MONDAY

40 1 0
                                    

The Beginning 

 It was a lazy afternoon dito sa auditorium. 

Wala pa naman kaming practice para sa theater na club ko pero kailangan nandito lang kami para sa checking of attendance at hindi ko alam kung kelan balak magcheck nitong secretary namin. 

 Mabuti sana kung andito ang boyfriend ko na si Blue Carreon pero busy siya sa iba pang gawain sa school. 

 Tinignan ko ang orasan ko at alas tres na ng hapon. 

3 oras na kaming nakatunganga sa loob ng audi. 

Mabuti sana kung may signal dito sa audi pero wala. 

Kasi naghihintay ako ng update sa wattpad ng mga stories na nakasave sa library ko. It's either Class Picture II ni FakedReality or isa sa mga story ni Blue_maiden na Destined or Breaking the Bad Boy ang maguupdate sa oras na ito. At mamayang gabi naman si Kuya Neonbluish naman ang maguupdate sa Killing Class Perseverance at mamaya magpupuyat ako sa paghihintay sa update ni Jonaxx ng To Stay at ni SiJoseMarcoAko ng Tell me where it hurts. 

 At dahil bored ako nagback read ako ng Mr. Maniac meets Ms. Pervert ni Justchin. 

Nasa kalagitnaan ako sa pagcoconcentrate sa aking pagbabasa ng biglang nagbukas ang double door ng audi na lumikha ng ingay.Grabi naman ito pwede naman dahan dahan sa pagbukas kailangan pang gumawa ng eksena. 

 Tinignan niya ito habang palapit ito kung saan nakaupo ang president na nasa likod ko lang. Bumalik na ako sa pagbabasa ng nagsalita siya. 

 "Sorry po at nalate po ako madami pa po kasing pinagawa sa Student Government Office." wika nito. Sa boses pa lang nito halata ng lalaki eto. 

 "Salamat naman at nakadating ka, sige maghanda ka na at magpeperform ka para makita namin kung pasok ka talaga." sabi ni president sabay pacute na boses. 

Ang landi naman nito. 

 Titignan ko sana kung sino yung lalaki pero nakatalikod siya para maglakad sa gilid ng mga upuan upang dumaan papunta ng stage. 

Hindi ko kasi siya nakita kanina habang palakad kanina kasi medyo madilim ang audi at biglang maliwanag sa likod nito. Bale ang may ilaw lang talaga ay sa may stage. 

 Hinintay ko siyang makaakyat ng entablado at pagkatapos ng 5 minuto nasa gitna na ito. 

 At dahil maliwanag na sa pwesto niya nakita ko na siya. 

And I was like nakanga-nga

Ngayon ko lang ito nakita sa school. Baka a head sa akin ito. Nasa Second Year High School pa lang ako baka 4th na ito.

Hindi siya makapaniwala na may kapareho siya dito na half kano. Well Trident is an International School pero bibihira lang talaga an makapasok na kano dito. My father is one of the owner of this school.

Pero iba ito sa mga may lahing kano. Parang hindi lang ito kano. Kulay chestnut brown ang kanyang buhok. Mahahalata mong makinis ang kanyang balat dahil maputi naman eto pero parang semi moreno. Sobrang tangos ng Ilong, Pink ang kanyang labi daig pa ang babae. Kulay itim ang kanyang mga mata makikita mo talaga na itim eto kahit malapitan. Ang kanyang korte ng mukha na nagpamukha sa kanyang isa siyang may lahi. Pero sa height well okay lang naman..... De jokes tangkad niya.

Anyway ng tignan ko ulit siya ng pataas at pababa ng bigla na siyang nagsimula"I was willing to wait. Kaya lang napagod ako- napagod ang puso ko na maghintay, magtanong, magalit." {Piolo Pascual - Starting Over Again} pabalang niya itong sinabi.

"May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy pa rin na naghahanap at iba naman ay sumuko na. Pero 'yong pinakamasaklap eh yung na sa'yo na pinakawalan mo pa." {John Lloyd Cruz - One More Chance} sambit nito. Napalagaling nito magakting at magbitaw ng mga dialogue.

Isang Linggong Pag-IbigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon