Sa kalaliman ng gabi kasabay ang silip ng kakaunting liwanag sa buwan,mahimbing na natutulog si Paolo,labing-isang taong gulang at kaarawan niya bukas. Sa kanyang mahimbing na pagtulog ay nagkaroon ng imahinasyon sa kanyang munting isipan.
Paolo,happy birthday!Ito pala yung mga regalo namin sa’yo, sabi ng mga bata.
Ang pangit naman nito,dapat ko bang sabihing maganda? Pag-aalinlangang tanong niya.
Biglang nanlisik at ang iba’y lumuhang mga mata.Hindi makabasag ng pinggan ang katahimikan ng pagpalahaw nila sa dilim. Natakot ng husto si Paolo sa nangyari.
Uy,anong nagyayari sa inyo!Uy,sumagot kayo,bakit?paano?ano?ahhhhhh.
Paolo anak gising! Isang sigaw ang tumapos ng kanyang bangungot kasabay ang pawisang mukha. Buti na lamang ay nagising pa siya ng kanyang ina. Hindi niya talaga maintindihan ang panaginip niya,kakaiba. Naghanda na siya papuntang eskwela.
Paolo! sigaw ng kanyang ina ng muntik na siyang masagasaan sa pagtawid para makasakay. Happy Birthday anak! Bati nito ng lumingon ito sa kanya.
Ngayon niya lang naalala na kaarawan pala niya. Patuloy pa rin niyang iniisip ang kanyang panaginip. Sa totoo lang hindi niya talaga nakita ang mga regalo bigla na lang niyang nasabing hindi maganda. Pagpasok niya ng classroom ay agad siyang sinalubong ng mga bati’t kantahan. Sumunod ang mga nagbigay ng mga regalo.
Pao,di’ba mahilig ka sa mga isda? Nagdrawing ako para sa’yo,anang ni Ben.
Bumili naman ako ng laruang isda para sa’yo,singit ni Laila.
Pao,sana magustuhan mo ito, nagpaturo pa ako kay papa para maglilok, ilang buwan ko itong ginawa sa kaarawan mo,masayang sabi ni Juan,Happy Birthday bestfriend!,dugtong nito.
Mahilig talaga siya ng mangolekta ng mga isda.Pangarap niyang mapuno ang kanyang kwarto ng napakarami nito.Pero napakasensitibo niya rin pagdating dito.Gusto niyang perpekto at makulay. Kaya yung mga ibinibigay sa kanya at kung sa unang tingin pa lang niya’y hindi maganda,tinatago na lang niya sa isang kahon. Hindi kaagad nakasagot si Paolo. Nag-aalinlangan siya’t nag-iisip. Napangangang naghihintay ng sagot ang mga nagbigay ng regalo. Bigla na lang niyang sinabi sa matigas na tinig at mukha,
Ang pangit.
Nabigla at napalunok ang mga kaibigan at kaklase niya. Ang ibang magbibigay ay umatras na. Si Laila ay tumakbo’t umiyak na.Naasar si Ben ngunit hindi binawi ang regalo.Si Juan nama’y naawa.
Hanggang ngayon,hindi pa rin bukas ang isip mo sa mga bagay lalo na sa mga isda.Matuto ka sanang isapuso muna ito bago mo ibasura ma lang,tsaka umalis at naupo na si Juan.
Tinaas niya ang kanyang salamin na bumaba sa tensyon. Matigas pa rin ang kanyang mukha pero nahimasmasan siya sa sinabi ni Juan.Naubos ang oras ng hindi man lang nagpapansinan ang mga ito.
Siguro hinihintay nila akong magsorry,asa,sarkastikong sabi ni Paolo sa sarili.Nagsasabi ako ng totoo kaya bakit ako hihingi ng tawad,dugtong niya.
BINABASA MO ANG
Si Paolo sa Nakakahong Paraiso
FantasyMy lost entry for forbes writing contest. It did not won. Pero gusto kong ibahagi ang paglalakbay ni paolo :),I hope you like it :))