This Annoying Girl 17

34.4K 550 39
                                    

[Back to the Fountain scene]



DANIEL'S POV

Hindi ako nagkakamali. Etong lalaking to, ang EX niya.



Kapal ng mukha nito yumakap kay Kath ah!



"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ni Kath dun sa EX niya.. Na hindi ko kilala.



"KC, please. Pabayaan mo naman ako magexplain!" Sabi nung EX niya.



"Hah! Ano ako TANGA? Limang taon na nakalipas tas ngayon ka mageexplain kung kelan nakamove on na ako!" Sabi ni Kath habang tinatanggal niya yung kamay ng ex niya sa balikat niya.



Kami naman tahimik lang. Si Diego walang alam sa nangyayari.



"Sigurado ka, KC? Nakamove on ka na ba?" Sabi ni ilong. Ilong nalang tawag ko habang di ko pa alam yung pangalan hahah!



"Oo nakapag move on na ako.." Confident na sagot ni Kath. Si ilong naman parang nabuhusan ng malamig na tubig. Ano ka ngayon koya?



"Hindi! Hindi KC!" Tapos lumuhod siya sa harap ni Kath at niyakap yung tuhod.



"Ano ba Albie! Tama na tong kalokohan na to. Umalis ka na.." So Albie pala pangalan niya. Nanginginig boses ni Kath. Sigurado akong paiyak na siya. Pero bakit siya iiyak?



"Please, KC.." Naluha na din yung .. Albie daw pangalan.



"Not now, Albie. Maybe in another day. Just please huwag ngayon.." Sabi ni Kath at tinayo yung Albie.



"Okay. I'll wait for the right time." Sabi nung Albie. Pero bago siya umalis niyakap niya nang matagal si Kath. Tas nakita ko na bumulong siya ng "I love you so much" sa tenga ni Kath. At tuluyan na siya umalis nang may luha sa mata.



Si Kath naman naiyak din tas niyakap nila Julia at Miles. Si Diego naman wala talagang alam sa nangyayari.



Ako tinignan ko lang si Kath.



May naisip ako. Hinila ko siya at nagulat naman yung dalawang babae na sila Julia at Miles.



"U-uy Dj!"



San ko siya dadalhin? Sa lugar kung san tahimik. Kung san pwede ilabas mga problema niya... Kasama ako.



Bilang kaibigan lang naman to eh. Wala nang hihigit pa.



"San ba tayo pupunta?" Tanong niya. Habang hila ko parin siya papunt sa kotse ko.



"Basta. Wag ka nang makulit diyan." Sabi ko. "Pasok na." At pumasok na siya sa kotse. Ako naman sa driver's seat.



Papasok na sana ako ng kotse nang biglang nagring yung phone ko.



Pagtingin ko, si Diegs.



"Hello, Diegs?"



||Si Julia to.|| sabi sa kabilang linya.



"Oh Julia, bakit?"



|| Anong bakit?! San mo dadalhin si Kath?|| medyo galit yung boses. Hala.



"A-ah ano. Basta!"



|| Anong basta? Ano ba Daniel!|| hala galit na.



"Okay okay. Dadalhin ko siya sa park----||sa park?! Daniel loko loko ka ba?! Madaling araw na tapos ngayon ka mamamasyal?! Pwede namang bukas!|| sigaw ni Julia.



"Teka lang! Di pa ko tapos diba? So dadalhin ko nga siya sa park kasi kailangan niyang huminga mula sa mga problema niya, okay?"



|| Ikaw kasama?! Hah. Eh isa ka na nga sa mga problema niya eh. Diba nasasaktan mo na nga kaibigan ko kahit wala kang ginagawa?||



"Julia naman. Sabihin na nating isa ako dun pero iba problema niya ngayon eh.."



||Isa ka dun.. Problema ka niya ngayon..|| hay nako naman talaga.



"Julia naman.."



|| Hay nako! Bahala ka. Basta ingatan mo yan.|| masungit niyang sabi.



"Oo iingatan ko.."



|| Mga anong oras mo siya ihahatid sa bahay nila?|| Ay biglang si Miles na yung kausap ko.



"Uhm baka bukas na. Hehe."



|| ANO?! BUKAS? || hala si Julia ulit. Ang gulo nito ah. Baka naka-speaker.



"Alangan naman madaling araw ako manggugulo tas magagalit ka nanaman sakin! Tsaka wala namang pasok bukas eh"



|| Jusko Daniel masasapak na kita eh! Sige na basta ingatan mo siya at HUWAG mo PAIYAKIN|| diniinan niya yung 'huwag' at 'paiyakin'.



"Oo na.."



Tas binagsak niya yung telepono. Shet sakit sa tenga.



Pumasok na ko sa kotse tas tulog si Kath. Ang bilis naman. Baka pagod.



Stinart ko na yung kotse tas nagulat ako kase bigla siyang nagsalita. Napatalon pa nga eh.



"Dj, san tayo pupunta?" GRABE NAGULAT AKO JUSKO.



"Ano ba yan Kath! Kala ko tulog ka na. Grabe muntik na ko mamatay!" Natawa naman siya.



"Hahaha. Nakapikit lang eh. Hahaha. So ano nga? San mo ko dadalhin?" Tas kunwari nagpunas ng luha sa sobrang tawa.



"Sa park.." Tas nagdrive na ko.



"Okay. Pero bakit?" Tas tinatanggal niya yung sapatos niya.



"Ah wala lang. Baka gusto mong takasan yang mga problema mo.. kahit kasama ako sa mga dahilan.."



"Gustong gusto kong takasan kahit isang araw lang. Mabuhay ako ng walang problema." Sabi niya nang may malungkot na tono.



"Kaya eto na nga papunta na tayo sa park diba. Hahaha"



"Kulit mo Hahaha." Sumigla ulit boses niya.



Nakarating na kami sa park.



Umupo agad siya sa grass kahit naka-tutu dress pa siya. Walang arte.



Sumandal siya sa puno at pinikit yung mata at dineretso yung paa niya. Yung sapatos niya nasa tabi niya, hindi niya suot.



Ako naman tinabihan ko siya. Pinabayaan ko muna siya maging ganyan. Kailangan niya din magrelax.



***

Matagal siyang ganun nakapikit lang. Napansin ko naman na nilalamig na siya kaya tinanggal ko yung tuxedo ko kasi may polo naman sa loob, at pinatong sa balikat niya.



Kaya napamulat siya at tinignan yung tuxedo.



"Salamat.." Ngumiti siya at pumikit na uli.



"AHHHHHHHHHH!" sumigaw si Kath. Pero nakapikit parin siya.



Tinignan ko lang siya nang matagal. Ano ba maitutulong ko?



Hinawakan ko nalang kamay niya. Nung hinawakan ko hinawakan niya din, sobrang diin pero di masakit.



"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Sabi niya tas pinagpapalo yung grass gamit yung isang kamay niya.



"Bakit siya bumalik! Bwisit! Tahimik na buhay ko!" Pinalo niya uli yung grass tas binuka na yung mata niya.



"Tama na yan uy." Pinipigilan ko siya paluin at yun, tumigil naman kaso, nanginginig siya nung hinawakan ko yung dalawa niyang kamay.



Wala na kong maisip gawin kaya niyakap ko nalang siya.



"Kalma ka na.." Bumitaw na ko sa yakap. Pero nakasandak siya sa dibdib ko. Pakiramdam ko umiiyak na siya.



"Bwisit yang Albie na yan! Ano na gagawin ko?" Pero alam ko di lang yun yung iniiyakan niya.



"Huwag mo nalang pansinin yun. Naninira lang ng buhay yun." Sabi ko.



"Pero hindi niya ako lulubayan hangga't hindi ko siya ipage'explain!"



"Sa totoo lang, hindi ko din alam, Kath.." Sabi ko.



"Bahala na nga.." Inalis na niya yung ulo niya sa dibdib ko at pinunas yung luha sa mukha niya.



Huminga siya nang malalim at tumayo na, kaya napatayo rin ako.



"Uy Kath, ayaw mo na sa park?"



"Pagod na rin kasi ako e. Dj, pwede mo ba ko ihatid samin?"



"Bukas ka nalang umuwi, wala namang pasok diba. Madaling araw na rin kasi.. Oks lang?"



"Ha. E san ako tutuloy? Wala akong pamalit.."



"Sa condo ko. Diba may damit dun ni Magui.."



"Oo nga pala, mas malaki pa sakin si Magui. Hahahaha." Sabi niya.



Naglakad na kami papunta sa kotse.





***

Buong byahe, tulog na tulog si Kath.



"Kath, giaing na. Matulog ka nalang dun sa condo." Pinoke ko yung tagiliran niya nang maraming beses.



"Uhh." Nagunat pa siya. "Ay. Tara na grabe sobrang inaantok na ko." At bigla siyang bumaba ng kotse.



Nakarating na kami sa unit ko. Pumasok naman ako sa kwarto at kinuha yung damit na ipapahiram ko kay Kath.



"Kath, eto oh. Bihis ka na tas dumiretso ka na matulog. Dun nalang ako sa sofa." Sabi ko at binigay yung damit.



"Salamat. Ha? Ako nalang sa sofa! Nakakahiya e."



"Diiiii. Ako sa sofa, ikaw sa kama. Period. Wala nang pero pero. Okay? O bihis na!" At pinagtutulak ko siya papasok ng kwarto di naman gaano kalakas.



***

After 5 mins natapos na si Kath.



"Dj, tapos na ko. Ikaw na magbihis. Tulog na ko ha? Sobrang pagod ako e. Goodnight! Salamat uli at Happy Valentine's Day!" Sabi niya at lumipad na sa kama. Oo, lumipad talaga. Sobrang pagod e. Di man lang ako pagsalitain.



"Goodnight, Kath. Happy Valentine's Day rin.." Sabi ko at kinuha na yung damit ko na pangbahay.



Pagtapos ko magbihis, pinuntahan ko si Kath.



"I'm always here for you.." Sabi ko. Di ko alam kung bakit ko sinabi yun. Bigla ko naman hinalikan sa noo pagkasabi ko nun.



Bakit ko to ginagawa?







****************

Sorry dahil nagiging boring na yung mga updates ko.



Exited na ko sa Must Be Love! :)





ComVo? :(

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon