I did my best to look good.
Nasa last part na kasi kami ng dinaluhan naming conference, ang dance social.
Ang tema nito ay Hawaian.
Pinili ko ang pinaka the best kong floral dress. Iyong kulay blue na kabibili ko lang.
Naglagay rin ako ng bulaklak sa tainga para mas maging maganda ang itsura ko. Kaya lang, mukhang balewala naman.
Hindi pa rin ako maganda.
Siguro dahil hindi pa ume-epekto ang ginagamit kong sabon kaya madilim pa rin ang kulay ko. Ganoon naman kasi talaga, mas gustuhin ang mapuputi. Kadalasan kapag maitim ka, pangit ka. Kaya nga ginawa kong goal ang magpaputi.
Nag-umpisa na rin akong mag-ayos ng sarili.Ang pangalan ko nga pala ay Aia Madrigal. Nineteen years old na ako ngayon at nasa Third Year College. Aminado ako na simple lang ang buhay ko. Bukod kasi sa paaralan, sa Org ko lang pinapaikot ang buhay ko.
Ang Org na tinutukoy ko ay isang religious group. Hindi ko na lang sasabihin kung anong pangalan, pero bilang miyembro nito marami akong activity na nadadaluhan gaya na lang ng conference kung saan narito ako ngayon.Medyo nahihiya na talaga ako dahil walang lumalapit sa akin para makipagsayaw. Iyong mga kasama ko, ilang beses na silang tumayo, halos hindi na nga sila umuupo, pero ako, mukhang magbubutas ng bangko.
Pero ayos lang naman.
Napangiti ako at medyo na-comfort sa ideya na okey lang kahit walang magsayaw sa akin, tutal naisayaw na ko ni Ken, ang ex boyfriend ko.
May katagalan na rin kaming hiwalay ni Ken, pero kahit ganoon mahal ko pa rin siya.
Ang totoo, hinihintay ko lang na bumalik siya. Lapitan niya lang ako at sabihin na kami na ulit, hindi na ako magdadalawang isip. Tatanggapin ko uli siya.
Nag -smile ako.
Siyempre, dapat akong maging masaya dahil ako ang first at second dance ng lalaking mahal ko. Alam ko naman na mahal niya pa rin ako, at may pakiramdam ako na bago matapos ang gabing ito, magkakabalikan na kami. Magkakaroon na ng book two ang love story namin.
"Last three songs na lang po tayo," paalala ng host ng sayawan.
Nakita ko si ex na nakikipagsayaw sa isang cute at maputi na babae. Medyo pamilyar sa kin iyong babae. Sa tingin ko siya iyong nakasabay ko no'ng nag-register ako para sa conference na ito.
Friendly talaga siya.
Tapos na ang first song. Iba na ang song pero hindi pa rin siya binibitawan ni ex.
Last song na. Sila pa rin ang magkasayaw.
Kanina ayos lang ang pakiramdam ko, pero ngayon parang lumamig ang dibdib ko.
"Puwede ba tayong sumayaw?" May nag-abot sa akin ng kamay niya.
Tinanggap ko naman iyon, pero parang wala ako sa sarili. Iba ang impact sa akin ng ideyang baka nagkakamabutihan si Ken at iyong babae.
"Ako si Mac, anong name mo?"
"Aia."
Nag-uusap iyong lalaki, ngumingiti naman ako, pero ang isip ko ay lumilipad. Para akong nasa gilid ng bangin na in any moment mahuhulog.
Akala ko ba gusto pa rin ako ni Ken?
Aaminin ko, inasahan ko na lalapitan niya ko at makikipagbalikan siya sa kin, pero bakit parang iba ang nangyayari ngayon?
Ano ba Ken, bakit ka ba ganyan?
Natapos na iyong song kaya hinatid na ako nung sumayaw sa akin sa upuan ko.
Nag-smile ako sa kanya, bago ako sumulyap kay Ken.
Hawak na niya iyong phone niya. I guess he's asking for the girl's number. Hinubad pa ni girl ang suot niyang pang-Hawaiian na kwintas at isinuot ito sa ex ko.
BINABASA MO ANG
Romeo's First Love (RFL #1)
RomanceSa bawat kuwento mayroong leading man, leading lady, kontabida at mga extra. Paano kung sa simula leading lady ka, pero nauwi sa pagiging extra? Ipaglalaban mo ba ang role mo?