Prologue

2 0 0
                                    

Kwintas

Abala ako sa pagdidilig ng aking mga tanim. Ito na kasi ang pinagkakaabalahan ko kahit noong bata pa ako. Bukod na rin siguro na nakatira kami malayo sa komunidad, kaya rito ko na lamang nilalaan ang oras ko.

"Nia! Anak, halika rito at handa na ang almusal. Tama na muna 'yang ginagawa mo't mamaya mo na lamang ituloy."

"Sandali na lang po ito, Nay!" ani ko at nagmadali sa ginagawa.

Nakatira kami sa tabi ng burol, kaya't napakalamig ang simoy ng hangin. Umikot ako habang dinadama ang malamig na hangin na dumadapo sa aking balat. Bahagyang dinadala ng hangin ang suot kong mahabang puting bestida.

"Magandang umaga, mga mahal ko! Kumain kayo ng marami," pagbati ko sa aking mga alaga.

Marami kaming alagang hayop na ipinagbibili namin minsan kapag dumadalaw ang aking Tiyahin. Dinadala n'ya ito sa bayan at ang perang ipangb-bayad naman ay ibinibili n'ya na lamang ng aming supply.

"Malapit na ang kaarawan mo, Nia. Sigurado ka bang wala kang napupusuang bilhin?"

"Nay, ayos naman na ako sa munting handa. Idagdag na lang natin sa ipon ang pera." Pero sa totoo lang, ang tanging hiling ko lang talaga simula pa ng bata ako ay ang makita sa personal ang Tatay ko.

Simula nang ipinanganak ako ay hindi ko pa talaga s'ya nakikita. Ang litrato lang nila ni Nanay ang pinanghahawakan ko. Hindi ko alam kung bakit? Maraming tanong na gusto kong malaman ang sagot pero ayoko namang bigyan ng problema si Nanay.

Nagku-kuwento naman s'ya tungkol kay Tatay pero kakauting impormasyon lamang ang ibinibigay n'ya. Naiintindihan ko namang may hindi sila pagkakaunawaan noon . . . kaya na rin siguro nalayo kami sa kan'ya. Ngunit kailan ko naman kaya makikita ang tunay kong ama?

Hindi ko alam ang tunay n'yang pangalan dahil tanging lumang litrato lang ang hawak ko.

Napabuntong hininga si Nanay, "Sige na." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Pumapayag na akong sumama ka kay Tiya Rita mo papunta sa bayan sa makalawa. Pero tatandaan mo ang bilin ko sa 'yo, Anak."

"Opo, Nay. H'wag makikipag-usap kung kani-kanino lalo kapag hindi ka komportable," at niyakap si Nanay.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko sa buong buhay ko. Pinili kong suotin ang aking paboritong bulaklaking bestida, hinayaan ko namang nakalugay ang mahaba ngunit kulot kong buhok. Kinuha ko sa aparador ang lumang litrato ni Tatay at inilagay ito sa aking bag.

Ito ang unang beses na aalis ako sa aming tahanan para pumunta sa bayan. Kinakabahan ako ngunit hindi ko alam kung bakit. Huminga na lamang ako ng malalim at ngumiti. "Handa na po ako."

Maingay na palengke ang bumungad sa akin nang makarating kami sa bayan. "Nia, bumalik ka rito mamaya bago mag-alas kwatro para hindi ka gabihin sa daan pauwi."

"Opo, Tiya . . . "

Nagsimula na akong mag-ikot-ikot. Marami akong lugar na napuntahan sa maghapon kaya naisipan kung bumalik na. Napakarami pa lang paninda rito kaya naisipan kong ibili ng regalo si Nanay. May nakita akong suklay, simple lang ang disenyo ngunit mukhang elegante.

Saktong pagdampot ko sa suklay ay may pumatong na palad sa kamay ko. "Naku po pasensya na, hindi ko alam na may nauna na pala." Akmang iaabot ko ang suklay ng masilayan ko ang maamo n'yang mukha. Ngumiti s'ya sa akin.

Ano ba itong nangyayari sa akin? Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko gayong nakatayo lamang ako at nakaharap sa kan'ya.

"Hindi . . . "

Ano?

"Ang ibig kong . . . sabihin ay hindi sa akin 'yan kaya pwede mo ng bilhin."

Wala sa sarili kong inabot ang bayad sa nagtitinda.

"Bago ka lang ba rito? Ngayon ko lamang nasilayan ang iyong katangi-tanging kagandahan." Ngumiti ito sa akin, nakita ko ang mala-abo n'yang mga mata. Napakagandang tignan ang mga ito.

Pakiramdam ko ay namumula na ang aking buong mukha.

Base sa kan'yang pananamit ay masasabi kong nagmula s'ya sa mayamang pamilya. Mayroon ding lalaki sa likod n'ya. Isa siguro ito sa mga taga-pagsilbi n'ya.

Ano bang dapat kong sabihin?

"Ah, hindi naman. Hindi lang talaga ako madalas lumabas kaya siguro gano'n . . . . Sige, mauna na ako at baka hinahanap na ako sa amin," hindi ko na s'ya hinintay pang sumagot ay nagsimula na akong maglakad.

"Sandali!"

Napatigil ako sa paglalakad.

"Maari ko bang malaman ang iyong pangalan, Binibini?"

Pakiramdam ko ay naubusan ako ng hangin sa sinabi n'ya. Hindi ako makagalaw. Ano ito? Bakit ako nagkakaganito?

"Nia! Halika ka na! Baka hinahanap ka na ng Nanay mo." Pagtawag pa ni Tiya Rita, nakasakay na ito sa kalesa at hinihintay na lamang ako.

Nilingon ko muna ang estrangherong lalaking nakasalamuha ko bago ako naglakad palapit kay Tiya Rita.

Sa kabilang banda, abala ang Hari sa pagbabasa ng mga papeles na kailangan n'yang pirmahan nang may kumatok. Inilagay nito ang kan'yang kanang kamay sa dibdib at yumuko.

"Patawad, Kamahalan, ngunit ako ay may dalang balita mula sa kawal."

"At ano naman 'yon?" Abala pa rin ang lalaki sa pagbasa.

"May nakakita po kay Serita, ang nakababatang kapatid ni Dorothea, na may kasamang dalaga sa bayan. May suot itong kwintas na parehong-pareho sa pagmamay-ari ng inyong pinakamamahal."

Natigilan ang Hari at agad nagtaas ng tingin sa kawal.

Possible bang mangyari ang bagay na 'yon? Ang kwintas na tinutukoy n'ya ay ang ipinagawang kong kwintas para kay Dorothea na ako mismo ang nagdisenyo at nasisiguro kong wala itong kapareho.

Dorothea . . . saan ka ba nagtatago mahal ko? Ilang dekada na ang nakalipas ngunit hindi pa rin kita nakikita . . . .

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LAVINIATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon