Pangalawang Liham

3 2 0
                                    

August 15, 2023

11:26 PM

Rhys, nawa'y batid mo kung gaano kaganda ang iyong mga mata kahit pa ito'y natatakpan. Sa tuwing nagkakasalubong ang ating mga tingin ay napapatalon ang aking puso dahil sa tuwa at galak.

Hindi ko na maalala ang petsa, ngunit tandang-tanda ko kung paano dumampi ang iyong kamay sa aking likod . . . tandang-tanda ko kung paano kita nilingun at doon ay muling nagkasalubong ang ating mga mata, muli ay mas nahulog pa.

Hawak mo ang headset nang nakayuko kang tumingin sa akin, hawak ko no'n ang pagkain habang hindi matanggal-tanggal ang nakapaskil na ngiti sa aking labi.

Rhys, nawa'y mahimbing ang iyong pagtulog sa mga oras na ito. Maayos ka ba? Hindi ba nakakalungkot diyan? Kung maaari nga lang ipadala ang saya ay ipinadala ko na ang lahat ng nasa akin.

Batid kong may iba nang nilalaman ang iyong puso, hindi ako naghahangad ng kahit ano mula sa iyo, nais ko lang sumulat ng mga liham bilang tanda ng aking lubusang paghanga sa maririkit mong mga mata.

Hanggang sa muli nating pagkikita,

Ave.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mga Liham Para Kay Rhys Where stories live. Discover now