Bonding.

26 2 0
                                    

"Young lady, May nag hahanap po sainyo receiving area na po." Saad ni manang sakin. It's hell yeah friday night. Hindi ako pumasok kanina. I'm not in mood. Ilang araw 'ko din hindi pinapansin ang bitches 'ko, Lielow muna sorry.

Maski si vince at caleb.

Ang gaga 'ko talaga, bakit 'ko ba hinalikan si vince! Ang tanga 'ko!

Binibigyan 'ko siya ng false hope.

"Okay, Wait. Baba na ako." Sino naman kaya yun?

Bumaba na ako at pumunta sa sala.

Napahinto ako ng makita 'ko si caleb.

"What are you doing here?"tanong 'ko agad sakanya.

"Bakit hindi ka pumasok?"tanong naman niya. "Nakakatamad." Yun lang ang sinagot 'ko. Nag dala naman si manang ng makakain.

"Manang, andyan na ba si kuya edward?"tanong 'ko kay manang.

"Wala pa iha, pero pauwi na yun." Sagot ni manang. Umalis na din si manang pag katapos. Ang tagal ni kuya ed, nag pabili pa naman ako.

"Kain."aya 'ko kay caleb. Bakit ba kasi andito 'to?!

"Tuloy ba kayo nila mommy bukas?" Tanong niya ulit.

Tumango lang ako. Kasi nga inis nga po ako.

Naiinis ako sa reason niya na nakalimutan niya ako sunduin. Gaguhan lang?!

"Anong oras kayo aalis?" Tanong niya. Nakakainis daming tanong.

Inirapan 'ko ulit siya.

"I don't know."sagot 'ko.

"Sasama ako."saad niya.

"Okay then."sagot ' ko.

Huminga siya ng sobrang lalim. Wow, siya pa mababadtrip!

"Look, kung dahil pa din 'to sa hindi 'ko pag sundo sayo? Sorry okay? I'll make it up to you." Frustrated na saad nito. Napairap nalang ako! Promises huh?

"Fine, you may go. See you tomorrow." pag papaalis 'ko sakanya. Ayoko makipag usap.

Tinalikuran 'ko na siya at umakyat na sa kwarto 'ko..

**

"Let's go spa first!"aya ni chelsea, kadarating lang namin dito sa mall, at nag aaya siya agad sa spa.

Sinundo nila ako kanina, mabuti't nasa iisang sasakyan lang sila i mean, si caleb ang driver nila.

"Caela iha, san mo gustong mauna?"tanong ni mommy kate sakin. Medyo nakakairita kasi parehas silang naka cling sakin i mean, nasa gitna nila ako ni chelsea.

Ngumiti ako, may naisip lang naman ako. Hahaha!

"Spa po muna mom, then salon. And shopping!"masayang sagot 'ko.

"What?!"protesta ni caleb. "Can we just eat first?"dagdag nito.

"You may eat first duh."i said on sarcastic tone.

"Yeah kuya, Bakit ka pa kasi sumama eh. You know girl bonding 'to wala pa man nag rereklamo ka na!"inis na sabi ni little mushroom

"Tama na yan, Caleb anak, Mauna ka ng kumain or gusto mo umuwi ka nalang muna tapos tawagan ka namin pag pauwi na kami para sunduin kami."saad ni mommy kate. Hahaha oo nga naman.

"No. Way! I'm not yet hungry." Sagot nito at tinalikuran kami. Nag katinginan naman kaming tatlo. Hahahaha!

Pumunta muna kami sa spa, almost 2 hours din siguro kami dun.

Play Girl Meets Play BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon