Umuwi ito ng nagmamatigas. Pagkapasok ng kanyang kwarto’y nilagay na niya kaagad sa kahon ang mga regalo.Itinulog na lang niya ang lahat ng mga nangyari. Sa gabing nagkakaluskusan ang mga pusa’t daga. Sa dami ng mga bituin sa kalangita’y nagkaroon nanaman ng mundo sa imahinasyon ni Paolo.
Nasaan ako? tanong niya sa sarili.
Nanunuyot ang kanyang mga labi’t gustong uminom ng tubig.Bigla niyang nakita ang sapa at doon uminom. Noon niya nakita ang kagandahan nito at naakit siyang lumusong dito. Hindi niya napansin na sa bawat paglakad niya’y nag-iiba ang kulay ng paligid,tubig at maski siya’y nag-iiba rin ng kulay. Bigla siyang napahinto sa mabilis na kislot ng tubig sa ibaba. Doo’y nakita niya ang isang isdang walang mata at kamay ang palikpik sa asul nitong kulay.Hindi siya natatakot ngunit hindi siya makagalaw.Nagpatuloy ito sa pagkislot na parang may tinatawag. Bigla niyang narinig ang tunog ng parang sirang makina.Lumalapit na pala sa kanya ang isa pang isda.Bigla niyang naigalaw ang sarili para makatingin dito. Ang isda ay may eroplanong pakpak sa magkabilang gilid dahilan kung bakit siya nakakalipad.Ibang saya ang dulo’t nitong mga isda sa kanya.Ang gaan ng kanyang pakiramdam sa kabila ng pajamas na nakalubog sa sapa. Ilang minuto ang lumipas, biglang bumagal ang lahat. Sa ihip ng malamig na hangin kasabay ng magical na melodiya’y unti-unting lumalapit ang pinakamalaking isdang nakita niya.Lalong gumaan ang lahat ng bagay. Hindi maipinta ang kanyang mukha sa katuwaan. Bahagya niyang ginalaw ang katawan paharap dito.Wala itong pakpak ngunit nakalutang sa hangin.At ang isa pang kinahanga niya rito’y kamukha niya ito! May katawang isda lamang.
Wow,ang galing!,bulalas ni Paolo habang unti-unti niyang hinahawakan ito sa mukha. Naramdaman niya ang malamig na dampi ng hangin sa kanyang mukha ng hawakan niya ito.Simula sa salamin sa mata,kulay at ang bilog ng mga mata’t mukha,aakalain mong kambal sila pero hindi sa baba.
Maaari ko bang malaman kung anong ginagawa ko dito? Tanong niyang nakangiti pa rin.
Ako ay ikaw,Ikaw ay ako.Lahat ng katanungan mo’y hindi mo masasagot dito.Hindi ito ang totoong mundo.Tanging ikaw ang makakakita’t makakadama ng lahat.Kung anong magiging resulta’y ganoon din ang mangyayari sa akin, sagot ng isdang kamukha ni Paolo.
Hindi ko maintindihan,naguguluhan ako,ano bang gusto niyong sabihin? Anang ni Paolo.
Mag-obserba ka sa bawat paligid.Ang mundo’y hindi isang malaking basura,ito’y mga bagay na kailangan mo lang isapuso kung ano ito,tugon ng isdang kamukha ni Paolo.
Pinagmasdan niya ang paligid.Patay ang kulay.Kulay bakal ang tubig samantalang siya’y tsokolate.Ang mga isda’y kulay bakal din at asul. At ang pinangambahan niya’y ,may nakatali ang mga ito ng dahon sa sapa.Para bang kahit napakagaan ng lahat ay may pumipigil sa mga ito.
Sandali,bakit kayo may mga tali? tanong niya sa mga ito.
Kailangan mo ng alamin sa totoong mundo.Salamat kaibigan sa pagdalaw mo rito.At sa ihip ng isang malakas na hangin ay nagising si Paolo.Ang mga natirang hangin ay napunta sa ilalim ng kanyang kama.
Napahinto siya saglit at tsaka nagdesisyong tignan kung bakit pumunta ito roon. Nakita niya ang kahon kung saan inilalagay niya ang mga ayaw niyang regalo. Kinuha niya ito’t binuksan.Nagulat siya sa nakita.Naroon ang mga isdang nakita niya sa panaginip niya! Iyong tatlo ay ang regalo ng kanyang mga kaibigan na nabalewala niya. Naiyak siya at nahiya sa sarili.Hindi niya kaagad nakita ang kagandahan ng mga ito lalo na ang nililok ni Juan na kamukha niyang isda.Nakita niya rin ang iba pa niyang ginawang drawing,pininta at laruan na tinago niya lang.
Hindi ko kaagad nakita ang kagandahan niyo,patawad.Hindi na sana ako naging matigas kung napahalagahan ko ang sarili kong gawa,paghingi ng tawad ni Paolo sa kanyang mga koleksyon.
Kinabukasan,nagpatulong siya sa kanyang ina na ikabit at ilagay ang kanyang mga gawa’t regalo. Binati siya ng kanyang ina dahil sa natatanging ganda nito.Humingi na rin siya ng tawad kila Laila,Ben at Juan.Natupad ang pangarap niyang magkaroon ng ganitong kagandang kwarto.
Bumaling siya sa tatlong natatanging isda sa kwarto niya,
Maraming salamat sa inyong tatlo.Kayo ang nagturo sa akin kung paano magpahalaga ng kahit mga simpleng bagay.Salamat,nagkaroon na ako ng natatanging paraiso.
BINABASA MO ANG
Si Paolo sa Nakakahong Paraiso
FantasyMy lost entry for forbes writing contest. It did not won. Pero gusto kong ibahagi ang paglalakbay ni paolo :),I hope you like it :))