Part 2: Undead University

6 1 0
                                    

Maaga akong nagising para ayusin ang mga gamit ko. Ayon sa papers na nakasulat mula sa University, susunduin ako ng sasakyan papunta sa bago 'kong papasukan, na nakalagay sa date at oras na nasulat doon.

Medyo naguguluhan parin ako, it's been three days since makapagdecide ako but until now parang nagdadalawang isip parin ako. Pero everytime na maiisip ko si papa pinupush ko mismo ang sarili ko para magaral ulit. Kailangan kong tapusin ang high school and after that, pwede na akong pumasok sa college na gugustuhin ko.

Isang taon lang naman, tiis tiis lang.

Lumabas na ako ng kwarto at nagtungo sa kusina. Naabutan ko si papa na naghahain ng almusal.

"Pa."

"Umupo kana para makakain." Agad akong tumalima.

Napangiti ako ng makita kung ano ang niluto ni papa. Sinangag, egg, tuyo na may sawsawan na suka at hotdogs.

Pareho naming favorite ang almusal na ganito.

Nabura ang ngiti ko ng marealized kong hindi ko matitikman ang luto ni papa ng isang taon.

"Oh? Bat malungkot ka? Ang aga aga." Puna ni papa na naglapag ng mainit na tasa ng kape sa harap ko.

Umupo sya sa harap ko at nagsimula ng kumuha ng pagkain para sa plato nya.

"Pa, mamimiss kita."

Huminto sya sa pagsubo at pinagmasdan ako.

"Ako din anak, pero isang taon lang naman."

"Alam ko po. Gagawin ko 'to para sayo pa."

"Wag mong gawin para sakin, gawin mo para sa sarili mo Ylac. Matanda na'ko, unahin mo ang sarili mo. Walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo lang, lalo na ngayon na aalis kang magisa."

"Thank you pa." Malungkot na sabi ko habang hinahalo ang kape.

"Para saan naman?"

"Dahil kahit mahirap tayo at magisa ka lang, tinaguyod mo parin ako. Pinalaki moko ng maayos at hindi inobliga sa ibang responsibilidad."

"Wala kang responsibilidad sakin anak, ang bata nagkakaroon lang ng responsibilidad pag malaki na sila at nagkapamilya. Pero habang bata kapa, wala kang ibang gagawin kundi mag-aral at magenjoy sa buhay."

Ngumiti ako at tumango. Nagsimula na si papa na kumain kaya kumain na din ako.

Napakabuting tao ni papa, at alam kong he deserve anything the world could offer.

"Dalian mo na kumain para makapagbihis ka. Baka dumating na ang susundo sayo."

• • •

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Wala pa akong uniform kaya simpleng light purple top lang at itim na pants ang suot ko. Nakalugay lang ang mahaba na buhok ko. Bitbit ang maleta ay lumabas na ako ng silid ko.

Nadatnan ko si papa na nakaupo sa sala at nanonood ng tv.

"Pa, totoo kaya yon? Parang wala pa yung susundo eh."

Tumayo si papa at lumapit sakin. "Oo naman, baka maaga pa." And as if on cue, may bumusina mula sa labas ng bahay kaya sabay namin sinilip yon ni papa mula sa pinto.

Bumaba doon ang isang lalaking naka black suit. Halos parang kaedad ko lang sya. Ang ganda ng suot nya, yung mga nakikita ko lang sa mga hollywood at korean drama.

"Manliligaw mo ata anak." Napangiwi ako.

Lumapit kami ni Papa sakanya, nung huminto sya sa labas ng gate.

Undead UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon