1

9 1 0
                                    

TRIGGERED WARNING: READ AT YOUR OWN RISK!

Chin Villareal

Isang sipa pa ang natanggap ko sa isang babae at tuluyan na akong natumba sa sahig.

"Tita tama na po." Nagmamakaawa akong timumingin sa kanya pero tiningnan niya ako ng masama, galit na galit ito habang nasa likod niya yung pinsan kong babae na umiiyak rin ito. Pinipilit niyang patigilin si Tita pero masyadong malakas si Tita kumpara sa aming dalawa ni Jerrica.

Nagulat ako ng kunin niya yung walis tampo kaya mabilis akong sumiksik sa gilid para hindi masyado akong masaktan pero nahuli niya yung buhok ko dahilan mapa sigaw ako sa sakit.

Narinig ko na lang ang sigaw ni Tita sa akin habang pinapalo niya ako sa paa, braso o kung saan pa sa aking katawan tumatama ang walis tambo.

Nanginginig na si Tita sa galit ng bitawan niya yong walis tambo, mabilis niya akong sinakal.

Hindi ko na alam ang gagawin, ayaw ko pang mamatay. Pero iyak lang ang nagawa ko ng sinasakal niya ako.

"Wala ka talagang k'wenta Chin!" Sigaw niyang sa aking mukha. "Nagmana ka talaga sa magulang mong tarantado!"

Masakit ang katawan kong umiiyak sa gilid hindi ko na nagawang gamotin ang aking sarili dahil wala namang gamit dito sa k'warto ko. Hindi ko ma-igalaw ng husto ang paa ko dahil napapadaing lamang ako tuwing pinipilit ko itong igalaw.

Nagulat ako nang bumukas ang pinto kaya nagsumiksik ako sa gilid at hinarang sa katawan ko yung unan kong madumi na.

"Chin wag kang m-matakot sa akin. Ito pagkain dali baka makita ni mama. Tska kumuha rin ako ng maliliit na yelo sa ref." Dali-dali siyang lumapit sa akin kaya mabilis akong kumilos at nilantakan ang pagkain habang patuloy pa ring tumutulo ang aking luha.

"Chin hindi ko na kayang nakikita kang sinasaktan ni mama. Mahal ko si mama pero hindi p'wedeng i-tolerate ko yung pananakit niya sayo. Tumakas ka na rito." Bulong niya sa akin habang ginagamotan niya ang aking mga sugat na natamo. "Hindi ko na kayang lunukin 'to... Bukas tumakas ka na."

Napa-iling ako ng mabilis sa kanya. "Jerry kung tatakas ako wala akong matitirahan. Ang bata ko pa para humanap ng trabaho hindi ako matatanggap." Mas mahina kong sabi para di kami marinig ni Tita Monica.

Kapatid ni Tatay ang asawa ni Tita Monica na si Tito Erwin. Pero patay na ito dahil sa isang aksidente at kasama niyang na-aksidente ang nanay at tatay ko kaya sa akin sinisi ni Tita Monica ang lahat. Noong una ay maganda naman ang trato niya sa akin.

Anim na taong gulang palang ako ay don na ako naging batang ulila at kinukop naman ako ni Tita Monica at noong pitong taon na ako ay doon na niya ako sinasaktan at pinagsasalitaan ng nga masasakit na salita na kahit kailan man ay hindi ko naranasan sa kamay ng magulang ko.

Lagi akong nanalangin sa d'yos na sana ay may oras na matahimik na ang aking katawan sa pananakit sa akin ni Tita. Na sana ay mapatawad niya ang aking mga magulang na wala ng malay sa mundo.

"Chin naman e, gusto mo bang lagi kang sinasaktan? Hindi ka nga pinapakain ni mama at buti na lang ay nandito." Bulong niya at niligyan ng bandage ang braso ko dahil dumudugo iyon. Mahina akong napadaing kaya hinipan niya yon at humingi ng tawad.

"S-Salamat Jerry ah, oh siya matulog kana baka makita ka pa dito ni Tita." Sabi ko.

Malungkot ang kanyang matang tumingin sa akin at tumango. Kinuha niya yung plato at baso na walang laman.

"Gigisingin kita bukas insan ah, mag-impake kana." Aniya at lumabas na sa aking silid.

Umiiyak akong tumango kahit na alam kong hindi niya makikita. Pinunasan ko ang luha kong patuloy pa ring tumutulo sa aking pisnge.

Mabilis akong kumilos. Kinuha ko ang bag kong bigay sa akin ni Jerry noong sampong taong gulang pa lang ako at nilagay ang mga damit kong pwede kong dalhin pati ang mga litrato namin nina nanay at tatay bago natulog.

Nagising ako ng may bumubulong sa akin habang niyuyugyog ako.

"Chin gising na, hali kana habang tulog pa si Mama sa k'warto. Dalii..."

Bumungad sa akin si Jerrica na di mapakali sa aking gilid, kahit na inaantok ako ay bumangon ako at tinatamad na kinuha yung bag ko.

Binuksan ni Jerrica yung pinto at tumingin sa kaliwa't kanan bago siya lumapit sa akin.

Tumango siya sa akin. "Tulog pa si mama, ito tanggapin mo ito." Nilahad niya sa akin ang isang daan. Tinanggap ko iyon. "Mag-iingat ka insan ah? Huwag mo ako kalimutan." Tumatango ako sa kanya nang tumulo ang luha ko. Pinunasan niya 'ton.

Nagyakapan kami at kahit na mabigat ang loob ko ay tumakbo na ako papuntang syudad.

Sampong taon akong naninirahan kay Tita, ako lagi ang pinagbubuntongan niya sa galit. Na kahit ganon man ang trato niya sa akin ay may utang na loob pa rin ako sa kanila. Pinapakain, pinatira nila ako sa bahay nila at pinalaki, pero hindi maayos.

Tinignan ang braso ko habang tumatawid sa malaking kalsada. Maputu ako kaya kitang-kita ang nga pasa kong namumula pa rin.

Sa sobrang busy ko ay hindi ko na namamalayang papalapit ang isang kotse.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at di makagalaw nang tuluyang makalapit ang kotse.

Tumulo ang luha ko, ang komplikado naman ng buhay ko dito. Kailan kaya ito tuluyang matatapos? Gusto ko pang mabuhay at e-enjoy ang buhay ko dito sa mundo pero parang dito na ata magtatapos ang buhay ko.

Narandaman ko na lang ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa tila ba ay namamanhid na ang buong katawan ko.

Bago pa man ako mawalan ng malay ay narinig ko ang sigaw ng isang babae.

- imnot3nough

In The Arms Of Mr Barcelona (Touch me series 2)Where stories live. Discover now