Mahigit isang taon na rin ng tayo ay naghiwalay,
Di ko inakala na sa ikli ng ating rekasyon, aabot sa hanggang ngayon naiisip pa rin kita. Madalas kaya kong pigilin ang aking damdamin, kahit gusto pa ng puso, kapag sinabi na ng utak na di ka tama para sa akin, nakakaya kong tanggapin ang sakit, masigurado lang na sa kinabukasan ko, di ka lubhang makakapanakit. Nawawala lang naman ang sakit kalaunan, matapos ng ilang buwan, I remember the boy, but I dont remember the feeling anymore na ang pinagdadaanan. Kaya di ko talaga inakala, na ang taong akala ko ay di ko naman lubos na minahal, mahihirapan akong kalimutan.Siguro dahil akala ko lang di kita ganon ka mahal, siguro dahil sa masyadong pagpoprotekta sa sarili ay di ko agad naramdaman. O masyadong mataas ang aking pride na yung akala kong mas mahal ako kesa sa mahal ko ay magiiwan ng tatak sa aking puso na siyang pilit nangungulit sa aking isip.
Sadyang nakakamiss ka, nakakamis ang sweetness mo, ang tanging lalake na nagparamdam sa akin ng pag aaruga at pag aalaga. Akalain mong nagawa mong iparamdam sa akin kung papaano ang alagaan mo. Namimis na kita sobra. Kung nasaan ka man ngayon, kung nakanino ka nang pag mamay-ari, I wish she'll take good care of you, and appreciate you the way I never did. I love you but we're not meant to be together, and I sincerely pray to God your happiness cause we both know you deserve it.