PROLOGUE

5 1 0
                                    

[ What the heck? So, ibig sabihin hindi ka pa bumabangon d'yan? Come on, Ken! Nakikita mo ba kung anong oras na? It's already 8:35! Late ka na ng 35 minutes.]

Bungad sa akin ng sagutin ko ang tawag ni Sejun. Alam ko naman na bubungangaan na naman ako. Sanay na ako. Pero aminado naman ako na late ako palagi. Yare na naman ako nito kay Teacher Hong.

"Babangon na ak—" Napatigil ako ng bigla ulit mag-salita si Sejun.

[Siguraduhin mo lang na kikilos ka na! Alam mo naman siguro kung ano 'yung magiging punishment 'pag late. ]

"Oo, alam ko naman! Gagamitin ko na lang 'yung sasakyan kaysa mag-commute ako." Sagot ko.

[ sige,, Pasalamat ka at wala pa si Miss Hong dito sa Studio. Make it quick! Ingat, bye!]

Mabilis akong bumangon at dumiresto sa banyo para mag-shower na. Binilisan ko na lang din 'yung kilos kasi weekdays, s'yempre trapik na naman. Ano pa bang pag-babago sa trapik? Trapik pa rin sa Pilpinas. Mapa-sky way man, trapik din madalas.

Nag-suot lang ako ng simpleng plain black na shirt at jogging pants. Kahit mainit sa pinas ay pinili ko pa rin na mag-jacket dahil marami na rin ang nakakakilala sa amin kahit saan.

Pagkatapos ko mag-bihis ay nag-madali na ako na kunin ang bag at iba ko pang gamit pati na rin susi ng kotse. Bago ako lumabas ay sinugurado ko muna na wala akong naiwan na kahit ano.

"Shit, 9:20 AM na pala!" Late na late na talaga ako. Dahil ang usapan ay alas otso ang start ng practice namin pero dahil late ako, malamang late kami mag-sisimula. Ang tanga mo talaga, Ken. Nood nood pa kasi ng anime alam na may practice kinabukasan.

Aminado naman ako na late na talaga ako matulog dahil sa kapapanood ng anime. Kasalanan ko rin. Pagbukas na pagbukas ng elavator ay kumaripas na ako ng takbo papunta sa parking kung saan naka-park 'yung sasakyan.

Nang makita ko na ay agad ko nang nilabas ang key fob para mabuksan ko na ang sasakyan. Bubuksan ko na sana ang pinto ng maramdaman kong may humawak sa braso ko at tinapalan ng panyo ang ilong at bibig ko.

Unti unti akong nakaramdam ng hilo dahil sa amoy na nag-mumula sa panyo na nakatakip sa ilong ko. Hindi ko na alam kung anong nangyayari at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Anong nangyayari?

KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon