
***
Dahil matagal na akong miyembro ng Org namin, may ideya na rin ako sa kung ano ang magiging buhay ko pagdating sa mission. Idagdag mo pa ang mga kwento ng mga kaibigan ko na nagsipag-mission din.
This is the basic. Magbabahay-bahay kami para magturo ng gospel ni Jesus Christ. Sa loob iyon ng 18 months to two years. Sa buong pagkakataon na iyon, titira kami sa designated area na ibibigay sa amin. Bawat isa ay magkakaroon ng kasama (Kasama na doon lang namin makikilala, maaring taga-ibang probinsiya siya o kaya ay taga-ibang bansa.) Mayroon kaming president na siyang tatayo bilang tatay namin habang naandon kami. Siya rin, kasama ang asawa niya ang bahala na mag-direct sa mga gawain namin.
Meron din kaming mga rules na susundin. Isa na doon ay ang no communication sa family except through letters and email every week at call kapag Pasko at Mother's Day. Bawal din ang media or any entertainment. Ang isa pang rule... bawal ang makipag-relasyon. We believe na once you serve a mission your heart should be focus sa pag-aral at pagtuturo ng gospel. Pero syempre hindi pinagbawal magkaroon ng iiwan na boyfriend at girlfriend kaya hindi ako guilty doon.
Sa kasamaang palad, merong tinatawag na Dear John at Dear Jane letter. Iyon ang tawag sa sulat ng girlfriend o boyfriend mo kapag bin-reak ka through letters.
Minsan nababahala ako sa Dear Jane letter... pero sandali lang yon... Alam ko kasi na mahal ako ni Ken, at nangako siya sa akin. Kaya nga tiwala ako na hindi ako mapapasali sa mga nakaka-receive ng ganoong letter.
Iyon ang akala ko.
A/N: Please be reminded that the org I'm referring is our Religion.... And serving a mission is one of our beliefs. I personally believe that the best help we can count on in terms of heart break is our Lord. This is more on heart break and moving on. Names of the characters are changed due to personal matters. Thanks for reading.
BINABASA MO ANG
Romeo's First Love (RFL #1)
RomantikSa bawat kuwento mayroong leading man, leading lady, kontabida at mga extra. Paano kung sa simula leading lady ka, pero nauwi sa pagiging extra? Ipaglalaban mo ba ang role mo?