PROLOGUE
"I'm very sorry Miss. Trinidad, but you are being expelled from the university."
"Pero sir, hindi ko po ginawa 'yon, hindi ako ang sumaksak sa kanya." Depensa ko sa sarili.
"I'm sorry but we can't do anything to change the decision of the faculties and parents." Naluluhang tinitigan ko sa mata ang Principal ng school namin.
"Hindi po ba magiging bad record ko na 'yon? B-baka wala na pong school na tumanggap sakin." Nag-aalala ako sa magiging future ko kapag hindi ako nakapag-aral.
"Yes, you need to face the consequences of your wrong doings. That's final Ms. Trinidad, you may go."
Bagsak ang balikat na tumayo ako at nagpaalam sa Principal. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Papa ang nangyari. Wala syang alam na nadawit ako sa gulo last week lang. Hindi ko sinabi kay Papa dahil akala ko magagawan ko ng paraan ito ng mag-isa.
Maayos naman ang pag-aaral ko, I don't have friends, isa akong commoner. Pero hindi naman naging hadlang yon, habang pumapasok ako. Buong high school year ay tahimik ang buhay ko. Pero isang pagkakamali lang pala ang gugulo sa tahimik na buhay estudyante ko.
Nagkagulo noon sa room namin dahil sa simpleng away. It's just a nonsense fight at first at seatmate ko ang isa sa involved sa gulo. Ang gulo na nauwi sa muntikan na pagkasawi ng isa sa kaklase ko.
Pero hindi ko alam na madadamay ako.
Ako ang itinuturo ng mga kaklase ko na sumaksak sa kaklase ko, at first hindi ko ito pinansin. Hanggang sa ang simpleng pagpuna ng seatmate ko ay nauwi sa napakalaking gulo.
Hindi man ako ang kaaway pero ako ang itinuro instead na ang katabi ko.
Para bang kaydali lang sa kanila na pagbintanga ako sa kasalanang hindi ko ginawa. Dahil lang sa wala akong kaibigan na magtatanggol sa akin.
At dahil anak din ng mayari ng school ang tunay na suspect.
Nakakatawa lang na nag eexpect pa ako na kakampihan ng mga nasa school. Naalalala ko nga palang tuta sila ng paaralan.
Sa tagal ko na nag-aaral dito, hindi ko parin naramdaman na nababagay ako sa paaralan na ito. Wala akong choice kundi ang pumasok mula noong unang araw ko dahil ito lang ang pinakamalapit na paaralan noong lumipat kami.
Naging tahimik naman ang buhay ko. Pero dahil sa gulong 'yon, nadamay ako. Pinagbintangan at diniin ako sa kasalanang hindi ako ang gumawa.
I'm still a minor kaya hindi nila ako kinasuhan. Pero kapalit nito ay ang pag-alis ko sa paaralan.
Wala sa sariling nagpatuloy ako sa paglabas ng school, bitbit ang mga gamit na hindi ko alam kung magagamit ko paba.
Sa pagmamadali at panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luha. Hindi ko napansin ang kung sino man na makakasalubong ko.
Nabunggo ako sa isang tao na kinamumuhian ko.
"Ms. Trinidad." Hindi ko sya kinibo, tumalungko ako at dinampot ang mga gamit na nabitawan ko.
Nakayuko lang ako at hindi sya nilingon pero hindi sya umalis sa harapan ko. Tinulungan nya akong kunin ang mga gamit ko. Agad akong tumayo nang hindi pa ang mga ito nakukuha, at hindi na sya nilingon pa. Wala na akong balak gamitin pa ang mga gamit ko na 'yon. Besides, hindi na rin naman ako mag-aaral sa paaralang ito.
"Ms. Trinidad." Muling tawag nya.
Napahinto ako sa sumunod nyang sinabi.
"Take this." Labag sa loob na nilingon ko sya. Nakatitig sya sa akin at seryoso ang mga mata.
Humarap ako sa kanya at marahang kinuha ang mga gamit ko na inaabot nya.
Kasabay nito ay ang brown enveloped na hindi ko matandaan kung galing sakin.
"Hindi po ito sa akin Sir." Walang imosyong sabi ko.
Kailangan ko parin syang irespeto. Ilang taon ko ding ginalang ang taong ito. Sya ang nagmamayari ng paaralan. Sya din ang nagpaalis sa akin sa paaralan. Anak nya ang suspect.
"Just read it." Kinipkip ko yung mga librong hawak ko at binuksan ang enveloped na binigay nya. Inilabas ko ang isang papel na naka hardbound pa at binasa ang nakasulat. "It's U university." Tukoy nya sa papel na hawak ko.
"I suggest na pumasok ka sa paaralan na 'yan. Tanging school lang na 'yan ang tatanggap sa'yo."
"What do you mean?" Naguguluhang tanong ko. "Bad record lang ang meron ako, hindi ako block listed Sir."
"Who told you?" Tumaas ang namumuti ng mga kilay nito, ngunit nakadagdag lamang iyon sa nakakatakot nyang aura at authority.
"S-si Principal."
"Nah, he's wrong. You can't study anymore kahit sa ibang school." Napanganga ako. Hindi ko maintindihan. "Sa tingin mo ba may tatanggap pa sa iyo after what you did? You almost killed him." Naramdaman ko ang pagtatagis ng mga bagang ko. Gusto ko syang saktan.
"I didn't do that." Umiiling na sabi ko habang nagpipigil ng galit. Gusto ko syang batuhin ng mga librong hawak ko.
Napakakonsintidor nyang ama.
"I know that you already knew kung bakit nagawa ng anak ko ang bagay na 'yon. So face the consequences." Bahagyang tinapik nito ang papel na hawak ko. "That's the school na tanging tatanggap sayo. At dyan ka nababagay for rejecting my son. You are nothing but a piece of trash na hinahabol nya. I wonder what you did, kung bakit nagustuhan ka nya." Blangko ang imosyong tinalikuran nya ako at nagpatuloy sa pagpasok ng school.
Masama ang loob ko. Matinding galit at lungkot na hindi ko maipaliwanag.
Matagal na nanliligaw sa akin ang anak nyang si Luke. I admit na ako ang dahilan kung bakit sya na provoke para gawin iyon sa isa naming kaklase. But it's just a freaking normal stare! Napapatingin lang yung tao dahil nasa harapan ako nakapwesto. He was jealous na pinatulan naman ng kaklase 'kong mayabang din.
And my nightmare as a high school student began. Hindi man lang nila ako pinaabot ng graduation.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi. Bitbit ko ang mga libro at ang brown enveloped na naglalaman ng papel kung saan, maaari akong makapasok at makapagaral muli ayon sa taong 'yon.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Kung matutuwa ba ako dahil hinanapan nila ako ng bagong university na papasukan, o maiinis dahil pinagbintangan nila ako sa kasalanang hindi ako ang gumawa.
Hindi ko din alam kung paano ipapaliwanag kay Papa ang lahat.
Napapailing na tumitig ako sa kawalan.
Bahala na..
• • •
UNDEAD UNIVERSITY
BINABASA MO ANG
Undead University
Mystery / ThrillerUnang tapak palang ni Ylac Trinidad sa gate ng bagong University na papasukan nya. Ramdam na nya na may kakaiba dito. From the students, to faculties, and headmaster. Ramdam nya ang naiibang aura na bumabalot sa lugar. Maging ang mala-palasyong eskw...