Core 🔸 20

10.4K 1.1K 280
                                    

Paris' POV

NAGISING na lang ako dahil sa ingay ng iba pang kalahok na pumasok na ulit sa backstage pagkatapos nilang sagutan ang exam. Nakatulog ako ng kaunti ngunit yung tipong mababaw lang. kaagad akong nagising nang maraming pumasok at naririnig ko ang mga yapak nila at mga buntong hininga.

Napatingin naman sila sa akin na may paghanga sa mga mata ngunit hanggang doon lang 'yun. Wala silang lakas ng loob para kausapin ako. Bagsak ang kanilang mga balikat na umupo sa kanilang mga upuan at ang iba naman ay kahit papaano ay masaya pa rin.

Nanatili akong tahimik hanggang sa natapos na ang lahat dahil naubos na rin ang oras. Lahat ay kabado pati ang mga kaklase ko. Kapwa tahimik ang mga kaklase ko sa Physics. I can't predict if any of them will be able to advance to the semi-final. Magagaling din sila, ngunit marami din magagaling sa ibang school.

"Everyone please standby. The scores have been checked and sorted out. The ranking will be displayed in a moment and once your name is within the top 8, please go back to the stage so everyone can see who's the top 8," saad ng isa sa mga staff doon sa amin.

"Yes," mabilis na sagot namin lahat.

Umalis ulit ang staff at kami ulit ang naiwan. Nangalumbaba na lang ako habang nakatingin sa screen hinihintay kung kailan lalabas ang score.

"Napaka-unfair naman talaga," dinig kong saad ng isa sa mga kasama ko sa loob ng backstage. Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.

"Kasali na nga sa Math, sumali pa sa Physics. Anong gusto niya, solohin ang championship?" Bulong ulit ng isa. The sound of cheap pettiness from them is disgusting.

Napataas naman ang kilay ko dahil sa narinig ko. Kahit walang utak ay makukuha kung sino ang tinutukoy nila. Ako lang ang tanging representative na sinalihan ang dalawang linya.

These people are blaming their shortcomings on someone else who did better than them. Hindi ipinagbawal na sumali ang isang participant sa dalawang linya ng kompetisyon kaya mahirap intindihin kung daan ang pinanghuhugotan nila.

They're making me look bad just because they're not good enough. Kung hindi nila kayang tumuntong sa top 8, they should blame their ability and not someone else. Anong gusto nila, ako ang mag-adjust? We have different goals sa pagsali sa kompetisyon at hindi ko babaguhin 'yun para sa kanila.

Hindi sila naririnig ng iba lalo na at ang mga nasa malapit sa kanila ay mga taga America na hindi sila maiintindihan. Based on their uniforms, they are from Imperial Academy. Ano pa ba ang aasahan ko?

"Bakit hindi sumali si Cassandra sa Physics? Magaling naman siya sa subject na 'to di ba?"

"Para ka naman bago. Hindi sumasali si Cassandra sa Physics dahil kailangan niyang magconcentrate sa isang subject sa Olympiad. Akala mo ba madali para sa kanya dahil matalino siya?"

"Pero bakit dalawa ang sinalihan ng isang 'yan? Akala ko ba magpinsan sila? Bakit 'di naman sila magkasing galing? Nagmumukhang average si Cassandra dahil sa kanya. Nakakainis."

"Ewan ko. Bakit ba ako ang tinatanong mo? Kung kaya naman niya sumali sa dalawa bakit hindi?"

"Teka sino ba ang kinakampihan mo? Hindi mo ba nakikita na sobrang unfair ng ginagawa ng Empyrean Academy? Porke medyo magaling yung top student nila? Ganito na lang ang gagawin nila sa atin?"

"Anong unfair? Nasa rules naman na pwedeng sumali ang isang representative sa dalawang subject kung kaya. Hindi naman niya kasalanan kung kaya niya ang dalawa habang hindi natin kaya. Bakit ba ang bitter mo? Hindi naman palagi yung school natin ang magaling. Kung gusto mo sisihin mo si Cassandra kung bakit hindi siya kasing talino ng pinsan niya!"

Eternal Core |The Eternal Series Two|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon