Kabanata 52

1.4K 41 1
                                    

╔══ஓ๑♡๑ஓ══╗
  Kabanata 52.
Rescuing Luna
╚══ஓ๑♡๑ஓ══╝

Naalimpungatan si Zyriex dahil sa ingay ng paligid. Nasa loob siya ngayon ng ambulansya habang nakahawak naman sa kamay niya ang kaniyang ina na lubhang nag-aaalala sa kaniya. Napalingon siya sa kabila at nakita rin niya doon ang ama niya na may bakas din ng pag-aalala sa mukha.

“Zyriex! You okay now?” Bungad na tanong ng kaniyang ina.

Hindi niya ito sinagot at tumingin lang sa kaniyang ama na parang maiiyak na rin.

“I'm so sorry, son! I'm so sorry.” Paulit-ulit na wika ng kaniyang ama.

Lingid sa kaalaman niya ay hindi pa pala bumalik ang normal na kulay ng kaniyang buhok. Nasa pamilya nila ang ganung klaseng genes, na kapag nagalit ng husto ay mag-iiba ang kulay ng buhok. Babalik lamang ito sa normal nitong kulay kapag nawala na ng buo ang ikinagalit nila.

But instead of answering his parents ay iba ang hinanap niya. He remember what happened earlier. Noong tinangka niyang patayin ang principal nila.

“Luna, where is she? Where is my wife?” Tanong niya sa mga magulang niya na sinubukan pang tumayo ngunit pinahiga kaagad pabalik ng kaniyang ama.

“We don't know. And what do you mean wife? Hindi ka pa kasal, anak.” Nalilitong wika ng kaniyang ina.

“Just rest. Ayokong pati ikaw ay mawala na naman sa'min. One is enough, Zy. Please…” pagmamakaawa ng ama niya na hindi niya masiyadong inabala.

Ang nasa isipan lang niya ngayon ay ang makita si Luna. Kailangan niyang makita si Luna kasi marami pa silang pag-uusapan tungkol sa nakaraan nilang dalawa.

Pinilit niya muling tumayo tsaka marahas na tinanggal ang mga nakakabit sa braso niya bilang isang pasyente.

“No! What are you doing? Kailangan mo pang magpahinga. Ako na, ako na hahanap sa asawa mo, okay?” Pagpipigil pa ng ama niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.

“Son! Please listen to us! Baka bumukas na naman ang mga su—”

Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi ng kaniyang ina. “I want to see my wife, right now, mama.” Malamig at matalim ang tingin niya na iginawad niya sa kaniyang ina.

Wala na silang nagawa pa kundi ang sundan na lang si Zyriex na kumaripas na ng paglakad papunta sa kuya ni Luna na nakasuot pa ng doctor coat.

Kinalabit ni Zyriex ang kuya ni Luna na si Blaze kaya napalingon ito sa kaniya. “Where's my wife, Luna?” diretsahang niyang tanong nung makalingon ito sa kaniya.

Blaze was a bit shocked nang makita niya ang itsura ngayon ni Zyriex. Saglit niya itong hindi nakilala dahil sa pagbabago ng kulay ng buhok nito at ang kakaibang awra na bumabalot nito maski na ang nakakakilabot nitong mga titig.

“She's inside. Ni-re-rescue na siya ngayon—”

“What do you mean?” May sumagot naman sa likod ni Zyriex.

“Nasa loob siya. Nakuha siya ng noxious organization.” It was Damonn who answered.

“Inside…” Bulalas ni Zyriex habang sinipat ang kabuuan ng paaralan na hanggang ngayon ay may barrier pa rin.

Walang pasabi naman siyang naglakad papalapit sa paaralan. Kaagad naman na humabol si Damonn sa kaniya at hinawakan ang pulsuhan niya kaya nahinto siya at walang emosyon na tiningnan si Damonn.

The Rare OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon