PROLOGUE

42 5 11
                                    


INGAY, usok at iilang iba't ibang kulay ng ilaw ang makikita sa loob ng silid na 'yon.

Andito siya ngayon sa isang bar, nagpapakalasing....

Kasama niya ang isa niyang kaibigan na ngayo'y nasa gitna na ng sayawan.

At ito siya, nanatili siyang nakaupo dito sa table na nakuha nila.

Muli niyang sinimsim ang alak na nasa sariling baso at hinithit ang vape na hawak hawak niya habang pinagmamasdan ang mga taong nagsasayaw roon.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya ganitong babae, iyong nagsasayang ng pera para sa alak at gumagawa ng mga bisyo na nakakadagdag sa gastos lalo na't naghihirap ang buhay niya, ngunit sadyang malupit ang kapalaran niya dahil may malaking dahilan ang pag-iinom niyang iyon.

Naramdaman niya ang pagbagsak ng mga luha sa pisngi na agad niya ring pinunasan...

That cheater asshole....
Hinding-hindi ko sila mapapatawad....

Nakaramdam siya ng paghigpit banda sa puson niya na sanhi na naiihi na siya, minadali naman niya ang pagtayo at kahit gegewang gewang ay tinungo niya ang restroom ng bar na 'yon.

Hindi niya pa sinasadyang naitutulak ang mga taong nakakasalubong niya na medyo humaharang sa daraanan niya....
At wala siyang pake kung ano ang magiging reaksyon ng mga 'to

Nang matapos siyang umihi ay humarap siya sa salamin na naroon, saglit niyang tinignan ang sarili bago binuksan ang gripo ng lababo at inihilamos ang tubig na nalabas roon, kinuha niya ang panyo sa bulsa upang patuyuin ang basang mukha.

Ngunit hindi sa paraan na 'yon natanggal ang pagkahilo niya, gegewang gewang padin siyang lumabas ng restroom nang biglang bumangga siya sa kung saan.

"Ahhh! Shit!."

Hawak-hawak ang noo'y tinignan niya ang pinagbanggaan niya, at doon niya lang napagtanto na hindi sa pader, bakal o kung anong bagay siya bumangga kundi sa isang malaki at matipunong dibdib ng isang estranghero.

He looked up at the man with a frown, but then she saw the man gave her a frown too....

"What's with that frown miss? Eh ikaw ang bumangga sa'kin." He said huskily

Naitaas niya ang kilay habang nakatingin sa estranghero na kasalukuyang kaharap, ngunit bumaba ang tingin niya sa hawak nitong babasaging baso na ang hula niyang laman ay alak.....

She grabbed the glass from the man and drank the alcohol on it.

Naiyukot niya ang mukha nang gumuhit sa lalamunan niya ang alak na nainom.
Naikot na rin ang paningin niya, at hindi na niya alam ang ginagawa niya...

Basta ang alam niya'y gusto niyang magpakalasing ngayon at wala na siyang pakelam sa ano mang mangyayare sa sarili.....

Ang huli niyang namalayan ay inabot ng dalawang kamay niya ang leeg ng binata at walang anumang siniil ng isang mainit na halik ang estrangherong ang mukha'y may bakas ng pagtataka.

One night with Mr. Scott(THE KNIGHT GOLDEN GANG SERIES#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon