SILVER ROOM

152 1 7
                                    

Eirryll's POV

Tinignan ko yung buong room namin. And as usual, pare-pareho pa din ang nakikita ko. Yung iba nagkwe-kwentuhan, nagba-basa ng mga kung anu-ano, nagta-takbuhan, nagla-laro, natu-tulog, at mawawala pa ba ang mga NAKATANGA?

Napabuntong hininga nalang ako. Ang boring ng buhay namin. Paulit-ulit nalang. Wala na bang maiiba sa buhay namin? Napa-tingin ako sa katabi 'kong salamin.

"Kamisama..." (panginoon) Pumikit ako at huminga ng malalim.

".. Make my life more exciting. Let me enjoy my life." Napa-ngiti ako.

"Psst." Ang ingay naman.

"Psst!" Iminulat ko ang kanan 'kong mata.

"Ano!?" Iritado 'kong tanong.

"Wag ka ngang maingay. May extra ka pa bang napkin?" Bulong niya.

"Wala. Dun sa iba ka humingi. Wag sakin."

"Okie~" Sabi niya sabay alis.

"Psst. May napkin ka ba Ash?" Rinig 'kong bulong ni Madz kay Ash.

"Ano ba namang klaseng tanong yan Madelene! Lalaki ako! Hindi ako nagna-napkin!" Sigaw ni Ash kay Madz.

Pfft-- kahit kailan talaga 'tong si Madelene. Narinig naming lahat yun kaya nagsitawanan naman yung buong klase. Nag pout si Madelene dahil sa nasabi ni Ash. Mukhang iiyak na siya kaya nilapitan siya nung kambal niya.

"Huwag ka ngang umiyak! Hala ka, baka mamaya dumating dito si Miss KJane tapos kunin ka. Ayaw pa naman nun sa mga umiiyak." Pananakot ni Olga kay Madelene.

Bigla namang tumahan si Madelene tapos ngumiti ng pilit. Natawa nalang ako. Kahit kailan talaga yang si bebe loves, napaka-iyakin.

Clouie's POV

Tinitignan ko lang silang lahat. Sobrang saya nila. Lagi nalang si Madelene ang binibigyang pansin nila. Hindi man lang kami napansin. Tinignan ko ang mga katabi ko. Sobrang sama ng tingin nila dun sa Madelene na yun. Palibhasa isip-bata ang gaga.

Oh, ako nga pala si Clouie. Isa lang naman ako sa hindi binibigyang pansin ng lahat. At ito ang mga kasamahan ko,

Alliah, conyo kung conyo ang style ng gaga.

Si Marie Claire naman, ginagaya si Madelene para lang mapansin. Pero wa-effect parin.

Yan namang si Krystel Joyce, iba ang kulay ng kabila niyang mata kaya natatakot ang mga tao sa kanya. Kaya ayun, hindi na siya pinapansin. Sanay na naman daw siyang mag-isa kaya pinabayaan nalang din namin.

Si Ash naman, bully kaya nilalayuan. Pero si Madelene na sikat dahil sa pagiging tanga niya, ka-close siya.

And we are, the INVISIBLES.

Maryjoy's POV

Tinignan ko ang mga katabi ko. Pare-pareho lang kaming nagtititigan. Aba' mahirap na, baka mamaya may dala palang mga baril 'to.

"Kayo..." Napatingin kami sa babaeng nasa harap namin.

"..Kayo ang mga itinakda." Pagpapatuloy niya.

"Huh?"

"Ano daw?"

"What do you mean~♪?" Sabay-sabay nilang tanong.

"Kayo ang magiging gabay nila...

... Sa kamatayan." Mariin akong napalunok. Seryoso ba siya?

Class 4-3     (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon