Inside You 1

23 2 0
                                    

In this world that full of judgement we hold the other half of ourselves. We hide, we pretend, and go with the flow of life. We hug and hold the other side of you secretly, afraid getting caught. Sometimes we think of telling and show off that one piece of you but end up hugging it tightly by yourself.

Of course we can't say out loud the words that we want to say because we have a billion words in mind. Pero para sa akin sa dami ng problema ang isang tao, isa lang ang alam kong nagpapalaya sa akin. Writing.

Sa pagsusulat kaya mong gawin lahat ng gusto mo, sa pagsusulat malaya ka. Iyon ang nararamdaman ko, iyon ang alam kong gawin para takasan ang mundong puno ng problema at panghuhusga.

"Hey." Tawag ng kung sino. Napalingon naman ako sa kinaroruonan nito. "Oh?" Respunde ko. "Sabi na eh hindi talaga ako nagkamali sa pinuntahan kong lugar na alam kong pupuntahan mo." Tawa nitong sabi. "I bought some chocolates for you, sabi nila kasi maganda daw ang tsokolate na kainin kapag nagrereview ka or may sinasalihan kang contest, pero mas maganda kung kakainin mo ito dahil sa gusto mo at lasap mo ang sarap. Charing lang, binili kong pang snack mo ito para sa pagsusulat mo. I mean, magandang view plus sabayan mo ng pagkagat ng tsokolate." Pinanliitan at tinarayan ko lang ng mga mata ko itong bakla kong kaibigan.

Pero andaya lang dahil mas magaling itong manaray kaysa sa'kin. "Girl, wag ka attitude d'yan baka di ko ibigay itong Hershey sayo." Taray nito sa akin. "Aba, aba, sabi mo akin yan ah!" Sabay hablot ng chocolate sa kamay nito. "Hoy, bruha ka!" Tawag nito sa akin pero tinawanan ko lang siya. Naghabulan pa kami sa park para sa iisang chocolate, tapos ang bruhang iyon saka lang sinabi na meron pa siyang dalang chocolate noong pagod na kami sa habulan!

"Akala mo ikaw lang meron? Ako rin meron, dalawa pa!" Pang-iinggit nito. Napasimangot naman ako sa sinabi nito.

Ang daya! Isa lang akin tas sa kaniya dalawa!

"Bakit swerte ka bang ipinanganak?" Pabalang na wika nito sa akin. "Nye, nye." Parang bata kong asar sa kaniya. Alam ko ng talo na ako eh.

"Magsulat ka na d'yan, bubita ka." Tulak nito sa akin. Nagpaawa effect naman ako sa kaniya kasi malay mo maawa maghati kami sa dalawa niyang chocolate.

"Bubita ka! Pag-ako bumili ng unlimited Hershey ko, sinasabi ko talaga sayo 'who you' ka talaga sa akin." Turan ko. Who you ka talaga sa akin kapag ako bumili.

Madami na kaming nakain ni bakla na mga chocolate iba't ibang klase at iba't ibang brand din syempre pero sa isang chocolate lang talaga kami nag-stick to one. Sa Hershey chocolate lang talaga.

Well you can't blame us, the taste of this chocolate is the favorite taste of our tongue. And this chocolate just triggering something, something that make my self be more transparent. Like no place to hide, no masks put on our faces, no role character to apply, no holding back, no hesitations. Nagiging hyper talaga kami kapag nakakakagat ng Hershey, seryoso.

It's like the chocolate is the key that unlocking our cage to taste the freedom.

Lumipas ang oras namin na magkasama sa park habang nagsusulat ako para sa sinalihan kong writing contest. I just want to try kaya sumali ako. Hindi ko na alam kung nasaan na yung Hershey chocolate na pinag-aawayan namin kanina, siguro na sa tiyan na nung baklang iyon.

Hindi ako hinatian! Ang sama!

Tiningnan ko ang kasama ko, only to find out na nakatulog na pala ito. Naka-upo kasi kami sa damuhan pero malinis naman at may maliliit na damo, tama lang para takpan ang lupa at pwedeng pag-picnic-an.

We used to go here, lalo na noong high school year namin. Lagi kaming tumatambay dito. Tumingin ako sa magandang view nag-iisip kung anong susunod kong ilalagay na sentence sa isinusulat ko. Kaunting kembot na lang matatapos na rin naman ang isinusulat ko kaya medyo nirerelax ko muna ang utak ko.

Hindi naman tumagal ng may pumasok na sa utak kong isusulat ko.
Eksaktong natapos ko ang sinusulat ko ay pagbangon naman ng kasama ko sa pagkakatulog. Dumighay muna ito at tiningnan ako saglit at sinabing.

"Ang pangit mo." Nahampas ko naman sa mukha niya ang papel na sinusulatan ko ng mga hindi ko siguradong sentence. "Mas pangit ka, boi." Sabi ko, tumalim naman ang tingin nito sa akin. "Sige ha! Pangit pala di na kita hahatian ng chocolate ko." Pagbawi nito. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

"Hoy joke lang yun, ang gwapo mo nga po eh." Pagbawi ko ng sinabi ko kanina. "What!" React nito.

"Ayyy! Este-maganda ka po."

At hayan na naman po kami sa asaran namin hanggang mag-sawa kami at tumahimik. Pinanood namin ang papalubog na araw habang kumakain ng paborito naming tsokolate na hinati namin.

Kasama ang beshy ko at ang pagsusulat ko talagang wala akong matatago. Masiyado na niya akong kilala, na tipong hindi ko na kailangan pangmagtago o magpanggap pagkasama ko siya. Sa kaniya ko na naipapakita ang kahit na sino ako, at wala sa kaniyang problema iyon.

Naging kanlungan namin ang isa't isa habang ang iba ay patuloy na nang huhusga sa amin. Sa kaniya ko sinasabi at ipinapakita ang lahat lahat na ako.

This is always our best moments with Hershey at the park but also in our life.

#HersheysMode

A/N:

Hello sa mga nakakabasa nito! Sana sumali rin kayo sa writing contest ng Wattpad kung saan magsheshare kayo ng kwento fiction man iyan o hindi with Hershey chocolate. Mag-eenjoy talaga kayo magsulat kasi parang kinukwento mo ang perspective mo through your story. Let your voice out and tell the world the piece of you. Kung gusto niyo sumali pwede kayo pumunta agad sa profile ng Hersheys para i-check yung tungkol nga duon sa writing contest. Para madali. Yun lang naman thank you sa nagbigay oras para basahin ang A/N ko. Mwah!

That Side Inside YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon