"Mga beshies, san ba tayo sa weekend?" Tanong nang binabaeng si Jimny sa tatlong kasamahang mga babae. Nakadungaw ito sa isang cubicle.
"Birthday mo naman yan, bat kami tinatanong mo?" Natatawang tugon ni Moira na nakatayo sa gilid nang mesa.
"Oo nga Jim, ikaw na bahala, basta wag lang out of town, alam mo naman pag may mga junakis na mahirap na." Si Karen naman. Naka dungaw din sa kabilang cubicle."Sige sige, Mitch, ano suggestion mo? Mamaya na nga yan!" Naiirititang pag sita nya sa kaibigan na may tinatype sa computer.
"Sunday is family day nami yan, pero birthday mo naman so go ako kahit saan," sagot nito at binalikan agad ang ginagawa.
"Ah sige, sa batanggas na lang tayo para malamit lang," si Moira naman.
"Batanggas? Malapit ba yun?" Protesta naman ni Karen, pinagtitinginan na sila nang ibang kasamahan.
Maganda ang opisina nila, malinis, maluwang.
At habang nag didiskusyon sila kung saan talaga nila isi-celebrate ang birthday ni ay bumukas naman ang elevator sa di kalayuan nila. Lumabas si Ivan Villarama, 32 years old bachelor, matangkad, gwapo, pero walang syang appeal sa mga empleyado nya maliban na lang sa binabaeng si Jimny. Dahil sa stricto nyang aura, hindi palangiti, at hindi palabati, pinangingilagan sya nang mga empleyado.
"Dismiss na muna girls, andyan na si sir Ivan," pag putol ni Moira sa usapan nila. Dali dali naman silang nagsibalikan sa kani kanilang mga cubicle at si Michelle ay pinagpatuloy ang ginagawa sa computer.
"Good morning sir," binati nila ito isa isa habang dumadaan sa aisle nila. Tumango tango lang ito na walang bakas na galak sa mukha, kumbaga, serious mode parati.
Dumiretso ito sa opisina nito na isang kwarto na napapalibutan nang one way mirror glass. Hindi nila makita ang loob pero kitang kita naman sila nito.
Habang binubuksan naman ni Ivan ang kanyang laptop ay pumasok si Sherly, ang sekretarya na may pagka bilugan ang katawan. Pero palangiti ito.
"Excuse me sir, here's your coffee,"'nakangiting sabi nito sabay lagay nang mainit na kape na nasa mug sa ibabaw nang mesa nya.
"Thnak you, Sherly," aniya na nakatuon pa rin ang pansin sa ginagawa.
"Sir, tumawag pala si Atty. Vega, may pag uusapan daw kayo at nang lolo nyo."
Nang marinig ang huling sinabi nang sekretarya ay saka na nya ito binalingan nang pansin. "And when is that?"
"As soon as possible daw po."
. . . . .
Sa cafeteria naman ay nanananghalian na sina Jimny, Moira, at Karen.
"Alam mo, bet na bet ko talaga si sir Ivan, kiligers talaga ako sa kanya, parang gusto ko syang yayain sa birthday ko, sa tingin nyo kaya sasabay sya sa atin?" Kinikilig na saad ni Jimny, bago isubo ang pagkain nya.
Natawa naman si Moira, "Alam mo ikaw, mag mula nong dumating yang si sir Ivan dito sa kompanya natin nong isang linggo ay sya na bukambibig mo!"
"Para naman kasing pinaglihi sa bad vibes si sir Ivan, ni hindi ko pa sya nakitang ngumiti, dalawang beses ko lang din yata syang narining magsalita eh," saad naman ni Karen.
"Si Sherly lang talaga kinakausap nya magmula nong dumating sya galing Amerika." Natatawang sabat ni Moira.
"Kayo, masyado kayong harsh sa lablab ko, may girlfriend kaya ngayon si sir?" Si Jimny na kilig na kilig talaga.
"Hindi talaga kayo nang hintay ha!" Boses ni Michelle iyon, sabay naman silang napalingon sa paparating na si Michelle, kasabay nito ang nobyong si Martin.