LOST FRIEND

39 1 0
                                    

Eirryll's POV (Stratus)

'Sino kaya gumawa no'n?'

Stop.

'Brutal yung pagkamatay nila grabe.'

Tama na!

'Ayaw ko na dito.'

"ANO BANG PROBLEMA NIYO HA!? OO NAMATAY NA SILA. KAYA PLEASE NAMAN, HUWAG NIYO NA PAGCHISMISAN!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ko. Nabaling agad ang atensyon nila saakin.

Tsaka ko lang na-realize na umiiyak na pala ako. Akala ko kaya ko. Akala ko kakayanin ko. Akala ko malakas na ako. Akala ko..

Akala ko lang pala..

Tumakbo ako papunta sa rooftop ng MB. Napaupo nalang ako sa pagod. Pagod na ang mata ko kaka-iyak. Pagod na ang puso ko kakahintay. Pagod na pagod na akong mag habol. Pagod na pagod...

Pero masasayang lang pala lahat. Lahat ng iniyakan ko. Lahat ng paghahabol ko. Lahat ng pag-asa ko. Lahat ng saya ko.

At nawala lang ito ng parang bula na pinutok lang ng kung sino. Nawala lahat.

Kasi nawala na siya. Nawala ang iniyakan ko. Nawala ang pinagpaguran ko. Nawala ang inasahan ko. Nawala ang hinahabol ko.

"Aeon..."

Napasubsob na lang ang mukha ko sa tuhod ko. Tsaka na nag-unahang tumulo ang mga luha ko, ang mga hinanakit ko.

*

Pag-lipas ng ilang minutong pag-iyak, ay naisipan ko ng tumayo. Gusto ko 'mang bumalik sa kanila, hindi pa pwede. Kaya't lumapit na lang ako sa harang ng rooftop.

Ang sarap ng simoy ng hangin. Nakatingin lang ako sa kawalan. Kailan kaya kami makaka-alis dito? Or, makaka-alis pa ba kami dito?

Wait- parang pamilyar ata yung mukha nun?

Napalapit pa lalo ako dun sa harang. Yung tipong mukhang magpapa-laglag na ako.

Pero pamilyar kasi yung mukha eh. Pero, bakit naman mapupunta sa gubat yun? Kasi alam naman naming lahat na bawal dun eh.

Like, duh. Gubat nga diba? Malamang may mga wild animals. Ewan ko kung bakit pero tinuon ko yung atensyon ko doon sa babaeng pamilyar yung mukha habang umaakyat ng puno.

473 meters away from here, I can see her face clearly.

Oo, na-shocked din ako. Pero mas natakot ako sa masama niyang tingin saakin.. Or not.. Kasi hindi naman siya nakatingin saakin eh.

Wait- O.M.G! Don't tell me itutuloy niya yang balak niya!? Y-yung bow and arrows niya kasi naka-tutok saakin!

Then she released it. Suddenly, my adrenaline rush took over my body. Bigla nalang ako umupo at tinakpan ang ulo ko gamit ang mga braso ko.

"AAW!" Rinig 'kong sigaw ng isang nilalang sa likod ko. Kaya bigla akong napa-lingon.

Si MC, nasa likod ko habang may hawak na pistol. Agad naman niya nabitawan yun dahil sakanya tumama yung arrow ni.. ni..

.. Ni Clouie.. Oo, si Clouie yung nakita ko kanina. At siya din ang may ari ng panang ito.

"You bitch! D-dapat ikaw ang may t-tama dito eh.." Nanghihinang sabi niya habang naka-hawak sa tiyan niya na puro dugo na.

Class 4-3     (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon