Unang Liham

14 2 1
                                    

August 15, 2023

12:11 AM

Rhys, kamusta kana? Batid kong hindi mo nais mabasa ang mga mensaheng ibig kong ipadala kung kaya't sa pamamagitan ng mga liham ay kakamustahin kita . . . nang hindi ka naaababala.

Nai-kuwento ng isa sa aking mga kaibigan na ikaw ay kaniyang nakasama sa isang laro nitong hapon lamang. Nais ko sanang muli ay padalhan ka ng mensahe ngunit tila ba ako'y tuluyan na nga yatang dinapuan ng hiya.

Malapit na ang simula ng klase, nakakalungkot sapagkat malayo na ang puwesto ng inyong silid sa amin, mahirap nang hagilapin ang rason kung paano ako dadaan sa harap ng strand na iyong kinabibilangan pagkat hindi maikakailang malayo ang ating distansiya.

Ikinalulungkot ko ngunit hindi ko nais na iyong malaman ang aking katauhan. Mananatili itong nakatago hanggang sa mabaon na lamang sa limot.

Hayaan mo't titigil lamang ako sa pagsusulat ng mga liham na ito sa oras na ako'y makatagpo na ng ginoong iibigin. Sa ngayon ay iyong pagpasensiyahan, ang aking paghanga sa iyo ay mananatili hangga't nais ng aking puso.

Nagmamahal,
Ly

Mga Liham Para Kay Rhys Where stories live. Discover now