DO SOME

1 0 0
                                    


“Sa tingin mo kaya nya gawin ‘yon?”

Kausap ko sina Raven at Harcus, kasabay sa pag lakad papunta ng bahay nila Raven.

“Sa bagay. Sya lang naman masama ugali dito. o! included, yung mga Olepores nya.” Raven said.

“Malay natin. baka nga, baka kaya nya pumatay? o kahit hayop no’ng camping? Pinatay nya, isa pa kaya sa atin?” Harcus said.

“Hayop naman ‘yon tsaka... hindi naman kaya gano’n kasama si Drain-” Harsify-

“Likas na sa kanila ‘yon. Pamilya nya. ‘di ba?” Raven said.

Napabuntong hininga ako, kung totoo man, Wala na syang pinagkaiba sa Tatay nya.

________________________________

Habang naglalakad sa daan, magisa, naisip ko nga pala “May babalikan pa pala ako sa forest.” may tinago ako doong papers, ‘yong mga theories at mapa, tungkol sa kaso. “kailangan ko balikan yun.” Mahina na sabi ko.

Bumalik nga ako, sa malaking puno at sa ilalim ng sanga no’n doon ko tinago.

“Ito na.” Kinuha ko na, at binalik ang lupa kung saan ko hinukay gamit ang maliit na pala.

Tumayo ako at sinuot na sa leeg ko ang shoulder bag ko, matapos ko ilagay ang mga ‘yon doon. Papaalis na sana nang may marinig ako. Nagbubulungan?

Dahan-dahan akong sumilip sa likuran ng malaking puno,

“Ikaw? ikaw ang gumawa no’n? Dad.”

“Wala kang pagsasabihan. Ginawa lang naman namin ang nararapat.” Si Drain. at ang Tatay nya. “Kaya mo bang ipagkalulo ang Ama mo?” lumapit sya kay Drain, hinawakan ito sa balikat.

Tila malalim ang iniisip nya. ngunit hindi ko maintindihan ang pinaguusapan nila. sinong tinutukoy nila?

“Yes Dad. Na- Naiintindihan ko-”

“Mabuti... ngayon. bumalik ka na, baka hanapin ka pa ng mga Pinakagagaling mong Propesor.” tumungo sya. at paalis na.

Bigla syang tumingin sa gawi ko, agad kong tinago ang sarili ko sa likod ng puno, dumikit ako roon upang hindi mapansin. Parang wala nang ingay. umalis na sila. dahan-dahan ay sisilip pa sana ako

“Harsify.”

“Hah” Napalingon ako agad sa nagsalita sa kaliwa ko. si Drain. Akala ko ba...

Kinuha nya ang wand nya at tinutok ‘yon sa ‘kin. hindi ako takot hindi ko lang mabasa ang iniisip nya.

“Diffindo!”

“Ah!” Napapikit ako nang lumiko ang ulo ko sa kaliwa, natabunan ng aking buhok ang mukha ko, hawak-hawak pa rin ang bag ko.

Tiningnan ko kung ano ang inasinta nya sa may likuran ko. yelo? Tumingala ako, sa itaas pala’y maraming tubig kristal.

“Mahuhulugan ka na lang, hindi mo pa alam” luminga ako sa kanya,

“Kaya ko protektahan ang sarili ko.”

“Ah talaga ba” Binaba nya na ang wand nya.

“Anong ginagawa mo dito?” Kinuha ko ang wand ko, kung sakali.

“Ikaw. Anong ginagawa mo dito? Hindi ka dapat narito,”

“Ano kung nandito ako, may kasamaan ka bang binabalak. Drain-”

”Wala ka na dun. mas mabuting umalis ka o ‘di ka na makaalis”

“Sa tingin mo natatakot ako?”

KINGDOM OF OUTLANDISHWhere stories live. Discover now