Chapter 18

27 1 0
                                    

Chapter 18

"Malapit na intrams namin. Sumasakit ulo ko nadagdagan na naman gagawin namin. Hindi pa nga ako tapos magcollect ng monthly funds each grade level pocha." Pagra rant ko kay Wallace.

"You can do it, Zeyn. Ikaw na yan eh." He consoled as I sighed.

"Please, kailangan ko ng break. Tapos sumasabay pa yung mga sakit sa ulo na subjects. Halos bihira na ako maka attend ng mga lessons ko kase palagi naman kaming lumalabas para mag asikaso para sa intrams." Kako naman na kinabuntong hininga niya.

"Sinabi na ni Kuya Triveon sakin na posibleng maging busy kayo kaya naman kahit ayoko, nakinig ako sa lessons namin tsaka nag notes na ako yung maiintindihan mo. Pare parehas naman tayo ng lessons kaya sinend ko sa email mo yung mga notes. Naka PDF yon." He said as I almost got teary eyed. So considerate naman ng bebe ko na to.

"Thank you so much, Lace. I don't know what I would do without you." I said as he just grinned.

I opened my Gmail and lahat ng subjects may notes siyang binigay. The notes were very detailed.

"Kita mo, kaya mo naman pala makinig kapag trina try mo eh. Tsaka nakaka notes ka naman, your notes are very easy to understand. It's summarized so mas madaling mabasa. I'm so proud of you, Lace." I grinned as he laughed.

"I just did it for you pero ngayon na sinabi mo yan sige pagbubutihin ko na. Magiging matino na po ako sa pag aaral." He said as I laughed. Perks of having a manliligaw na same strand. Parehas din kami ng course na kukunin, BS in Business Administration.

"Thank you, Wallace." I said as he smiled.

"It's nothing, sweetheart. Sabihin mo lang kapag dika naka catch up. Ibibigay ko notes ko, pwede din namang iexplain yung lesson sayo pero feel ko hindi ko magagawa ng maayos." Sabi niya na tumatawa kaya naman napatawa din ako habang umiiling. He can do it if he tries, masyadong tamad lang talaga siya minsan.

"Gusto ko ng magbakasyon." Kako na kinatawa niya.

"See you next next month sweetheart." He said as I smiled.

"See you next next month." I smiled as he grinned.

"Matulog ka na. You need rest, bukas mo na basahin yang mga yan." Sabi niya as I nodded.

"Goodnight, Lace."

"Goodnight, sweetheart. Love yah." He said as I smiled and ended the call.

Hanggang ngayon nagagawa padin niya akong pakiligin sa mga simpleng 'love you' niya. Like ano ba nakakakilig kaya. He says that almost everyday na magca call kami. Walang araw na hindi kami nagca call kaya naman wala akong rason na mamiss siya pero gusto ko na talaga makita sa personal eh. Next next month pa yung closing, hassle naman niyan. Pagtapos netong school year na ito pupunta na si Kuya sa Manila para mag-aral. Mag-aaral siya sa Mapúa, marine engineering. Doon din naman ako mag-aaral tsaka doon din mag-aaral si Wallace. That just makes everything easy.

"Hillary cancelled last minute. Wala tayong representative sa grade level natin." Problemadong sabi ni Alia. She's the representative of grade 11 so she was responsible for the picking of the representative ng Ms. Intrams sa grade level namin.

"Seriously? The pageant is like an hour away. Bakit siya nagcancel?" Tanong ko sakanya.

"Sabi niya may minor incident daw na nangyari sa bahay nila. She sprained her ankle kaya hindi siya makakapunta. Sino nalang representative natin ngayon?" She said while frustratedly massaged her head.

Endless Game (TRF#2)Where stories live. Discover now