ten

777 18 5
                                    

Jelai's POV

'pwede ba Junjun wag kang parang isip bata' inis na sabi ko ito nanaman kasi kami ni Junjun nag didiskasyon

'eh bakit ba kasi hindi mo nalang sabihin dyan sa Bryan na yan na may boyfriend kana' naiinis na din ang tono niya

'eh bakit kaya hindi ikaw ang humarap kay daddy para sabihing girlfriend mo na ako?' bakas ang pagtataka sa mukha niya

'anong ibig mong sabihin?' tanong niyang nagtataka pa din base sa ekspresyon 'sasabihin na natin kay tito Cesar?'

'napagisip isip ko kasi mas nahihirapan lang tayo kapag tinatago pa natin' sabi ko sabay napasinghap sakto naman na lumabas si daddy sa kwarto niya

'goodmorning po' bati ni Junjun

'oh Junjun ang aga mo yata' aniya

'uhm dad may sasabihin po sana kami sayo eh' kinakabahan na sabi ko

'ano 'yon?' salitan niya kaming tinignan ni Junjun

'tito Cesar ano po kasi eh..' kinabahan na panimula niya pasimple niya pa akong tinignan bago ituloy ang sasabihin 'kami na po ni Jelai' naramdaman kong mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko bahagya namang natawa si dad

'ah ayon ba? Matagal ko ng alam' nagtama ang mga tingin namin ni Junjun na parehas nagtataka  'wala namang mag kaibigan na halos araw araw magkasama tapos magtatawagan pa. Lalaki ako at alam ko kapag iba ang kinikilos ng lalaki and besides accidentally ko kayong narinig nag uusap one time'

'tito Cesar sasabihin naman po talaga namin..' ani Junjun

'dad sorry..' ayan lang ang lumabas sa bibig ko

'bakit kayo nag so-sorry?' seryosong tanong niya

'eh k-kasi po hindi namin sinabi agad' sagot ko

'ang totoo nga nyan ako dapat ang mag sorry sayo anak dahil hindi ako nag tiwala sayo kaya niyo tinago sa akin..' hinalikan pa niya ako sa forehead 'napahanga niyo ako kaya ngayon suportado ko kung ano kayo'

'thanks dad' masayang sabi ko tsaka yumakap sakanya tinapik niya naman ang braso ni Junjun bago kami iwan

'Yes! Yes!' masayang sabi ni Junjun habang tinatadtad ako ng kiss sa pisngi 'legal na tayo Jelai finally'





Roni's POV

nandito kami ngayon sa Batangas ininvite kami nila tito Rick ang daddy ni Basti the night after graduation tapos si Basti may dala pang flowers and chocolate to congratulate me

'pare mabuti naman at nakapunta kayo' bungad ni tito Rick pagbaba namin sa sasakyan tapos tinulungan niya si daddy na magbaba ng gamit lumapit kami sakanila ni tita para mag beso

'Roni' malaki ang ngiti sa mukha ni Basti ng makita ako

'hi' bati ko

'tulungan na kita' suhestiyon niya hindi pa man din ako nakakasagot ay kinuha na niya sakin ang bag na bitbit ko

'you know what Roni..' nagtataka ko siyang tinignan 'masaya ako na nandito ka' ngumiti lang ako sakanya

mayroon kaming konting salo salo katabi ko si Missy at sa kanan naman ay si Basti
'parang kelan lang mga maliliit pa kayo ngayon dalawa na ang graduate mo pare' ani tito Rick

'do you have plans already?' tanong niya samin ni kuya

'alam mo naman pare yung mana na nakuha ko kay dad binili ko ng mga properties para sa mga anak ko' ani dad

'ito namang si Basti alam mo naman nag iisang anak kaya sakanya ko na pinahawak yung mga resort' nag kwentuhan pa sila ng kung anu ano hanggang sa napunta nanaman samin ni Basti ang atensyon ni tito Rick

Where was I?Where stories live. Discover now