01

4 1 0
                                    


CHAPTER 01

NAKAKAIRITA NA.

"Eunice~ pwede mo ba ako tulungan sa math problem na 'to? Please?" Pa cute ng kaklase kong si Nicole.

Hindi. Ayoko.

"Sige. Anong number ba?" I smiled kahit labag sa loob ko. Agad naman lumiwanag ang mukha niya. Akala niya ata gumagana yung pa cute niya sa 'kin.

Ayoko lang masira image ko sa kanila.

Pero minsan nakakaubos na ng pasensya.

Tanong dito, tanong doon. Pakopya dito, pakopya doon. Nagpapaturo kunyari pero hinihintay lang na sabihin ko ang sagot sa kanila. Nakakairita.

Kinamot niya ang ulo, "'Yung number seven, Eunice. Paano ba 'to?" Tanong niya at binigay ang libro niya sa akin.

Ang dali dali lang naman nito.

I faked a smile, "Ah, Medyo madali lang 'yan." Saad ko. Anong medyo? Super dali niyan. Nasa likod lang naman ng page na 'to 'yung examples, di niya ba 'to binasa at nagtanong lang diretso? I started explaining kung paano sasagutin ang math problem na iyon.

"So pagkatapos nito, is-subtract mo sila..." I explained while showing her my process. I tried to explain it in simple terms para madaling ma-gets. "Ano? gets mo ba?" I asked, lumingon ako sa kanya kung pinapanood niya 'yung pag solve ko.

Sinusubukan talaga ako nito.
Explain ako nang explain tapos siya tulala, nakatitig sa crush niya na nag e-ML sa likod.

"Nicole," I called her name to catch her attention, napatingin naman siya sa akin. "Gets mo ba?" I asked. Ngumiti naman siya sa akin, "Ah, oo. Medyo magulo lang." She smiled.

Syempre magulo kasi hindi ka nakikinig!

"Ano... pwede ba sabihin mo na lang sa 'kin 'yung sagot?" Walang hiyang tanong niya. "Alam mo na, It-try ko lang tapos ic-check kung tama!" Excuse niya. Kahit labag sa kalooban ko, ngumiti na lang ako at sinabi ang sagot. Nag-"thank you" naman siya at bumalik sa upuan.

At nag-selfie nang selfie.

Galing, nag try ngang mag solve.

Nakakainis na talaga.

They take advantage of my "kindness". Tapos ako naman, hindi kayang tumanggi. Ayoko namang masira ang tingin nila sa akin kapag tinanggihan ko sila.

First impression nilang lahat sa akin ay suplada. Dapat hindi ganon. I must look approachable. That's why I try so hard para maki-belong sa section na 'to.

Tumabi sa 'kin si Millyse, "Hello, Tutor!" Biro niya. "Potek na 'yan" Tumawa naman siya, "Get a girl na tuturuan ka for free."

Buong period niya ako inasar tungkol doon. Natigil lang noong dumating ang teacher namin. Buti nga.

Wala namang memorable na nangyari sa araw na 'to. Aral, kain, aral, practice, uwi. It's a never ending cycle. Nakakaumay na nga.

When will my life be so fun?

Kailan ko rin ba maranasang gumala pagkatapos ng klase? Gawin mga gusto ko? at hindi puro aral lang?

Puta, may quiz pa kami bukas. Alas-sais na ng gabi tapos 'di pa 'ko nakauwi, kakatapos lang namin mag-practice. Isang oras din biyahe pauwi. Nakakapagod.

Pagdating ko ng terminal, ang haba pa ng pila. Siguro mga alas-otso pa ng gabi ako nito makakauwi. Gusto ko na lang mag-dorm pero ayaw ko namang mahiwalay kina mama.

Nagsimula na 'kong mag review habang nakatayo at nakapila. Matagal tagal na rin akong naghintay para makasakay sa bus. Ayokong mag aksaya ng oras kaya kahit nagsisiksikan na sa bus, pinipilit ko pa rin mag review. 

Nagising ako nang may nararamdaman akong makulit na nagt-tap ng shoulder ko, "Miss... gising na please... bababa na ako, kanina pa ako lagpas sa uuwian ko. Tayo na lang natira dito sa bus." sabi ng isang binata na kasing edad ko lang siguro. "Sorry po. Sana ginising niyo ako,"

Bahagya siyang tumawa, "Kanina pa kita ginigising pero "five minutes pa" sagot mo lagi," Namumula ang pisnge ko sa hiya, nakakahiya talaga. Ilang beses akong humingi ng patawad at bumaba na sa jeep.

"Kuya, 'di naman sa ano pero sinusundan mo ba ako...?" Mahinang tanong ko pero parang narinig niya ata kasi bigla siyang tumawa nang malakas, "Top 1 ka ba sa pagiging assuming?" Biro niya na inirapan ko lamang.

Tahimik akong— o kami?— naglalakad pauwi. Kahit limang minuto na akong naglalakad, nandyan pa rin siya sa likod ko na nakabuntot. Hindi naman ako mapakali kung sinusundan niya ba ako o nagkataon lang na pareho kami ng daan.

Nang nasa harap na ako ng gate namin, tinignan ko si kuya na — wow! — nandyan pa rin. He raised his right brow, "What? Why are you staring at me?" Bakit nga ba... Nginitian ko siya,  "Wala, mauuna na 'ko. Salamat sa pag gising at pag sabay...?"

"Welcome. We're neighbors pala. Nice to meet you." Ngumiti siya pabalik. He extended his right hand, aiming for a handshake. "I'm Seven Tobi, Tobi na lang since calling me a number sounds weird." I laughed and shook his hand, "Eunice Calliste,"

He smiled, "Well... Nice to meet you, Eunice. See you again tomorrow."

———————————————————
:3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Study of LoveWhere stories live. Discover now