This Annoying Girl 20

33.9K 516 85
                                    

KATH'S POV

Monday nanaman at papasok na kaming tatlo nila Juls and Miles.



As usual, dumiretso kami sa fountain. At nandun na rin si Albie. Dating gawi noong grade 6.



"Kath! Lika dito may sasabihin ako." Tawag sakin ni Albie kaya lumapit agad ako.



"Baket?" Sabi ko at umupo sa tabi niya.



"Ano plano mo? Gusto mo ba ilakad kita dun sa Daniel? Gusto mo sabihin ko na idate ka niya?" Sunod sunod na sabi ni Albie.



"Woah woah. Teka lang ah. Ako na. Kaya ko na. Ako na gagawa ng move para magustuhan niya ako." Sabi ko.



"Sigurado ka? Ayaw mo ng tulong?"



"Salamat sa tulong pero keri ko 'to!" Sabi ko.



"Albie?! Seryoso ka? Tutulungan mo si Kath para mapansin ni Daniel? Eh kami nga ni Miles pinipigilan na siya kasi lagi yan umiiyak dahil sa sakit!" Sabi ni Juls at umupo sa tabi ko. Nagulat si Albie.



"Ha? Umiiyak siya? Bakit naman?" Takang tanong niya.



"Malamang nasasaktan siya kapag hindi siya napapansin ni Daniel. Lagi nga namin pinapaalala sakanya na huwag masyadong mahulog kasi masasaktan lang siya. Pero ang kulit talaga eh! Napaka-martyr! Jusme!" Sabi ni Juls na nagpaparinig sakin.



"Oo nga, Albie. Nasasaktan rin naman kami para kay Kath. Ayaw namin siya nakikita na nasasaktan." Aba't sumang-ayon pa si Miles. Sige pagtulungan niyo ko.



"Kath, alam mo? Di na maganda yang ginagawa mo. Nagbubuwis buhay ka na para sa taong mahal mo eh hindi ka naman mahal. Oo, masakit to marinig pero ito yung katotohanan. Sana naman magtira ka pa ng pagmamahal para sa sarili mo. Tsaka bakit ba kay Daniel ka nahulog? Take note pa, alam niya na mahal mo siya pero wala siyang paki sa nararamdaman mo? Di ata maganda yan ah." Daming sinabi ni Albie. Ano to nagp'preach?



Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Miles. "Nako Albie, ilang beses na namin yan nasabi kay Kath. Di eksaktong ganun yung mga salita pero pareho ng meaning, di parin sumusunod si Kath.."



"Ano bang magagawa ko? Ganun talaga pag nagmamahal eh.." Yun lang nasabi ko.



"Kath, bakit kasi si Daniel pa?" Tanong sakin ni Juls.



"Sa totoo lang, di ko alam, Juls.." Sumandal ako sa balikat ni Juls.



"Huwag ka magpakamartyr, Kath. Baka nakakalimutan mo na normal kang tao at sana mahalin mo sarili mo.." Sabi ni Albie at pinat yung balikat ko.



*****

Tahimik lang kami nang biglang nagsalita si Albie.



"Kath, can I call you 'K.C' again?"



"Yes." Sabi ko at ngumiti.



"Julia, what about you? Can I still call you 'Mara'?" Tumango naman si Juls. 'Mara Hautea Schnittka' is Julia's real name.



"Ikaw Miles, puwede pa ba kitang tawaging 'Camille'?" Tumango si Miles at ngumiti. Her real name is 'Camille Ocampo'.



Albie used to call us by unique names. Pero kami, ang tawag lang namin sakanya 'Albie'. Alangan namang 'Alan' or 'Benedict' yung itawag namin sakanya, super funny naman kung ganon.



"Kumusta naman lovelife niyo? Bukod kay KC na nagpapaka-martyr sa isang lalaki." Tanong ni Albie sa dalawa.



"Ako, friends lang kami." Si Juls ang unang sumagot.



"Ako ganun din, friends." Sabi ni Miles.



"Asuuuuus, if i know gusto niyo na maging ka-on yung boylet niyo. Hahaha." Sabi ko.



"Ano ba, Baks! Ako ayoko pa magka-boyfriend. Sabagal lang eh." Sabi ni Juls. Nagmake-face naman ako na sinasabing 'weh', nakatanggap ako ng mahina na palo mula kay Juls.



"Ako, hindi naman sa ayaw. Pero parang di pa ko ready, ganun." Sabi ni Miles.



"Ah ganon ba? Kung isa man sainyong tatlo ang magka-lovelife, ingat lang ha? Mahirap na pag mas minahal mo yung lalaki kesa sa sarili mo.." Sabi ni Albie.



"...Pinariringgan mo ba ko ha?" Mataray kong sabi. Natawa yung dalawa.



"Hmm. Sabihin nalang nating medyo? Hehe." Sinamaan ko siya ng tingin. Edi ako na martyr!



"Oo na tanggap ko na! Wag niyo nalang ipamukha!" Tas tumawa nalang sila.



"Oo nga pala, Albie. Dito ka ba magaaral sa school? Eh malapit na kaya magend yung school year." Sabi ni Miles. Oo nga 'no? Malapit na magend.



"Naayos na last week yung papers ko sa pagtransfer. Pareho lang naman ng lesson ang tinuturo dito sa school na pinagaralan ko sa US eh.."



"Ah, buti naman kung ganon. So ano section mo?" Si Juls naman ang nagtanong.



"IV - 2 daw." Oy kaklase namin siya! Yay!



"Saktooo! Magkaklase tayo!" Masyang sabi ni Juls. Ako naman ngumiti lang.



May kulang kasi eh. Si Dj. Nasaan ba siya? Ayun sila Khalil at Diego sa kabilang gilid ng fountain eh. Bat wala pa siya?



"Oh ba't parang di ka masaya, Baks?" Sabi sakin ni Juls.



"Masaya ako 'no!" Sabi ko.



"Masaya ka nga na magkaklase tayo pero.. Mukhang may iba kang problema ah." Sabi ni Albie.



"W-wala 'no! Tara na nga sa classroom 8:20 na oh. Konting minuto nalang mags'start na yung klase." Tumayo na ko at naglakad paalis pero pinigilan ako ni Albie.



"Teka lang naman! Meron kang kinalulungkutan eh! Ano ba yun? Sabihin mo samin!"



"Kasi nga si Dj!! Wala pa siya!" Sabi ko nang may malungkot na tono sa boses.



"Ohh. Malay mo late lang yun! 'To naman! Daniel nanaman?! Jusme tara na sa classroom!" Sabi ni Juls at naglakad na nga kami papunta sa classroom.



Dj! Nasaan ka? Hindi kumpleto araw ko nang hindi ka man lang nakikita!





:(





Nakarating na kami sa classroom. Dumiretso ako sa upuan ko at nagheads-down. Wala si Dj eh. Edi wala din akong mapagdidiskitahan or kukulitin.



Narinig kong pinapakilala na nila Juls si Albie sa mga kaklase ko, nangingibabaw kasi boses ni Juls eh! Hahaha.



"Huy. Problema mo?" Tinaas ko naman ulo ko. Kinausap kasi ako ni Khalil. Nasa harap ko siya diba?



Tinignan ko yung upuan na nasa left side niya.. Walang tao. Wala si Dj.



"Hoy!" Natauhan naman ako kasi sumigaw si Khal. Naalala ko may kausap pala ako. Hehe sorry.



"Ay sorry sorry. Wala! Wala akong problema 'no. Hahaha." Tumawa ako nang peke. Sana di niya mahalata.



"Weh. Halatang peke tawa mo! Kala mo ah. Di ka makakaaingit sakin!" Ginulo niya ng bahagya ang buhok ko.



"Ehhh naman kasi eh!"



"So, ano nga? Puwede kang magshare ng problema sakin."



"Bakit wala si Dj?" Nakita ko na nagbago yung ekspresyon ng mukha niya. Bakit?



"S-si Dj? A-ano. Di nga namin alam kung n-nasaan eh." Sabi ni Khalil.



"Ah okay. Sana pumasok siya.." Sabi ko.



"O-oo nga eh! Pero Kath, hanggang ngayon ba? S-siya parin ba?" Tanong ni Khalil.



"Oo, Khal. Siya parin eh." Sabi ko. Tumingin ako sa orasan ko. 5 minutes nalang magsisimula na ang klase, wala pa si Dj.



"Kelan ka susuko?"



"Hindi ko alam.." Umiling iling ako. Hindi pa ako susuko.



"Kath, tatandaan mo ha? Nandito ako para saluhin ka.." At nginitian niya ako.



"Salamat at nandiyan ka palagi.." Sabi ko naman at sinuklian siya ng matamis na ngiti.



"Lagi naman, Kath. Lagi.." Sabi niya at tumalikod na dahil nandyan na ang Professor namin.



Nagsimula na ang klase. Tinignan ko yung upuan ni Dj, vacant yung seat. Wala siya :(



Wala akong inspirasyon.



OA na kung OA pero ganun eh. Sorry ha?





*****

Buong period nakatulala lang ako. Nasaan si Dj? Oo na sabihin niyong obsessed ako sakanya! Pero nagtataka talaga ako kung bat wala siya. Bakit absent?





Wala akong gana gumalaw ngayon. Parang nakakatamad gawin lahat ng bagay. Gusto ko umuwi. Recess time naman at uuwi na ko. Ayoko na talaga nakakatamad gumalaw pag wala si Dj. Siya kasi yung lakas ko well, kalahati lang naman.





Nandito kami sa cafeteria kasalukuyang kumakain ng snacks at ako nakatulala lang. Kasama namin sila Diego and Khalil. Alam narin nila na may past kami. Nagkasundo na yung mga boys. Pero mas masaya kung nandito si Dj.



"Guys, uwi na ko." Napatigil sila sa mga ginagawa nila at napatingin sakin.



"Ano?!" Si Juls.



"Oo uwi na ko. Sumakit kasi ulo ko eh." Please sana gumana palusot ko.



"Sige kita nalang tayo sa bahay. Inom ka ng gamot ha." Yes! Gumana!



"Sige. Bye guys." At umalis na ko.







JULIA'S POV

Di naman ako naniniwala na masakit ulo ni Kath. Hahaha. Ano ako shunga? Malungkot lang yun kasi wala si Daniel.



Naiinis na ako ng sobra kay Daniel! Di man lang ba niya pakiramdaman si Kath? Grabe! Alam niya na mahal siya ni Kath pero ano? Wala siyang paki sa nararamdaman ni Kath.



Alam ko na sa ganitong sitwasyon sinosoportahan ko ang best friend ko. Dati naman sinoportahan ko siya ah. Pero nung nalaman kong gabi gabi siya umiiyak nang dahil sa sakit, di ko na siya sinoportahan dahil nasasaktan na siya at ayoko ng ganun.



Sinusubukan kong huwag na masaktan si Kath pero siya mismo ang gumagawa ng galaw para masaktan siya.



Hay Kath magingat ka nalang..







NARRATION :

Pumunta si Kath sa park at umupo sa damuhan. Tila, malungkot siya dahil hindi niya nakita ang kanyang mahal na si Dj.



Naramdaman ni Kath na may tubig na nanggaling mula sa mata niya. Umiiyak siya dahil nahihirapan na siya. Kelan darating ang panahon na mamahalin siya ni Dj pabalik?



Gustong gusto niya mangyari yon pero sabi niya napakaimposible pero, kalahati rin ng isip niya sinasabing puwede siya mahalin ni Dj.



Pinunas niya ang mga luha. OA na daw masyado ang mga ginagawa niya.



Gusto niya makita si Dj para kahit papaano may lakas siya. Para rin sumaya siya. Kahit makita lang ni Kath si Dj ay magiging masaya na siya.



'Ano naman kaya ang nangyari kay Dj.'



Tanong ni Kath sa isip niya. Wala talaga siyang ideya kung bakit ito nagabsent sa klase. Naisipan naman niyang itext ito baka sakaling maganahan siya.



•TO : Dj <3 •

•Dj! Nasaan ka? Ba't ka absent?•





Naghintay si Kath ng tatlong minuto pero wala paring reply. Nanlulumo siya.



Sampung minuto.. wala parin.



Napagdesisyunan na niya umuwi dahil napansin niyang medyo kumulimlim at baka umulan.





*******

Pagkauwi ni Kath, tinignan niya ang iphone niya. Wala talagang reply si Dj. Nalungkot nanaman siya at dumiretso sa kwarto niya.



Pabagsak na humiga at natulog na.







S O M E O N E 's P O V



Alam kong mali tong ginagawa ko. Pero di ko mapigilan. I'm sorry, Kath.



May kasama ako ngayon at naguusap kami.



"There's this girl, Sobrang kulit nya, at ayaw na ayaw nya ako tigilan. Ewan ko ba kung may sayad tong babaeng to 'o sadyang naka-drugs lang eh. Mahal nya daw ako? Tss! Di ako magkakagusto sa isang katulad nya na may sayad at mukhang nagd'drugs!" Sabi ko.



"Hey, alam mo? Mali tong ginagawa naten. Nakakasakit ka ng iba! And ayoko madamay ako sa pananakit ng feelings nung girl intentionally.." Sabi niya.



"Oo alam ko. Pero hindi naman mapipigilan ang nararamdaman diba? Please give me a chance." Pamimilit ko.



"I'll think about it. I don't want to hurt this girl kase eh. I know di natin sinasasya pero masasaktan siya. Give me time.. Okay?" Sabi niya.



"Okay okay."



"I have to go. Bye." At umalis na siya sa harap ko.





AIIISH! Sorry Kath! Mali to pero I'm sorry. Sana mapatawad mo ko pag nalaman mo to.



I'm so so so sorry.







****************

Oopps! Kilala niyo ba yung SOMEONE'S POV?



Halata ba or di niyo kilala? Well, may kasalanan kasi si SOMEONE eh kay Kath. So Abangan sa next chapters.



P L E A S E do comment your reactions P L E AS E :(



Comment for dedications.



C O M M E N T

V O T E

BE A FAN

PLEASE

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon