Chapter 1The Red Dress

65 7 5
                                    

Enjoy reading guys. Thanks for waiting. Turtle updates po ito. :)

Chapter 1 The Red Dress

"Araay!" Sigaw ni Amarah, BFF ko. May bumato kasi ng binilog na papel sa ulo niya na agad ko ding pinulot.

"Ang sakit ha! Ingat naman sa mga nagha-harutan diyan. Nakakasakit kayo." Sabi niya habang palinga-linga sa paligid niya, tinitignan kung sino yung nambato sakanya. E napakaraming students na kasabay namin naglalakad dito sa catwalk e. Hahaha.

Infernes, maganda yung papel na itinapon. Yung mabangong papel at may glitters? Alam niyo yon? Hahaha sorry, hindi ko alam yung tawag dun e. Color purple pa yung papel, may taste sa kulay. Inamoy amoy ko, ang bango!

"Muntanga ka diyan Onay. Amuy-amoyin daw ba yang papel. Tapon mo na yan, madumi yan." Sabi ni Amarah.

Nginitian ko lang siya. Haha. Malakas lang talaga ako maka-appreciate ng mga simple things.

Binuklat ko yung purple paper na kinusot.

Woooooow! Naka-drawing yung buong mukha ni Amarah sa papel. E kaso ba't naman nilukot? Para mabato kay Amarah? Sayang naman. Ang ganda ng pagkaka-drawing e, parang professional artist ang gumawa.

May little note pa sa ilalim. Goodmorning, pretty face. - Super Man

"Amarah tignan mo to dali!" Pinakita ko habang naglalakad kami. Anlake ng ngiti ko, kakatuwa kase.

Hindi narin nagulat si Amarah, kahit ako e. E pano, sanay na kami sa mga admirers ni Amarah. Lalo na kay a.k.a Super Man na hindi pa namin kilala in person.

Sobrang ganda kasi ng BFF ko. I must say, siya ang pinaka-maganda sa buong campus. Main chick to ng mga kalalakihan at dahil don proud na proud syempre ako sakanya.

Si Amarah Marie Marchetta ay ang anak ng may-ari ng Marchetta Co., sa madaling salita napaka-yaman ng pamilya nila. Beauty products ang produktong ipinagmamalaki ng Marchetta Co. at isa ito sa mga pinaka-sikat na beauty product dito sa pilipinas.

"Ang ganda naman niyan. Sino yan?" Pagbibiro niya.

"Gagi. Hahahaha!"

"Hahaha biro lang. Araw-araw pa-level up ng pa-level up si Mr. Super Man ah. Malapit na niya ko mapa-bilib." Sabi niya.

"Naks. May improvement! Magkakaron na ng chance si Super Man sayo."

"How I wish na sana si Chad si Mr. Superman. Haaaay. Magiging perfect na ang lahat kapag nanyari yon."

Nag-day dream nanaman siya tungkol sakanila ni Chad.

Super duper ultimate crush niya si Chad. Pero, ang hindi alam ni Amarah ay may gusto rin ako kay Chad simula first year palang kami. Si Amarah kasi ay kaka-transfer lang rito sa school namin.

No big deal naman sa akin kung crush niya si Chad. Wala naman akong laban kay Amarah e, I'm sure may crush din sakanya si Chad sa sobrang ganda at sikat niya. Handa naman akong maparaya, crush lang naman e. Paghanga, ginagawa ko lang inspirasyon ang crush ko.

Si Chad Delos Reyes naman ay ang heartthrob dito sa campus namin. Cool si Chad at mabaet kaya ko siya naging crush. Hindi siya mayabang, katulad ng iba. May kaya ang pamilya niya, katulad ng pamilya ko.

Speaking of pamilya ko, dalawang tao na ang napakilala ko sainyo pero hindi niyo pa pala ako kilala. Hahaha, sorry naman. Na-carried away lang sa pagku-kwento ko.

Holla! I'm Winona Aali Macadaag, 17yrs. old. Ang palayaw ko ay Onay, ang bantot no? Pero okay lang yon, minahal ko narin ang palayaw kong yon. Ang mga malalapit lang naman sa akin ang tumatawag sakin non kaya pwede niyo rin akong tawaging Winona. Average lang ang estado ng pamilya ko. Isang simpleng housewife ang mama ko at isang magaling na chef naman ang papa ko na idol na idol ko. Sakanya ko namana ang kagustuhan ko sa pagluluto. Passion ko na yon mula pagka-bata pa, tinuturuan ako ng papa ko. Sabi naman nila ay masarap din ang mga niluluto ko. Yey! Apat kaming magkakapatid at ako ang pangalawa sa panganay. Yun nalang muna sa ngayon. Ang daldal ko na eh. Hahaha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 19, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Nasaan ka ba? Mahahanap din kita ( JaDine )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon