Prologue
"Kuya! Sandali!" sigaw ko sa nakakatandang kapatid dahil napakabilis nitong magpatakbo ng kanyang bisikleta.
"Bilisan mo, Adi! You're such a loser!"
At nag-L sign pa siya sa kanyang noo. Kumunot ang aking noo. Of course I am slow, may training wheels pa ang bike ko! He's such a bobo!
Tumigil siya sa harap ng bakeshop. Mukhang ngayong araw lilipat dito ang bagong pamilya ni Mr. Li, ang chinese na may-ari ng bakery. Gossips around town says that he married some widow from the city and they're moving in our barangay today. I looked at my brother conversing with Mr. Li. Chismoso talaga si kuya kahit kailan.
"This must be your new wife, Mr. Li!" My brother greeted a young lady, well, younger than Mr. Li. Sa tingin ko ay nasa kanyang late thirties pa lamang habang si Mr. Li ay kakacelebrate lang ng kanyang fiftieth birthday noong nakaraang buwan.
Nakipagkamayan ang babae sa aking kuya at napatingin sa akin dahil kakahinto ko lang sa kanilang harapan. Mr. Li glanced at me and smiled.
"If it isn't little Adrina, or Adler is it?"
"It's Adira, sir," sabi ko. Sanay na akong palaging mali ang tawag ng mga tao sa akin. Nobody really remembers my name. Basta ay letter A ang simula, iyon agad ang tawag nila sa akin.
"Hi! I'm Juliet!" The woman smiled and handed her hands out. I smiled and shook it. Ang ganda niya.
"I have a son just the same age as you! Atlas! Come, you have a new friend outside!"
Napatingin ako kay kuya and he looks amused. Nang bumaling ako sa aking harapan ay nakita kong may batang palabas ng bahay ni Mr. Li. I think he's in third grade, same as me. Pero masyadong maliit ang batang ito. Hanggang balikat ko lamang siya. I'm actually taller than people my age kaya tingin ng mga tao ay mas matanda ako kaysa sa totoo kong edad.
Busangot ang mukha ng bata. He looked at me annoyingly. Sinaway naman siya ng kanyang ina. We shook hands and after that he removed himself from our group. Bumalik siya sa loob ng bahay at malakas na sinara ang pintuan.
"I'm sorry about that. Ayaw niya kasing lumipat kaya suplado. He'll eventually loosen up...hopefully," said the woman. She looks worried about that kid, rude naman.
"Why don't you come back later, Adira? When Atlas has cooled down." As if ‘no!
"Baka magkaklase rin silang dalawa, Mr. Li. Diba grade three na rin 'yang anak mo?" Kuya intervened. Buti naman dahil hindi na ako babalik dito 'no!
"Saan ka ba nag-aaral, hija?" Asked the woman.
I told her my school and she was shocked dahil sa public ito.
"Most kids in the neighborhood studies at the local elementary school, Juliet. I told you dapat ay sa public school na natin inenroll si Atlas para mas makarelate siya sa mga bata dito at hindi na siya mahirapang makihalubilo."
Hindi rin kami nagtagal ni Kuya. Ang utos lang talaga sa kanya ay bumili ng banana bread at gatas ni Lucio pero andami niya pang kinausap along the way kaya natagalan kami. Pinagsabihan naman agad siya ni kuya Adler dahil umiiyak na si Lucio dahil sa gutom nang makauwi kami.
"Pasensiya na, kuya at natagalan kami. Pero alam mo ba nakilala namin ang bagong pamilya ni Mr. Li. Mukhang bigatin ang babae, kuya. Ang sabi sa Astra daw pinapag-aral ang anak. Diba sobra 50k ang tuition diyan."
Napailing na lamang si kuya Adler dahil masyadong chismoso si kuya Lexus.
"Ang mabuti pa ay padedehin mo na si Lucio, Lex. Stop being so nosy! Hindi magandang ganyan ka at nasa politika si Papa. Ano na lang sasabihin ng mga tao—"
"Oo na! Oo na!" Kuya Lexus rolled his eyes and went to get Lucio's milk.
Kuya Adler then looked at me. "Tawagin mo na si Papa sa bukid, Adira at magluluto na ako ng hapunan."
This day is the same as all the other days in my life. The only thing that changed is meeting that suplado boy. There's something about him that intrigues me but I never knew what it is because I never get to see him again. Sa private school siya nag-aaral kaya hindi kami same school. And everytime I buy bread at their bakery, tanging ang Mama niya lang ang nandoon o kaya'y si Mr. Li.
I thought he was sent to prep school dahil ang narinig ko ay doon daw pinapatapon ang mga pasaway na bata. I forgot everything about his physical appearance. He's like a stranger on the back of my mind. A stranger that came to life when my eyes met his on the first day of school.
"'Yan iyong crush ni Angela na taga Astra! Ang gwapo!"
"Talaga? Kaklase na natin siya ngayon?"
Nakita ko ang pag-aliwalas ng mukha ni Angela, ang pinakamaganda sa klase, nang makita niya kung sino ang pinag-uusapan ng aming kaklase.
"Atlas! Oh em geee! I thought you're joking when you said you're transferring here!" she looked so excited.
I thought the guy will only snicker dahil ganoon naman siya, suplado. Ngunit nagulat ako nang ngumisi siya, a smile that is brighter than the shining sun that day.
Is this really Atlas Greene?
BINABASA MO ANG
Loving Greene
Teen FictionNikola Adelaida Millarez is the awkward girl of Santa Catalina. Her shyness has caused people to ignore her and treat her like an invisible ghost. Although she is part of a well-known family, she never liked attention. She prefers sitting comfortabl...