Prologue

9 3 5
                                    


PROLOGUE

"OKAY CLASS dismissed." I announced at niligpit ang mga gamit ko. "Please stay here and wait for your teacher sa next period niyo." dagdag ko pa. A student of mine raised her hands, "Ma'am? Wala po 'yong teacher namin sa Filipino... "

"Wala si Ms. Magalona? I'll stay here na lang and will dismiss you at exactly 4 o'clock." I placed my things again and sat down. "Ma'am, baka naman early dismissal! Hehe!" Sabi ng isa ko pang estudyante. Tumawa ako, "Bawal! Baka pagalitan ako!". Napa-"ahay" naman sila.

Sorry. Kailangan niyong maranasan ang naranasan namin noon. Charot!

Nagsimula nang mag ingay ang mga estudyante. Tumayo na ang iba at nag punta sa kani-kanilang mga grupo, 'yong iba naman ay nag-open ng cellphone at nagsuot ng earphones, 'yong iba ay natulog, at ang hinding hindi mawawala, 'yong mga nakikipag-chikahan sa guro.

"Ma'am! Kwento ka naman ng buhay mo!" Masiglang saad ng isa, lumapit naman iyong iba pang estudyante. "True!! 'Yong ibang guro halos kinuwento na ang buong buhay nila, Ikaw na lang hindi!" Tumawa ako. Hindi talaga mawawala iyong mga guro na storytellers 'no?

"Sige," I agreed. "Ano bang gusto niyo malaman?" Tanong ko. Medyo alam ko na kung ano ang gusto nilang itanong. Halata naman. Pagbilang ko ng tatlo, sabay nila isisigaw iyon.

Isa.

Dalawa.

Tatl–

"Lovelife mo po!!" Sabay nilang sagot. Oh 'di ba? Hindi pa nga umabot ng tatlo. Mga high school talaga ngayon. Hays.

Napatawa na lang ako, "Paano 'yon? Wala akong lovelife e?" kumunot ang mga noo nila at tinignan ako na para bang malaking kasalanan ang pagiging single. Sa tingin pa lang nila alam ko na na kinukwestyon nila kung bakit kulang sa pag ibig ang kanilang guro.

"Si Ma'am! Pa-lowkey lowkey pa!" "Susss! Jino-joke time mo ba kami ma'am" pang asar ng iba. I defended myself, "Hindi 'no! Single talaga ako ngayon!" Napatigil sila. "Ngayon? Edi may 'noon'?!" Napa-"huyy" naman sila at inasar ako. What if bigla maging 74 iyong math grades nila? What if lang naman. "Share mo naman ma'am!" Sabi ng isa at nag-agree naman iyong iba.

Wow! Ungkatan ng past! Makapag walk out nga.

Napatingin ako sa relo ko, Sakto! "Next time na, 3:59 na oh? Ayaw niyo bang umuwi?" Tanong ko. Narinig ko pa iyong iba na nagbubulungan na madamot raw ako sa lovelife, 'yong iba naman nagyaya ng kaklase sa galahan.

I'm glad na kahit papano na-experience ko din 'to noon. Kahit medyo late ko na naranasan ang mga ito; gumala kasama mga kaibigan, mag-ingay sa room, at kiligin...? Niligpit ko na gamit ko at nagpaalam sa mga estudyante.

"Girl, akala ko 3 PM end ng last subject mo? Ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Christine, co-teacher ko. "Wala si Kimberly, e. Kaya binantayan ko muna 'yong Zeus. Bantay na may kaunting chika, ganun." Page-explain ko. "Pa-share naman ng chika." Umiling ako, "Tinatanong nila lovelife ko." Napatawa nang malakas si Christine sa sinabi ko, dahilan kung bakit napatingin sa amin iyong ibang teacher sa faculty. "Lovelife?" Inulit niya pa at tumawa ulit nang malakas. Inirapan ko siya, "Porket may anak ka na, pwede mo na akong i-bash?"

"Pero oo nga naman, 'di ka masyado nagkukwento doon... Ano ba meron sa lovelife mo?" tanong niya.

Jusko po.

"Oo nga! Pag lovelife, ang tahimik ni miss Eunice!" Dagdag pa ng isa kong co-teacher. "Kasi wala naman talaga siguro?" Sagot ko at natawa. "Anong siguro? Ano 'yan? 'Di ka sure kung meron kang lovelife non?" Sunod sunod na tanong ni Christine at tumawa. "Next time lang! Magre-relapse muna ako mamaya para may ikukwento sa inyo" Biro ko.

The Study of LoveWhere stories live. Discover now