3

3 1 0
                                    

Chin Villareal

Naalimpungat ako nang maramdaman kong sumakit ang braso ko.

"Aray..." Daing ko ng planohin kong itungkod pa ang kamay ko sa hinihigaan ko dahil gusto kong bumangon.

Nang marinig kong bumukas ang pintuan at napalingon ang mata ko sa isang ginang. Lumapit siya sa akin habang may nag-alalang tingin.

"Kamusta kan? May masakit ba sayo? Sabihin mo sa akin pagpasensyahan mo ako bata."

Hindi ko siya sinagot bagkus ay tumingin ako sa paligid dahil nanibago ako sa lugar na ito. Amoy gamot.

"Nasa hospital ka."

Napatitig ako sa babaeng sumagot sa akin, mukha naman siyang mabait kaso di ko siya kilala kaya bakit ko naman siya kakausapin.

"Ah." Daing ko ng hawakan niya ang braso ko at mabilis niyang nabitawan.

"I'm sorry" tinanguhan ko siya.

Humawak ako sa t'yan ko ng maramdaman kong nagugutom ito at naghihingi ng pagkain kaso wala akong lakas para bumili. Tumingin ako sa babaeng tumikhim.

Bigla siyang lumayo sa akin at may kinuha siyang paper bag sa mesa.

"Ito bumili ako ng pagkain, kumain kana di ka pa kumakain simula no'ng masagasahan ka ng driver ko. Patawarin mo kami." Tinanggap ko naman ang ibinigay niyang paper bag at nagpasalamat.

Tinulungan niya akong buksan ito at nagtangka pang susubuan ako pero pinigilan ko siya. Hindi naman ako lumpo eh masakit lang talaga ang kamay ko pero bearable naman ito.

Ilang oras ay may pumasok na babaeng naka puti, ngumiti ito sa akin bago siya lumapit sa hinihigaan ko.

"Puwede na pong umuwi ang bata Miss Mcphine. Masakit pa rin ang isang braso dahil sa pagkabangga niya at siguro dahil rin sa mga bruises niya ay napilay niya ang braso niya. But it takes a month bago mawala ang sakit." Sabi ng doctor pagkatapos niyang tignan ang condition ko. Mapa braso man hanggang paa hindi niya rin pinalagpas ang mga pasa ko sa kamay ko kaya sigurado akong nagtataka ito.

"How come na may ganito siyang sugat? I mean sobrang dami dahil rin ba sa pagkabangga sa kanya ng driver ko?" Sinisipat ng kaninang kasama kong gonang ang braso dahilan ng pagkalunok kom

Tama siya, hindi naman dapat ganito ang matatamo ko kung mababangga ako.

Bumuntong hininga doctora at tinignan niya ang papel na hawak niya.

"I think you can talk to her, I'll go now may pasyente pa po ako. Excuse me."

Nang makalabas ang doctor ay nanatiling nakatingin sa akin ang ginang na para bang may gustong sasabihin. Bubuka sana ang bibig nita nang unahan ko siya

"Galing po sa dati kong tinitirahan itong nga pasa ko po." This time, I felt that I'm going to cry, namumuo ang luha ko sa gilid ng mata. "Lumayas po ako ngayon sa bahay niya para po hindi niya ako saktan."

Hindi ko napigilan ang pagpikit kaya naman lumandas ang luha ko sa aking pisngi.

Ikinuwento ko lahat sa kanya ang nangyari sa akin kung bakit ako naglayas kina tita, naawa siya sa akin at inalo.

"Anong pangalan mo? Asan ang totoo mong magulang?"

Umiwas ako ng tinging. "Wala na po silang malay." Malumanay kong sagot.

Napasinghap siya at naghingi ng tawad.

"Anong pangalan mo bata?"

"Chin Villareal po."

"Gusto mo tumira sa akin?" Napalayo ako sa kanya ng sabihin niya yon.

Napaisip-isip ako kung papauag ba ako. Pero baka gawin nila akong katulong at saktan lang bigla. Ngumiti siya ay hinawakan ang kamay ko na para mang nababasa niya ang aking iniisip.

"Kung ano man iyang iniisip mo, nagkakamali ka. I have my two girls na pinapaaral ko ngayon. Kagaya mo rin ay hindi ko sila tunay na anak, o ka dugo man."

Hindi ako nagdadalawang isip na pumayag, inuwi niya nga ako sa bahay niya dito sa Maynila at binihisan, pinakain at binigyan ng nga gamit. Ipinagamot niya rin ang mga pasa ko sa braso at paa ko.

I was finally free, totally free sa mga nanakit sa akin. Kahit na minsan wala si Lola Bea sa kanyang bahay at wala akong kausap ay may television naman akong kinabibisihan.

Siya si Lola Beatrice, isa pala siyang C.E.O ng isang kompanya. Nakaka proud naman. Pero walang pamilya si Lola o kamag anak man, wala naman dawng kapatid ang kanyang mga magulang. Tapos tumanda ring walang asawa si Lola kaya ang ginagawa niya ay inaampon niya yung mga bata na ulila na.

Lagi aong naiiwan sa mga katulong niya na kagaya rin niya ay mabait, lagi nila ako inaalok ng pagkain na masustansiya.

Kaya naman masayang masaya ako at mas sumaya pa ako ng mat ibinalita sa akin si Lola.

"Inenroll na kita sa private school, kinuha ko na rin ang Card mo sa dati mong paaralan." Masayag balita sa akin ni Lola.

"Nakuha salamat po Lola Bea."

Ang konbersisyon namin ay punong puno na ng surpresa, pagmamahal at masayang balita.

Nasa sobrang saya ko ay lagi akong nae-excite gumising ng umaga lalo na bumubungad sa akin ang maganda kong k'warto na ibinigay sa akin ni Lola.

Sinabi pa niya na nasa baguio ang isa niyang inaalagaan, yung isa naman ay nag-aaral sa ibang bansa.

Kinuha ko ang litrato namin ni Nanay at Tatay na ngayon ay pina-frame ni Lola Bea dahil nakita niya ito nang tignan niya ang dati kong bag.

"Nay Tay, ang saya ko ngayon. Feeling ko ako ang pinaka masayang bata ngayon po. Naging maayos na rin ang balat ko Nay, bumalik na rin sa dati kong magandang kutis na noon ay inaalagaan mo. Hind na rin po ako sinasaktan ng nga tao, para akong prinsesa kong ituri nay ay itay. Mahal na mahal ko po kayo, sana masaya kayo sa akin ngayon dahil masaya po ako ngayon. S'yempre masaya kayo dahol maayos na ako ngayon." Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti ng matamis sa litrato namin. "Mag-aaral na po ako sa private school. Sana madaming mabait kagaya ni Lola Bea at sana may ka ugali roon si Jerry."

Kamusta na kaya si Insan sa bahay ni Tita? Siguro maayos naman 'yun, hindi naman yun sasaktan ni Tita dahil mahal na mahal niya ang pinsan kong si Jerrica.

Mabilis kong ipinatong sa table yung litrato at humiga sa kama. Ang lambot.

— imnot3nough

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In The Arms Of Mr Barcelona (Touch me series 2)Where stories live. Discover now