Chapter 1

6 1 0
                                    

NOTES.

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

- this is purely fictional.
- grammatical errors and typos ahead.
- enjoy reading :)

Sejun's POINT OF VIEW

It's already 10:35 AM and until now wala pa rin si Ken. Wala man lang text from him. Ang huling text niya sa gc ay paalis na raw siya ng condo pero nasaan na siya? Mabilis lang naman ang byahe at wala namang trapik ngayong araw. Kanina pa ako naiirita pero kinalma ko ang sarii ko. Madalas na kasi na nangyayari 'to. Kaya 'di ko rin maiwasan na hindi mainis kasi sayang 'yung oras.

At tsaka may usapan na before mag-8 AM nandito na sa studio. Hindi nasabay ni Justin at Stell si Ken dahil ayaw pa raw bumangon kaya nauna na silang umalis.

"Is Ken not there yet?" Miss Hong asked. We just nodded at her and she looks worried. "Did he use his car?"

"Yes, Teacher! He told us that he would just use his car instead of commuting." Si Josh na ang sumagot kay Miss Hong. Si Stell naman ay tahimik lang nakaupo sa gilid mukhang malalim ang iniisip. Kanina pa siya nandiyan at hindi umaalis sa pwesto.

"Okay, we'll wait for Ken. Maybe, it's just traffic that's why he's late." We all agreed to Miss Hong and we'll wait for Ken. Nag-paalam na si Miss Hong sa amin at kami na lang ang naiwan rito sa studio.

"Hindi ba sumasagot sa text or tawag?" Tanong ni Josh.

"Hindi. Cannot Be Reach si Ken, e. Kanina pa ako tumatawag. Naka-30 missed call na nga ako. Wala pa rin." Hindi ko alam pero iba talaga 'tong pakiramdam ko ngayon. Para akong kinakabahan na ewan na hindi ko maintindahan. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako nag-papalpitate.

"Buti na lang good mood si Miss Hong ngayon. She looks worried kay Ken kasi hindi naman ganito katagal dumating si Ken. Ngayon lang. Isang oras na ang nakalipas nung huli siya nag-text sa atin." Oo nga. Hindi naman inaabot ng isang oras si Ken pag-nalalate. Magsasabi naman siya kung may emergency o pag kailangan niyang umuwi ng Sta. Mesa.

"Try mo kaya ulit, Kuya Sejun? Kanina pa kasi tayo natawag sa kaniya. Hindi naman malayo 'yung dorm natin sa studio, e." Lahat kami ay nag-tataka na bakit wala pa ring update mula kay Ken kung nasaan na siya ngayon.

Sinubukan ko ulit tawagan si Ken pero ganon pa rin. Cannot be reach pa rin. Kung trip trip lang 'tong ginagawa ni Ken. Hindi nakakatuwa talaga. Kanina pa kami nag-aalala sa kaniya. Wala man lang tawag o text kaming na-rerecieve.

Hindi na ako nag-paalam sa kanila na lalabas na ako. Hindi ako mapanatag at alam kong iba na 'tong pakiramdam ko. Kinuha ko kaagad 'yung susi ng motor ko. "Oh? Saan ka pupunta?" Hindi ko na pinansin si Josh at nag-patuloy na ako sa pag-lakad.

"Sejun, ingat!" 'Yon na lang ang huli kong narinig bago ako nakalabas ng building.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KIDNAPPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon