Chapter One: New School
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse namin habang si Mommy ang nagmamaneho. Papunta kami ngayon sa bagong school na lilipatan ko para mag enroll. And I'm super excited to be there right now.
I'm in my 11th year as a HUMSS student at my old school. The first semester actually started last month, but kinailangan kong lumipat ng school dahil sa work ni Daddy. Sanay na ako sa ganito, palipat-lipat ng schools. And I've been doing this since elementary school.
Sa totoo mahirap ang ganito. You have to leave behind all the people you met at your old school. Adjust again in a new environment and try to fit in with a different crowd of people. This has become a cycle for me.
At wala akong choice para magreklamo. Dahil kung saan ang work ni Daddy doon din kami. 'Family should always stick together' is the family motto. But we're not the happy family you think we are. Because to tell the truth, my family is a total mess.
Pagkarating namin sa harap ng school, unang bumungad sa amin ang mataas na school gate. Kung saan naka arko sa ibabaw nito ang pangalan ng school.
"Welcome to Einstein High" pangalan palang ng school halatang sosyal, pangmayaman, at pangmatalino.
"Ellie," rinig kong tawag ni Mommy sa akin na hindi ko agad na pansin dahil sa pagkamangha sa sobrang laki ng school na ito. "Ellie!"
"Sorry, Mom! It's just that this school is so cool," ani ko.
"I'm glad that you like your new school," aniya at binigay sa akin ang isang brown envelope. "Mauna kana sa principal's office to fill out the transfer form at magpapark muna ako sa sasakyan natin. Susunod ako."
"Okay Mom," sagot ko at bumaba na sa sasakyan.
Pagkaalis ni Mommy papunta sa parking lot para magpark doon ko lang naalala na hindi ko pala alam kung saan ang principal's office. Napakamot nalang ako sa ulo at nagsimulang hanapin ito.
Sa sobrang laki ba naman ng Einstein High kung saan-saan na ako na padpad na buildings para hanapin ang principal's office. Pinapagod ko lang ang sarili ko.
Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap hanggang sa may nakita akong grupo ng mga lalaking estudyante. Nagtatawanan ang mga ito habang pinapalibutan nila ang isang estudyante na ngayon ay kawawang nakayuko at nakaupo sa sahig.
From the looks of it, this group is clearly bullying that boy. Hindi ko na sana ito papansinin at aalis na sana para umiwas sa gulo. Pero natigilan ako ng lumingon sa deriksyon ko ang kawawang estudyante.
Our eyes meet for a second at agad rin itong napaiwas dahil sa pagsipa ng isang estudyante sa kanya.
"Gosh, ganito ba sa school nato?" bulong ko at agad na naglakad palapit sa deriksyon nila. "Hoy!" sigaw ko.
Napalingon naman sa akin ang tatlong bullies. Napaatras ako ng unti nang binigyan nila ako kaagad ng nakakapatay na tingin. Nakakatakot ang mga pagmumukha nila. Pierced ears and ugly spiky hair styles na parang mga siga sa kanto.
I cleared my throat and crossed my arms. "Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" buong tapang kong tanong sa kanila. "Alam niyo bang masama ang ginagawa niyo. At pwede ko kayong isumbong sa guidance office."
"At sino ka naman para makialam sa amin?!" tanong ng isa na tila leader ng grupo nila. "Baka naman gusto mong magaya sa kaniya?" aniya at lumingon sa estudyanteng kanina ay binugbug nila. Nagtawanan naman ang mga pangit na kasamahan nito.
"Boss, hindi ata yan estudyante sa school natin," bulong ng isa sa leader niya.
"Ano boss sali natin nakikisali eh," sambat naman ng isa at nakangising tumingin sa akin.
"Kung ayaw mong masaktan Miss Umalis kanalang at tumahimik," wika ng leader sa akin.
Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa inis sa tatlong unggoy na 'to. Ano sa tingin nila hahayaan ko silang bugbugin ang kawawang estudyanteng 'to? Never in my sight, dadaan muna sila sa akin!
Huminga ako ng malalim at saka umatras. Tumawa naman ang tatlo dahil inakala nilang aalis na ako, pero mali sila. Mabilis akong kumilos palapit sa kanila at isa isa silang binigyan ng malakas na sipa sa tiyan nila.
Simple lang ang ginagawa ko, pero agad na napaluhod sa sahig ang tatlo at napadaing sa sakit. Maliit lang ang katawan ko, pero kaya ko silang patumbahin ng sabay. I know a little about karate because my dad used to teach me for self-defense.
Napangisi ako sa ginawa ko. "Never let your enemy know your next move."
Lumapit ako sa estudyanteng binully nila. Nakaupo lang ito sa gilid at tila na gulat sa nangyari.
I offered him a hand and smiled. "Let's go?"
Nagdadalawang isip pa nitong tanggapin ang kamay ko, pero ako na mismo ang humila sa kanya patayo at mabilis na tumakbo palayo sa tatlong bullies. Baka at magantihan pa kami ng tatlo lagot na.
"Bumalik kayo dito!" nanggagalaiting sigaw ng leader.
Natawa nalang ako at hindi na lumingon pa. Nagpatuloy lang kami sa pagtakbo hanggang sa masiguradong malayo na kami. Deserve nila 'yon!
Huminto kami sa pagtakbo at parehong naghahabol ng hininga. Nabigla ako ng inalis niya ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ko. Namula tuloy ako at nakaramdam ng hiya dahil hindi ko pala binitawan ang kamay niya.
Pawis na pawis ako ngayon at gulong gulo na rin ng buhok ko. Inayos ko muna ang sarili ko at saka humarap sa lalaking kasama ko ngayon.
"Bakit nila ginawa 'yon sa iyo?" I asked him directly.
Tahimik lang ito at hindi sumagot sa akin. May kinuha itong salamin sa bulsa niya at sinuot ito.
"Thank you." mahinang saad nito.
Napangiti nalang ako, "Wala iyon."
Malutong ako napamura sa isipan ko nang maalala na may gagawin papala ako. Siguradong malalagot ako nito kay Mommy. Tumakbo ako paalis at bumalik rin para magtanong sa kaniya.
"Pwedeng magtanong kung saan ang principal's office?" nakangiting tanong ko sa kaniya.
Agad naman niyang tinuro kung saan.
"Thank you, and nice to meet you. See you around!"
Mabilis akong nagtungo sa principal's office at pagkarating ko doon sinalubong ako ng naniningkit na tingin ni Mommy.
"Saan ka naman nagpupunta Ellie kanina pa kita hinihintay dito nakakahiya sa principal" halong pag-aalala at inis na bulong ni Mommy sa akin.
"Sorry, Mom! Naligaw po ako eh," I said, apologizing.
"Okay, then start filling out this form. Para bukas ay pwede ka nang magstart sa klase mo."
Kinuha ko naman ang papel at isinulat ang mga important details na kailangan.While filling out the form, I couldn't help but smile, remembering what happened a while ago.
I just can't wait to attend school tomorrow!
BINABASA MO ANG
Something Special
Teen FictionEllie Mariano has always been used to transferring schools because of her father's work. When she transferred to Einstein High, she knew she'd finally found that 'something special' she'd been looking for. Disclaimer: This story is written in Taglis...