Ylac's POINT OF VIEW
Ilang araw na rin mula noong ma-expelled ako sa school. Nasabi ko na din kay Papa ang lahat. Ramdam ko ang matinding lungkot nya but in the end, pinili nya parin ang ipakita sa akin na okay lang para sa kanya.
Sinubukan 'kong mag enroll sa ibang schools na maaari 'kong mapasukan. Pero napatunayan 'kong totoo nga ang sinasabi ng chairman ng paaralan na 'yon.
Gusto kong magalit sa kanya dahil halos sirain nya ang buhay ko.
Gusto 'kong makatapos, para kay Papa. Sya lang ang dahilan kung bakit gusto 'kong makatapos sa pag-aaral.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at pinagmasdan ang envelop na binigay sa akin nung chairman ng dati 'kong school.
Hanggang ngayon diko parin alam ang ibig sabihin ng U sa university na ito.
May ganon ba? U University? Anong meaning non? Ang weird ng pangalan ng paaralan.
Mukhang tinamad na sila sa pag-iisip ng ipapangalan sa school nila.
Binasa ko ang ibang mga nakasulat dito. Ilang araw 'kong iniwasan na basahin ito dahil sa galit ko sa chairman at sa mga tao sa school. Pero hindi naman siguro masama kung babasahin lang.
Good Day, Ms. Trinidad this is U University. We heard of your past issue with your former school. That's why, we would like to offer you an opportunity.
A chance to study inside our prestigious private school.
U University.
Kindly proceed to the second paper, for more information about your enrollment. Thank you.
Tinignan ko ang nakalagay sa isa pang papel. Nakalagay dito ang mapa at location ng school. Andito na din ang ibang policies at mga kailangang bilhin na school supplies.
Nakasulat din dito na libre din ang lahat. Even foods, dorm, uniform and specially tuition.
Napakunot ang noo ko bigla. Anong kalokohan ito?
Sinong shungang school ang mag i-envite ng estudyanteng may bad record sa dating school na pinapasukan?
This is a fraud!
Mukhang pinagtitripan ako ng chairman na 'yon. Alam kong ay galit sila sa akin.
Napakawalang kwenta ng dahilan nila.
Napailing ako out of frustration.
May-ari mismo ng paaralan ang nagbigay nito sakin, ano naman kayang agiw ang pumasok sa utak nya para ipasok ako sa ganitong school?
Hindi ko alam kung anong dahilan nya. Kung totoo man itong nasa envelop.
Hindi kaya patibong to? Baka dungeon to at ikukulong nila ako at papahirapan?
Napalingon ako sa pinto nang pumasok dito Papa.
"Good morning sunshine." Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ng kama ko.
"Good morning Pa."
Lumipat ang tingin nya sa papel na hawak ko.
"Yan naba yung binigay nung may ari ng school?"
"Opo." Inabot ko ito sa kanya na agad nya namang binasa.
Bahagya ding kumunot ang noo nya na tila nagtataka.
"Free of charge? Totoo ba ito anak?"
"Hindi ko po alam."
"Bakit ka naman aalukin ng ganito ng taong 'yon?"
BINABASA MO ANG
Undead University
Misterio / SuspensoUnang tapak palang ni Ylac Trinidad sa gate ng bagong University na papasukan nya. Ramdam na nya na may kakaiba dito. From the students, to faculties, and headmaster. Ramdam nya ang naiibang aura na bumabalot sa lugar. Maging ang mala-palasyong eskw...