PROLOGUE
"Magandang gabi po." Magalang na bati ko sa Mommy ni Alas.
"Māmā, Hazel my girlfriend." Pagpapakilala ni Alas sa akin.
Tinitigan niya ako mukha ulo hanggang paa. Katulad ng Mommy niya purong chinese din si Alas. Nasa living area kami ngayon habang pinapakilala ako ni Alas sa pamilya niya. Mukhang wala yata ang daddy niya at tanging ang Mommy lang ni Alas ang nasa harapan ko ngayon. Medyo nakakaramdam ako ng kaba dahil hindi ko alam kung magugustuhan ako ng pamilya niya. Mayaman ang pamilya nila. Marami silang business sa binondo at hindi lang isang klasing business ang meron sila. Marami pang iba.
"We need to talk." Sabi ng Mommy niya.
Sumunod naman si Alas kay Mommy niya at nagtungo sila sa may kusina. Umupo muna ako dahil kanina pa ako nakatayo. Napalingon ako ng may narinig akong nagsisigawan.
Ito na ang sinasabi ko. Alam ko naman na hindi ako matatanggap ng pamilya ni Alas dahil sa estado ng buhay ko. Mayaman sila at mahirap lang kami. May maliit lang na bakery sina Nanay at Tatay sa Binondo. Tanging 'yon lang hanap buhay namin at sa awa ng diyos ay nakakaraos kami sa pang araw araw.
Tumayo ako at nakita kong nagsisigawan sina Alas at ang Mommy niya. Mabuti na lang at may harang kaya di nila ako nakikita. Pero rinig na rinig ko kung ano ang pinagtatalunan nila.
"Hindi ba't sinabi ko sayo na wag kang magdadala ng nobya mo rito?!"
"Māmā I love Hazel!"
"But she's not a chinese! Si Shaina lang ang gusto ko para sayo. Palayasin mo ang babaeng 'yan! Malas siya rito sa bahay!"
"Mom! Stop!"
Habang nagtatalo sila ay hindi ko na mapigilang mamuo ang luha ko. Dahil hindi ko na kaya ang naririnig ko ay naisipan ko na lang lumabas sa bahay nila tutal 'yon naman ang nararapat sa isang katulad ko.
Ngunit pag lingon ko ay nakita ko ang Daddy ni Alas at tinitigan niya lang ako. Hinintay kong lumabas si Alas hanggang sa dumating siya.
"Sino si Shaina?" Bungad na tanong ko sa kanya.
Niyakap niya ako ng mahigpit at kumawala ako.
"Huwag mo akong gawing tanga Alas. Ine-expect ko na 'to eh! Dahil ang gusto ng mga chinese na katulad niyo ay kapwa chinese ang mapangasawa nila." Paliwanag ko sa kanya.
"P-pero iba ka Hazel. I like you. I love you." Seryosong sabi niya at niyakap niya ulit ako.
• HEADLESSANGEL •

BINABASA MO ANG
Tender Trifle of Love (Sweet Series #1)
Romance(SWEET SERIES #1) Did you feel already the genuine love? Those moments that you can't forgot, the laughed you shared to each other, the tender of the love that you gave to each other. 'Yong akala mo hindi siya marunong mag mahal, akala mo wala siya...